walo

424 33 2
                                    



muli akong napamulat ng aking mga mata, napabalikwas ako ng bangong ng hindi kita maramdaman sa tabi ko. agad akong napatingin sa pintuan ng banyo ng marinig ko ang pagbukas nito. nagkasalubong ang mga tingin natin na siya rin namang ako ang unang umiwas.

paanong hindi ko iiwas ang tingin ko kung ang tanging suot mo lamang ay ang pantalon mo. tinutuyo mo ang basa mong buhok gamit ang maliit na tuwalya na hawak mo sa iyong kaliwang kamay.

kahit hindi ako nakatingin sayo ay ramdam ko pa rin ang pagtaas ng dugo sa pisnge ko dahil sa pamamagitan ng sulok ng aking mga mata ay nakikita ko ang nakakasilaw mong katawan.

hindi ito ang unang beses na nakita kita na walang pang-itaas na damit ngunit ito yung unang beses na hindi mo ako sinigawan upang lumabas ng kwarto dahil magbibihis ka.

hindi ako kaagad nakagalaw ng magsalita ka at may ipinaabot sakin na hindi ko naman narinig dahil nawala na ako sa sarili ko.

" jimin ano ba? nasaan yung mga puti kong t-shirt? "

napakurap ako ng ilang beses ng naglakad ka palapit sakin. tinitigan mo ako diretsyo saaking mga mata ngunit hindi katulad noon ay hindi ka nakakunot. your stares are soft, it was mesmerizing and i can't deny the fact that i am drowning.

" pabo! "

nabalik ako saaking sarili nang magsimula kang magkalkal sa walk in closet mo, mabilisan akong bumangon sa kama at naglakad papunta sayo upang ako na ang maghanap ng damit mo.

nananaginip pa ata ako.

tila imposible ang nangyayari ngayon. ikaw mismo nag-utos sakin na kunan kita ng damit na hindi mo naman pinapagawa sakin, ni hindi mo ako sinisimangutan ngayon at wala ring pagtaas ng boses.

mamahalin mo na ba ako ngayon, yoongi?

" akala ko ba pinaalis ka na sa trabaho mo? saan ka pupunta? "

mali ata na itinanong ko pa ang bagay na iyon, dahil dun ay bahagyang nagkasalubong ang kilay mo, medyo padabog din ang ginawa mong pagkuha ng damit mula sa kamay ko kaya alam ko na nainis ka sa itinanong ko sayo.

tumalikod ka sakin at isinuot mo ang damit na kinuha ko, naglakad ka na papuntang pinto upang lumabas ng kwarto.

ng maalala ko na hindi pa ako nakakapaghanda ng agahan ay nagmadali akong sumunod sayo palabas, muntikan pa akong mapatid dahil sa suot kong pajamas.
pababa ka na ng hagdan ng pigilan kita.

" sandali, yoongi! "

tumigil ka ngunit hindi mo ako nilingon, tila naghihintay ka lang sa sasabihin ko.

" maghahanda muna ako ng agahan, tatawagin nalang kita kapag tapos na ako. "

nakunot ang noo ko ng humakbang ka ng isa pababa ng baitang, hahakbang ka pa sana ulit ng napatigil ka, tila may napagtanto.

" nakapaghanda na ako, kakain ka nalang. . "

tila tumigil ang mundo ko,

napakasimpleng dahilan ngunit hindi ko alam kung bakit nangingilid ang mga luha ko?

anong nangyayari sayo?

nananaginip ba ako?

kung oo,

ayaw ko nang magising pa kung sa panaginip man lang ay ganito mo ako pakikisamahan.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon