alas sais na ng umaga nang magising ako,
wala ka na sa tabi ko kaya alam kong naghahanda ka nang pumasok sa bago mong trabaho which is sa sariling kompanya niyo.nakausap na rin kita tungkol sa naging issue sa dati nating trabaho, sinabi ko na sayo na hindi na ako babalik dun dahil ayaw ko rin naman ang pamamaraan ng pagpapatakbo ng mga nakakataas sa kumpanyang iyon.
wala kang naging komento sa sinabi ko, hindi ka rin umangal kaya umasa nalang ako na 'oo' ang sagot mo.
naghanap ako ng trabaho, kahit anong trabaho basta wala ka lang masabi sakin.
sumubok ako sa coffee shop ni jin hyung na boyfriend ni namjoon. at nakakatuwa dahil natanggap ako. kung iisipin mo na tinanggap ako dahil kaibigan tayo ni namjoon, doon ka nagkakamali. nag-apply ako dun ng wala si jin hyung at tanging yung co-owner ang nandoon. si jackson wang.
hindi niya ako kilala kaya malabong tinanggap niya ako dahil sa personal na koneksyon natin sa magkasintahan.
isa na akong cashier sa coffee shop nila. mas maganda nga lang sana ang posisyon ko doon sa kompanya ng mga lee, kasi isa akong brand manager. pinaghirapan ko iyon para makuha ang promotion kaso agad ding nasira ang pinaghirapan ko.
hindi kita sinisisi yoongi, hindi natin kailangan magsisihan. hanggat makakaya ko ay uunawain kita.
lumabas na ako ng kwarto nang matapos na ako sa paghahanda para sa unang araw ng pagpasok ko.
nakita ko na nakabukas ang studio mo kung saan ka noon madalas nagpapalipas ng oras. libangan mo noon ang pagsusulat ng kanta maging narin ang pagra-rap. masasabi kong hindi mo lang ito basta hilig dahil sobrang galing mo. tila ba isa ka nang propesyonal sa larangan na iyan.
kaso nga lang, lahat nagbago. marami kang kinalimutan, maraming nag-iba sayo. at lahat ng iyan ay nagsimula noong masaktan ka dahil sakanya...
na ako ang sinisisi mo...
" ayokong gawin! sinabi ko na sayo na ayokong gawin 'di ba? um-oo lang ako noon kasi hindi pa ako nakakapag-isip. masyado pa akong naguguluhan ng mga oras na iyon.. "
magpaapaalam na sana ako sayo ang kaso, narinig ko na may kausap ka sa cellphone mo. galit na galit ka at nakikita ko kung paano magsalubong ang kilay mo.
hindi ko gusto ang makiusosyo, pero hinila ako ulit ng kuryusidad ko.
" if you can talk to the kim family... then do it! please, dad... "
nanghina ako nang makita ko ang lungkot sa mga mata mo. ngayon lang kita ulit nakita na ganyan kalungkot.
sadyang mahina talaga ang puso ko pagdating sayo." kung ganito lang naman pala ang mangyayari, bakit niyo pa ako pinilit ni mama na sumama kay, jimin?.. "
mahigpit akong napahawak sa body bag ko, pigil hininga akong humakbang palapit sa pinto upang mas marinig ko ang sasabihin mo, ingat ako na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. dahil kung sakali man na mahuli mo akong nakikinig sa pribadong usapan ninyo ng ama mo, siguradong magagalit ka sakin.
" putangina! hindi na ako papayag pa na makisama sa isang tao na hindi ko naman mahal! ilang beses niyo bang gagawin sakin 'to? ilang beses niyo ba dapat akong pilitin sa isang bagay na ayaw ko? "
marahas akong napalunok nang makita ko ang pagtulo ng luha mula sa mata mo. pilit mong tinatapangan ang boses mo ngunit salungag ito sa totoong nararamdaman mo.
" please cancelled that fvckng arranged marriage! i-i'm not marrying that guy unless you tell me to left jimin and be with that guy instead! "
napasinghap ako dahil sa narinig ko. sa huli ako pa rin pala ang masasaktan.
bakit ba ang tanga ko?
bakit ang hina ko?
pilit kong pinigilan ang luha ko, tinatagan ko ang loob ko.. kahit sa unang pagkakataon man lang ay maging matapang ako, walang luha na papatak para sayo.
tumalikod na ako dahil hindi ko na gusto pa na marinig ang sunod mong sasabihin.
na sana pala ay hindi ko muna ginawa.
" but that is the most idiotic thing to do! "
yoongi plastered a smug smile on his lips. he then continued his words.
" i'm no way leaving, jimin! i know i don't deserve his love but he deserved to be loved! kailangan niya ako... "
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...