"Jungkook ano ba? Halika na!"Halos kaladkarin na ni Taehyung si Jungkook paalis sa pinagtataguan nila, hindi kalayuan sa rest house. Kung bakit nasa ganitong sitwasyon sila ngayon, ito ay dahil nakita nila ang pagtigil ng dalawang itim na montero at kasunod nito ay ang paglabasan ng mga lalaking nakaitim na sigurado si Taehyung na tauhan ng papa niya.
"Hyung, sandali!"
Natigil si Taehyung sa paghila kay Jungkook dahil sa biglaang paghila ng kamay nito paalis sa pagkakahawak niya. Nagtataka siyang tumingin dito, hindi niya alam kung bakit sa pagtitig lamang sa mga mata nito ay bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Kilala niya si Jungkook, at ngayon palang sinasabi na ng utak niya na kailangan niya nang pangunahan pa ang nakababata sa kung ano man ang iniisip nito.
Walang pasabi niya itong hinila muli sa kamay na siya ring agad na pag-protesta ni Jungkook sakanya.
"Pucha naman, ano bang problema mo? Siguro nakita mo naman na nandyan na sina papa 'di ba? Halika na at aalis na tayo dito bago pa mahuli ang lahat!"
Hindi ito umimik.
Sa halip ay tinitigan lang siya nito na waring merong gustong sabihin.
Iniiwas niya ang kanyang tingin dahil alam niya na kung ano ang gusto nito.
"Hyung—"
"Jungkook, tara na!"
Maotoridad na saad niya.
Humakbang paatras si Jungkook dahilan para gumawa ito ng ingay dahil sa tuyong mga dahon at sanga na natapakan nito sa lupa.
Mabilis na hinila ni Taehyung si Jungkook paupo, nagtataasan ang mga halaman kung saan sila nagtatago kaya imposible na makita sila lalo na at madilim na rin sa buong paligid.
Mahigpit niyang hinawakan si Jungkook sa braso nito, sinasabi na kailangan niyang sumunod sakanya. Ngunit dahil may katigasan ang ulo ng nakababata ay hindi pa rin ito natinag kahit pa sa paraan ng pagtitig sakanya ni Taehyung.
"Please. ." Mahinahon na sabi niya, desperadong pangungumbinsi nito.
"Kailangan ba talaga nating iwan sina Yoongi hyung? You know your father, in that case, I think we should—"
"Yun na nga, kilala ko si papa kaya tara na! Hindi ba eto naman talaga yung plano?" Pabulong na sigaw na saad niya, "pero—"
Hindi na natuloy pa ni Jungkook ang kanyang sasabihin ng makita niya ang tila ba nakikiusap na mga mata ni Taehyung. Preventing him from talking further more.
"Inaantay na tayo ng mga magulang mo kaya tara na. ."
"Kanina lang sinabi mo na nagi-guilty ka sa nangyayari. Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa sitwasyon na ito?"
"Kapag nasa gitna na ng laban, wala na dapat sukuan. Oo, nagi-guilty ako sa nangyayari lalo na sa sitwasyon ni Jimin, pero hindi ibig sabihin nun na susuko kita para sa iba."
Nagulat si Jimin dahil sa biglaang pagpasok ng mga hindi kilala ngunit pamilyar na mga nakaitim na lalaki. Kanina lang ay halos lumuwa na ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak gawa ng naging eksena nila ni Yoongi, ngayon naman ay umatras lahat ng luha niya at napalitan ito ng kakaibang takot lalo na ng pumasok ang dalawang lalaki na siyang kilala niya na sa pagkakataong ito.
Gusto niyang magsalita ngunit pinangunahan siya ng takot. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang buong katawan lalo na't nakikita niya ang dami ng baril na nakatutok ngayon sa dereksyon niya.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...