hindi mo binitawan ang kamay ko kahit ngayon na naglalakad na tayo pabalik sa kotse, galit na galit ang papa mo sa naging deretsyahang sagot mo sakanya.halos tinangay na ng kung ano mang hangin ang natitirang lakas ko ng magsimula kang pagtulakan ng sarili mong ama palabas sa bahay na iniregalo nila para sainyo ng kambal ko.
nag-aalala akong napatingin sayo, kahit walang emosyon na ipinapakita ang mukha mo, hindi pa rin marunong magsinungaling ang mga mata mo, yoongi. dito ako may nakikitang bakas ng lungkot at sakit. nang tumama ang ilaw sa mukha mo ay dun ko rin nakita ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata mo.
" siguraduhin mong hindi ka na magpapakita samin ng mama mo! at sisiguraduhin ko rin na magsisisi ka sa desisyon na ginawa mo! "
binuksan mo ang pinto para sakin at inantay ako na makapasok sa loob bago ka umikot at makasakay sa may driver's seat. kaagad mong pinaandar ang makina ng sasakyan, sinenyasan mo ako na magsuot ng seatbelt ng makita mong hindi ko ito sinuot.
tumingin ako sa rare view mirror ng sasakyan mo, pinapanood lang ni tito ang paglayo ng kotse natin. ngunit alam ko na hindi niya naman gusto na ipagtabuyan ka, kahit papaano ay mahal ka niya dahil anak ka niya. walang mga magulang ang hindi mahal ang kanilang mga anak.
ngunit iba ang mga magulang ko..
isa lang ang mahal nila at alam kong hindi ako yun.
" sorry, hyung.. "
hindi ako nakatingin sayo. nakayuko lang ako. takot na baka ako naman ang pagbuntungan mo ng galit. takot na baka sandali lang ang bisa ng pagiging mabait mo sakin. baka nananaginip lang ako. hindi mo pala talaga ako isasama sa paglayo mo. yun pala'y itatapon mo na ako sa Han River at hayaang malunod dun kasama ng ilang piraso ng kahoy na parang isa ako sa cast ng titanic. ako si rose, ngunit wala akong jack na aalalay sakin.
ngunit lahat ng pag-iisip ko ng mga posibleng magandang dahilan ng pagkamatay ko kung sakali man na nanaginip nga lang ako.. lahat ito ay nawala ng marinig ko ang munti mong pagtawa habang may pahampas ka pa sa hawak mong manibela.
agad akong nag-angat ng tingin. gusto kong siguruhin na hindi ako nagkamali ng dinig. totoo ngang tumatawa ka.
" y-yoongi, ano ba talagang nangyayari sayo? "
hindi mo sinagot ang nag-aalalang tanong ko sayo, nagpatuloy ka lang sa pagtawa.
" hindi ka naman nagt'take ng drugs? "
kailangan mo na ba ng gabay ni lolo digong? tamang-tama at best friend naman sila ng president ng bansa natin.
" what makes you think that i am taking some prohibited drugs? tumatawa lang nag-aadik na? "
" kasi naman, you're acting weird. it wasn't you, yoongi.. "
dun ka natigilan sa huli kong sinabi. tila ba may napagtanto ka.
" ito naman ako dati, hindi ba? ako pa rin naman ang min yoongi na hinahangaan mo? "
bumuntong hininga ako at nagpalit ng posisyon. isinandal ko ang ulo ko sa nakasaradong bintana ng kotse. hindi ako inaantok, hindi rin nangangalay ang leeg ko. gusto ko lang itago ang emosyon na namumuo sa mga mata ko. nalulungkot ako.
" hindi na ikaw ang dating, min yoongi na hinahangaan ko simula ng mangyari ang insidenteng iyon. nagbago ka at nagbago rin ang pakikitungo mo sakin. well, i deserved it anyway. "
hindi ka kumibo, hindi ko na rin inabala pa ang sarili ko na tignan ang reaksyon mo dahil nakikita ko ang repleksyon mo sa salamin na kinasasandalan ko, deretsyo ka lang nakatingin sa kalsada. ngunit nakakunot ang noo mo, hindi mo ata nagustuhan ang naging sagot ko.
" saan na tayo ngayon, hyung? "
pagbasag ko sa katahimikan. tumingin ako sayo at sumulyap ka lang sakin at agad ding ibinalik ang tingin sa kalsada.
" dadaan muna tayo ng coffee shop ni, jin hyung. siguradong inaantay na tayo ni hoseok at namjoon doon. "
tumango lang ako. wala na akong ibang itatanong para manatili ang pag-uusap nating dalawa. gusto ko sanang sulitin ang araw na ito, yung nakakausap kita ng walang sigawan na nangyayari.
" gusto ko ng yakap. "
napatitig ako sayo ng ito ang sunod mong sinabi. hindi kaagad nag proseso sa utak ko ang salitang sinabi mo. nakatulala lang ako, inaantay na may sunod ka pang sabihin.
saka lang ako nabalik sa sarili ko ng maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan, malapit na tayo sa coffee shop ni jin hyung, natatanaw ko na ito at kita ko rin si hyung sa glass panel na abala sa pag-aayos ng mga mesa at upuan habang pinapanood siya ni hoseok sa may counter.
my brows knotted as you widely open your arms. shivers creep on me, as you gestured for me to come closer. kinakabahan ako sa mga ikinikilos mo, hindi ako sanay.
nagdalawang isip ako kung lalapit ba ako, ngunit ng muli akong napatingin sa mga mata.. doon ko naramdaman ang kagustuhan mo na makaramdam ng mainit na yakap.as if your eyes was been struck by ice, it was too cold, your body searching for warmth.
" g-give me a hug, jimin. "
hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kaagad akong lumapit sayo ng makita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa mata mo. i locked my fingers to tighten the hug. you buried your face into my neck and sniffed nonstop.
" it was me who need to ask for apology. i'm really sorry that it was just this day i had realized what i am doing to you. i'm sorry, jimin. you're too good. you're too nice. i'm so sorry for hurting you. "
iniiling ko ang ulo ko, hinimas ko ang likod mo upang patahanin ka.
" hindi mo kasalan lahat ng 'to, it was my choice. hindi ikaw ang pinapili, ako ang pumili ng sarili kong kapalaran. nangako ako sakanya, nangako ako na aalagaan at hindi kita sasaktan. "
guilt trip over me. i know what i have done. and it can no way change the fact that everything is my fault. not even your sugarcoated words.
" i love you, yoongi. "
hinawakan ko ang mukha mo gamit ang dalawa kong kamay, pinunas ko ang luhang tumigil sa makinis mong pisnge. you just stared at me.
nag-aantay ako ng sagot mo. umaasa ako kahit masakit ang umasa.
you didn't answer, instead.. you hold onto my nape and pulled me, you close the gap between us by kissing me.
i didn't noticed the tears that starts to flow into my eyes.
you didn't answer.
you only kissed me.
is that even enough?
can it be my assurance to make sure that you love me too?
but the kiss for you seems so,
meaningless.
you kissed me without emotions, yoongi.
–and it hurts.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...