limampu't apat

328 22 24
                                    



I.

Mabilis na bumaba ng kotse si Jimin, ni hindi niya na nagawa pang hintayin si Minghao. Walang pagdadalawang isip ay tinahak niya ang pasilyo ng hospital, mabilis siyang tumatakbo, bawat lapat ng sapatos sa sahig ay umiingay sa tahimik na pasilyo. Wala din siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng ilang nars at mga nagbabantay sa kanya-kanyang paseynte sa loob. Ang tanging nasa isip niya ay si Yoongi.

Paano kung binalikan si Yoongi ng ama ni Taehyung?

Paano kung may ginawa itong masama?

Paano kung sinaktan nito ang taong mahal niya?

Wala na rin siyang pakialam pa sa patuloy na pag-gaos ng mga luha sa kanyang mga mata dala nang pinaghalo-halong emosyon, ang malakas na tibok at pintig ng puso niya ay rinig na rinig niya dala nang labis na kaba.

Nakarating siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Yoongi. Walang mapagsidalan ang kabang nararamdaman niya.

Gamit ang naginginig na mga kamay, walang pagdadalawang isip niyang binuksan ang pintuan.

Labis ang tibok ng kanyang puso lalo na ng wala siyang makitang Min Yoongi na nakahiga sa kama. Nilibot niya ang kanyang mga mata, nagbabakasakaling nadoon lamang ang taong hinahanap niya.

"Y-yoongi?"

"Sir," nilingon niya ang taong tumawag sakanya. "Pasensya na po kayo, ginagawa na po namin lahat para mahanap ang pasyente. Tumakas po siya kanina. Pinaghahanap na rin po siya ng mga kaibigan—"

Hindi niya na pinatapos pa ang sinasabi ng nars at agad na siyang tumakbo palabas ng kwarto. Hindi siya mapapanatag lalo na at alam niyang nakatakas ang siyang dahilan ng pag-guho ng mundo nila.

"Nakita mo?" Paunang tanong sakanya ni Hao nang salubungin niya ito.

"W-wala si Yoongi sa kwarto. H-Hao, pano kung.. pano kung may kinalaman dito si Mr. Kim?"

Hindi na batid pa ni Jimin ang pag-uunahan ng luha niya dahil sa mga posibilidad na pumapasok sa isipan niya. Talagang hindi niya kakayanin kapag nalaman niyang may masamang nangyari kay Yoongi, lalo na ngayon at unti-unti nang maayos ang lahat sakanila.

Hanggang kailan pa ba sila pag-lalaruan ng tadhana?






II.

"Matagal-tagal na rin ng hindi kita nabisita dito."

Tumingala siya upang pigilan ang nararamdaman niyang pagbabadyang pagpatak ng luha sa kanyang mata. Dinaan niya sa pagngiti ang nararamdamang pag-iyak. Ngunir hindi ito nakatulong, bagkus mas lalo niya lang naramdaman ang lungkot.

Ipinatong niya ang bulaklak na dala at saka matamlay na ngumiti habang pinagmamasdan niya ang pangalan na nakaukit sa lapida. "Hindi ako galit sayo," malalim na huminga si yoongi.. "masakit ang ginawa mo sakin pero matagal na kitang napatawad."

Kung naging madali sakanya ang mapatawad ang taong siyang nagkasala talaga sakanya, bakit patuloy pa rin siya sa pag-asta na parang kasalanan ni Jimin lahat? Ganun na ba siya katanga?

Natawa siya nang may kapaitan dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan niya, lalo na nang maalala niya ang mga nagawa niya noon kay Jimin sa mga nakalipas na taon.

"B-bakit ko nga ba nagawa yun sakanya?" Itiningala niya ang kanyang ulo upang pigilan ang luha na pumatak ngunit nahuli na siya, tuloy-tuloy na sa pag-agos ang kanyang mga luha dala nang labis na sakit at pag-sisisi. "Tell me, am I that foolish for making him suffer all through these years?"

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon