dalawampu't apat

342 23 2
                                    

- f l a s h b a c k -
7 years ago. . .


"Saan ba tayo pupunta? Kailangan pa nating mag practice para sa graduation march! Mapapagalitan tayo!"

Binitawan ni Jimin ang kamay ni Yoongi na kanina lang ay hawak niya, humarap siya dito at pinakita ang nakakunot niyang noo na tila labis ang pagtataka.

"Si Min Yoongi? ABM student, with high honor, na dating rule breaker ay takot mapagalitan ng teacher dahil lang hindi siya magpapapraktis para sa graduation march? Anyare?"

Tumalikod si Jimin kay Yoongi at itinapon ang bag niya sa kabilang bakod, kinuha ang bag ni Yoongi na nakasukbit sa balikat nito at itinapon rin sa kabila. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa kalokohang naiisip ni Jimin.

"Tara dito hyung! Kailangan ko ang tulong mo!"

Napaikot ng mata si Yoongi, lumapit siya kay Jimin at ginawa ang gusto nito. Lumuhod siya upang makasampa si Jimin sa balikat niya. Kailangan niyang humawak sa naroong pader para hindi siya mawalan ng balanse.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit parang hindi ka makapaghintay hanggang mamaya?"

Tanong ni Yoongi habang marahang tumatayo ng saganun ay hindi mahulog si Jimin na nakasampa sa balikat niya.

"Hubarin mo ang sapatos ko."

"Bakit kasi hindi mo muna hinubad bago ka naupo sa balikat ko? Tangina neto!"

Pagreklamo ni Yoongi, tumingala siya para makita niya ang nakangiting si Jimin.. more on, nagpapacute na Jimin sakanya. Nakita niya kung paano ito ngumuso at napaikot ng mata ng wala siyang ginawa.

"Edi huwag! Tutuntong nalang ako sa balikat mo ng nakasapatos!"

Akala niya ay nagbibiro lang ito, nanlaki nalang ang mata niya ng magsimula na itong tumayo sa balikat niya, bukod sa madudumihan ang suot niyang uniporme ay siyempre masakit din ito gawa ng matigas na swelas ng sapatos na tila ba ay bumabaon sa balikat niya. Hindi din siya natatakot para kay Jimin sa na baka mawalan ng balanse dahil alam niya kung gaano ito kaflexible.

"A-aray ko naman! Pwede bilisan mo?!"

"Eto na, malapit na. Itulak mo kaya pwet ko ng mabilis akong makaakyat?"

Suhestyon ni Jimin.

Siyempre agad itong ginawa ni Yoongi dahil chance niya ng nahawakan ang Jibooty ni Jimin. Itinulak niya ito ng buong lakas at sa huli ay nagawa na nitong makasampa sa bakod at agad na tumalon sa kabila. Doon na lang na realize ni Yoongi na naiwan siya nito ng marinig niya ang tawa ni Jimin mula sa kabila.

"Teka! Takte paano ako aakyat? Hoy, Jimin! Sumusobra ka na sakin! 'Di porket mabait ako sayo at hindi kita pinapatulan eh mang-aabuso ka na ng kabaitan!"

Wala siyang nakuhang sagot mula sa nakababata bukod sa mga tawa nito na halos mawawalan na ng hininga.

"Jimin ano ba?"

"Hahaha, may hagdan sa may likuran mo, hyung! Pwede mo siyang gamitin! Hahaha"

Napapikit si Yoongi dahil sa narinig niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang ulo niya para makita ang sinasabing hagdan ni Jimin.

"Takte ka talaga Jimiiiiiiin!!"



-

Ibinigay ni Jimin ang milk tea na paborito ni Yoongi, pambawi na rin sa panlolokong ginawa niya dito kanina.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon