tatlumpu't pito

351 22 71
                                    



Isang malaking ngiti ang isinalubong ni Taehyung kay Hoseok na salungat naman sa ekspresyon ng nakakatanda, bakas ang pag-aalala sa itsura nito. Hindi siya kaagad nakagalaw ng oras na nakita niya na si Taehyung sa malapitan, may pasa ito sa gilid ng bibig, may mahabang hiwa sa ilalim ng kilay. Hindi niya alam kung paano siya magre-react, labis siyang naguguluhan sa nangyayari.

"Tara na hyung?"

Nagsimula ng maglakad si Taehyung ngunit nanatili lamang siyang nakatayo, napakamot sakanyang batok at sinusubukan paring unawain ang nangyayari ngayon. Imposible naman kasi na nagpakita si Taehyung sa papa nito para lang magpabugbog, Taehyung is clever enough to come up with an instant plan. Masyadong malakas ang kutob ni Hoseok, parating tama ang hinala niya. And he couldn't think this time that he is now doubting the younger.

"Hoseokie hyung . . ."

Ilang ulit napakurap si Hoseok ng sa wakas ay nabalik na siya sa sarili niya, ilang siyang naglakad palapit sa kung saan siya hinihintay ni Taehyung. Nauna na rin itong sumakay ng sasakyan, wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumakay na rin upang makabalik na sila ng rest house. He was about to start the engine when he realized something. Agad niyang tinignan si Taehyung na agad namang iniwasan ng nakababata ang tingin niya, tila ba ay naiilang ito.

"Anong nangyari? Nakausap mo ba ang papa mo?"

"No."

Deretsyahang sagot ni Taehyung. Dahil dito, mas lalo lang naghinala si Hoseok.

"Imposible. Bakit kailangan mo pa magsinungaling? Anong napag-uspan niyo? Paano ka nasaktan ng papa mo ng ganyan?"

"Hindi si papa ang may gawa nito sakin. Hindi kami nag-kita."

"Taehyung!"

Buong buhay ni Hoseok, wala pa siyang napagtataasan ng boses. Hindi niya ugali ang manigaw, dahil siya mismo ay ayaw niya ang pinagtataasan siya ng boses. Ngunit ngayon, tila may kung ano ang nag-uudyok sakanya na ilabas ang ibang ugali niya na madalang makita ng iba. Ang Hoseok na kayang magalit. Hindi niya din kasi magawang maintindihan kung bakit kailangan pang magsinungaling ni Taehyung sakanya. As if there's another reason why he got beaten. Ang kaso wala, at wala rin siyang alam na ibang tao na makakagawa nito kay Taehyung bukod sa ama nito. (Despite the fact that they aren't even know each other)

Napakuyom ng kamay si Hoseok at napa-igting ng panga ng mag-iwas lang ng tingin si Taehyung, ibinaling ang ulo sa labas ng kotse.

"Balik na tayo sa rest house."

"Sa tingin mo, ano ang magiging reaksyon ni Jungkook kapag nakita niya na ganyang ang itsura mo?"

Bumuntong hininga si Taehyung, "Problema ko na yun." Tumingin kay Hoseok gamit ang kanyang nangungusap na mga mata. "As long as tatahimik ka, magiging ayos lang ang lahat."

"Tell me how I won't be bothered by this? Kung nakakalimutan mo kaibigan ko si Yoongi, ang padalos-dalos na desisyon ay maaaring ikapahamak ng kaibigan ko."

Natigilan si Taehyung ngunit hindi siya nagpahalata na bahagya siyang naapektuhan sa narinig nito. Do he have to defend himself?

"Masyado ka lang praning, hyung." He forced a smile that makes him more obvious. "Wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko ipapahamak si Yoongi hyung at si Jimin."

Hindi kumbinsido si Hoseok sa sagot ni Taehyung at alam yun ng nakababata, alam niyang hindi niya ito maloloko ngunit kailangan niyang subukan na ilusot ang sarili sa maliit na butas kahit alam niyang imposible, there's always nothing wrong on trying— but he at least have to become an effective actor if he wants to trick on him.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon