tatlumpu't lima

297 23 15
                                    



Hindi mapirmi ang mga mata ni Hoseok sa kalsada. Panay ang tingin niya kay Taehyung na nakaupo sa tabi niya, napakalalim ng iniisip nito na halos naging tahimik lang sa biyahe. Hindi niya gusto kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, malakas ang pakiramdam ni Hoseok na merong mangyayari na hindi maganda— may pinaplano si Taehyung na siyang nagpatahimik rito.

"Oh, nasaan yung sports car mo? Dito namin kayo sinundo kanina 'di ba?"

Hindi umimik si Taehyung. Hindi niya pinansin si Hoseok na nakatitig lang sakanya. Sinuot nito ang kanyang hoodie, inayos ang kanyang nagulong buhok at ang mas nagpataka kay Hoseok ay ng i-off ni Taehyung ang cellphone niya. Dito na siya naglakas loob na magtanong.

"Taehyung? A-ano ba'ng binabalak mo?"

Hindi siya sinagot ni Taehyung, tinignan lang siya nito at nginitian. Pinagmasdan niya ito, gusto pang magtanong ngunit mas pinili niya na lamang manahimik. Maraming bagay ang sumasagi sa utak niya ngayon din, isa na dito ay ang katanunga na 'lahat ba ay gagawin mo para sa taong mahal mo?'.
Si Hoseok, ni minsan ay hindi niya pa nararanasan ang magmahal ng sobra, ngunit alam niya na napapaligiran siya ng mga tao na nagmamahalan at minamahal din siya. Sa nakikita niya, ang mga taong nagmamahal ay siyang nagiging tanga. Isang malaking halimbawa nalang dito ay ang kaibigan nilang si Jimin. At ngayon, mukhang dadagdag pa si Taehyung sa listahan.

Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig kaya hindi niya magawang manghusga, hindi niya alam kung bakit handang masaktan ang taong labis na nagmamahal.

Tumingin si Taehyung sakanya, wala na ang mga ngiti na nakapinta sa mga labi nito. Ang tanging nakikita ni Hoseok ay ang seryoso nitong mga titig. "Hyung, huwag ka nalang magsusumbong ah?" Sumilay muli ang ngiti sa mga labi nito ngunit ngayon ay may katamlayan na.

"A-ano?" Gulat at naguguluhang tanong ni Hoseok.

"Sa ngayon, hayaan mo nalang ako kung ano man ang gagawin ko . . . Please, never gave me any reason to turn back."

Akmang bubuksan na sana ni Taehyung ang pintuan ng sasakyan ng pigilan siya ni Hoseok dahilan para tignan niya ito ng may pagtataka.

"Ano bang binabalak mo?"

Hindi na nakasagot pa si Taehyung sa tanong ni Hoseok ng may tumigil na dalawang SUV sa kabilang kalsada hindi kalayuan sa tinigilan nila. Hindi din nagtagal ay may lumabas na mga kalalakihan na nakasuot ng itim, at patungo ito sa sasakyan kung nasaan sila. Kunot noong tinapunan ng tingin ni Hoseok si Taehyung. Wala siya na kahit na anong ideya sa kung ano man ang nangyayari, basta ang alam niya lang . . . Hindi maganda ang kung ano man ang nag-aantay sakanila ngayon.

Halos mapatalon na si Hoseok dahil sa gulat ng may walang pasabi na lalaki ang kumatok sa bintana ng sinasakyan nila. "Taehyung, kung ano man ang binabalak mo, please lang... huwag mo ng ituloy."

Muli nanamang sinubukan ni Taehyung na lumabas ng sasakyan ngunit mas lalong lang humigpit ang pagkakahawak ni Hoseok sakanyang kamay, medyo naiirita na siya dahil dito.

"There's no other way, hyung. Kapag hindi ko 'to ginawa, baka mawala ng tuluyan ang isang tao na pinaka-importante kay Jungkook. At alam mo? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali man.."

Desperadong napailing si Hoseok ng kanyang ulo ng muling subukang buksan ni Taehyung ang pinto. "Bitaw!" Maotoridad na saad ng nakababata na siya lang inilingan niya. "Hyung naman . . ."

Siniguro ni Hoseok na naka-auto locked ang kanyang sasakyan ng saganun ay hindi talaga ito mabuksan ni Taehyung. Hindi rin kasi tumitigil ang mga lalaking nakaitim na nasa labas ng sasakyan sa pagkatok sakanila.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon