" anong ginagawa mo dito? alas quatro palang, at masyadong malamig dito.. "hindi na ako nakaangal pa ng patungan mo ng jacket ang balikat ko upang hindi ako malamigan. naupo ka sa katabi ko at ginaya ako. itiniklop mo rin ang mga binti mo malapit sa dibdib mo at niyakap ito sabay tingin sa malawak na karagatan.
ilang sandali rin tayong naging tahimik. namamayani ang ingay ng paghampas ng alon sa dalampasigan. napapapikit ako tuwing tumatama ang malamig na hangin sa aking mukha. ang ipinatong mong jacket sa balikat ko ay isinuot ko dala ng sobrang lamig na nararamdaman ko, umusog ako ng konti at inabot ang kamay mo sa kadahilanang wala kang suot na panlamig, sa malamang ay nilalamig ka rin.
pinagdaop ko ang dalawa kong palad sa dalawa mong kamay, hinipan ko ito upang kahit papaano ay madagdagan ang init na nabibigay ng maliit kong mga kamay.
nagtaka ako at nagsalubong ang kilay ko ng higitin mo ang kamay mo mula sa pagkakakulong nito sa mga palad ko, hindi ako nakagalaw dahil sa sunod mong ginawa. ini-intertwined mo lang naman ang kamay natin, hinila ang ulo ko palapit sayo at isinandal ito ng kusa sa balikat mo. tinapik-tapik mo ang ulo ko at naghumm ka rin ng isang kanta na pamilyar sakin. it was really soothing but it isn't enough to convince me... i'm still doubting your actions.
" kasalanan mo. "
natigilan ako.
pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko dahil sa salitang binitawan mo.
muli kong narinig ang salitang paulit-ulit mong inaakusa sakin lalo na kapag galit ka. hindi kita masisisi. may karapatan ka. ngunit para sabihin ko sayo, yoongi. hindi lang ikaw ang nasaktan.
" kasalanan mo kaya hindi tayo nagkatuluyan.. "
napaangat ako ng tingin sayo. iba pala ang inaakala kong ipinupunto mo sakin.
tila sa ilang saglit lang, bumalik lahat ng alaala sa nakaraan natin. seven years ago, senior high school, grade twelve. nagkakamabutihan na tayo, mutual understanding. you treat me special, and we already had couple of dates. ang kakaiba nating pagkakaibigan ay nauwi sa espesyal na pagtitinginan. hindi ko inakala na ang magkaiba nating ugali ay bigla nalang magkakasundo. ako bilang isang masugid na tagasunod ng mga policy at ikaw bilang rule breaker.
everything changes in a snap of a finger.
" you let me go. hinayaan mo akong mahulog sa kakambal mo, kaya eto.. hindi na tuloy ako makaahon sa pagkakahulog ko sakanya. "
i smiled bitterly pero hindi ko ipinakita sayo iyon. ayaw kong isipin mo na galit ako o masama ang loob ko dahil sa hindi natuloy na pagmamahalan nating dalawa.
o baka nalilito ka lang sa nararamdaman mo sakin ng mga oras na yun? i show you some kind of affection. kaya siguro ang nararamdaman mo sakin ay hindi love but affection.
it all vanished— your feelings, when you met my twin brother.
" you let yourself to fall with him. i'm holding onto you tightly, pero ikaw itong hindi kumapit ng mahigpit. pero, wala na rin naman sakin yun. baka nga siguro hindi tayo para sa isa't-isa. "
tumingin ako sayo at ganun ka rin sakin. hindi mo ikinukurap ang mga mata mo. just by staring at your brown orbs, pakiramdam ko ay mawawala ako sa realidad. tila may sariling buhay ang mga mata mo.
you cupped my face using your two pale hands, you squish my cheeks until my lips were pouting. you laugh and that sends tingling sensation in my ears." we can still continue the unfinished love story of us. you want that? "
" yoongi! "
umingay ang malakas kong sigaw sa pangalan mo ng wala kang paalam na buhatin ako in bridal style.
nanlaki ang mga mata ko ng magsimula kang maglakad patungo sa dagat. the sun was already rising, its light was reflecting on the water adding for more breathtaking aesthetic beauty of the sea.
hinubad mo ang sapatos mo gamit ang paa mo, i'm not wearing mine dahil nagpunta ako sa tabing dagat ng nakapaa.
" let go of me! bring me down! "
" i'm no way letting go of you again! "
tinitigan mo ako habang malaki ang ngiti sa mga labi mo. humigpit ang pagkakahawak mo sa ilalim ng binti ko at sa balikat ko. otomatikong ipinulupot ko ang braso ko sa leeg mo na siyang nagpalaki pa sa mga ngiti mo.
i'm starting to be afraid of your actions.
this happiness—
i'm scared that all of this is only an euphoric feeling that'll end sooner.
" oh god, yoongi! "
napasinghap ako ng ibaba mo ako sa tubig. nagpatalon-talon din ako ng magsimulang maramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko.
tumawa ka.
sinamaan kita ng tingin.
" papatayin mo ba ako sa lamig? "
umiling ka lang at naglakad palapit sakin.
" hindi. dahil papatayin kita sa kilig. "
sinakop ng dalawa mong kamay ang mukha ko at saka ka lumapit hanggang sa maglapat ang mga labi natin.
hindi naging ayos ang paghinga ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. you're right, yoongi. papatayin mo nga ako dahil sa kilig.
naramdaman ko ang pag ngiti mo, humigpit rin ang pagkakahawak ko sa balikat mo dahil ano mang oras, pakiramdam ko ay matutumba ako.
alam mo bang ayaw ko sa dagat?
pero ngayon,
tila ba nagugustuhan ko na.
binigyan mo ako mg magandang karanasan sa dagat.
you made me forget about the uninvited memories that was still haunting me—
that day,
when the incident happened.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...