labing tatlo

406 32 6
                                    



nasa loob pa rin kami ng sasakyan ni, seokjin hyung. nagdadalawang isip kung baba na ba ako o mananatili muna upang mas umipon pa ng lakas ng loob. sa paraan ng pagtingin sakin ni hyung na huwaring sinasabi kung balak ko pa bang tumuloy o mananatili na lang kami sa loob ng sasakyan ng walang ginagawa.

sa katunayan talaga, yoongi... wala ako sa tamang pag-iisip ng alokin ko si hyung na pumunta sa kim.co, instinct ko ang nagsabi na dapat akong pumunta dito at kausapin ang mga kim sa plano nila. ngunit salungat doon ang totoo kong naiisip na paraan..

alam mo kung ano yun?

yun ay ang hayaan nalang ang tadhana sa itatakda niyang kapalaran nating dalawa. hahayaan ko ang kung ano man ang plano ng mga magulang mo para sayo. hayaan ang sarili ko na mas lalong masaktan sakali man na ikasal ka nga sa taong hindi mo naman kilala.

kasi, yoongi 'di ba? pwede naman na tayong dalawa nalang ang ikasal? papayag ka naman siguro..

" jimin, balik nalang kaya tayo? hindi maganda ang binabalak mo... kilala ko si mr. kim dongjeon. mas nakakatakot pa yun kay yoongi kapag aksidente mong maistorbo sa pagtulog. "

ilang segundo akong tumitig kay hyung na bakas ang pag-aalala sa mukha, ngunit hindi iyon dahilan para mapigilan niya ako. para sayo, yoongi wala akong takot na papairalin.

" tara, seokjin hyung.. samahan mo na ako sa opisina ni mr. kim dongjeon. "

tinapunan lang ako ng nagtatakang tingin ni hyung at hindi na ako nag-antay pa sa hudyat niya at bumaba na ako ng sasakyan niya.

dumeretsyo kaagad ako sa entrance ng malaking gusali at kaagad rin akong hinarang ng guard. hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na ang presensya ni hyung sa likuran ko. nakilala siya ng guard at yumuko sakanya bilang pagbigay ng galang.

hinawakan niya ako sa kamay ko at binigyan kaming daan nung guard.

alam mo ba, yoongi.. ang gara ng kumpanya ng mga kim. hindi ito yung unang beses na nakapasok ako sa ganitong klase ng kumpanya dahil ilang ulit na rin akong nagpabalik-balik sa kumpanya niyo noong kayo pa ng kapatid ko. ngunit hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang mamangha sa malalaki at magarang mga gusali. parang gusto ko tuloy magtrabaho sa ganitong kumpanya. yung may mataas din akong pwesto katulad mo ngayon.

binabaybay namin ngayon ni seokjin hyung ang mahabang pasilyo ng gusali, wala pa kami sa kalahati at natatanaw palang namin ang elevator nang may biglang sumigaw mula sa likuran namin at sabay kami ni seokjin hyung napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng malalim at malaking boses na iyun.

" seokjinnie hyung! waaah! "

nanlaki ang mata ko at hindi ako makapaniwalang tinignan si hyung at ang isang lalaki na halos kaedad ko lang din. bigla itong tumalon mula sa likuran ni hyung na siya namang masayang hinayaan nito.

" anong ginagawa mo rito? "

masayang tanong nung lalaki, casual lamang ang suot nitong damit ngunit halata ang pagiging magara nito. mukhang isang mamahaling tao.

dumako ang tingin sakin ni hyung tila sinasabi sa isa na may kasama siya sa pagpunta dito, kasabay nun ay ang pagbaba ng lalaki sa likuran ni hyung. pumunta ito sa tabi ni seokjin hyung at kumapit pa sa braso nito.

mukhang malapit sila sa isa't-isa.

" sino ang batang yan? anak ng kapitbahay niyo? babysitter ka na rin, jinnie hyung? "

ganun nalang ang pagkunot ng noo ko matapos kong marinig ang tanong ng lalaki. gustuhin ko man na bigyan ito ng isang malakas na suntok ng malaman niya kung sino ang bata na tinatawag niya hindi ko naman pwedeng gawin yun dahil paniguradong sayo babalik ang kung ano man ang iaasal ko.. baka siya ang unang tao na mapagsample'an ko ng napag-aralan ko sa judo.

" ah, p-pumunta kami dito para k-kausapin si director kim. "

mabilis akong napatingin kay seokjin hyung nang marinig ko ang pagkautal niya, nakita ko rin kung gaano siya ngayon naiilang sa hindi ko malamang dahilan.

ngunit mas mabilis pa sa kidlat ang pagbaling pabalik ng tingin ko sa lalaking kaharap namin dahil sa sunod nitong sinabi..









" pumunta kayo dito para kausapin si, papa? "


siya pala ang mapapangasawa mo kung sakali man, yoongi.

ano nga ba naman ang laban ko sa isang magarang tao na katulad niya?

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon