mas pinili kong matulog sa sala, alam kong ayaw mo akong makita tuwing ganito na nagtalo tayo. hindi ko nga alam kung bakit at pano ka pumayag na sa iisang kwarto tayo natutulog ganung galit ka sakin. walang araw na hindi mo ako pinagtaasan ng boses, walang araw na hindi mo ako kinunutan ng noo, ni minsan ay hindi ko nakita ang ngiti mo. at alam mo ba kung gaano ako kasabik na makita ang ngiti mo lalo na't alam ko na ako ang dahilan? sana balang araw ay mangyari yun, ang mapangiti kita at hindi ang pagkunot ng noo ang gagawin mo tuwing nakikita mo ako." jimin! "
agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang boses mo, halata na galit ka kaya ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. tila ba sasabog ito kapag hindi ko kinontrol.
sinalubong kita, pababa ka ng hagdan habang hawak mo ang isa sa mamahalin mong tuxedo. mukhang alam ko na kung bakit, nalimutan ko na sabihin sayo na aksedente kong nasunog ang tuxedo mo nung araw na nagpaplantsya ako.
" yoon— "
natigil ako sa sasabihin ko ng marahas mong ibato sakin ang hawak mong tuxedo, masakit iyon at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko ngunit pinigilan ko na huwag itong tumulo dahil alam ko na magagalit ka lalo kapag nakita mong umiiyak ako.
diretsyo mo akong tinitigan sa mata, magkasalubong ang mga kilay mo kaya mas lalo nitong naeemphasize ang galit mong mga titig.
hindi ko alam kung tungkol pa rin ba ito sa damit mo na nasunog ko o dahil lang gusto mo akong sigawan at batuhin para ilabas ang tinatago mong mga galit.
" papalitan ko nalang, pasensya na talaga hyung. "
mas lalo pang nagkasalubong ang kilay mo dahil sa sinabi ko, hindi rin nakaligtas sa mga mata ko kung pano nanginig ang mga kamay mo dahil sa galit. pilit kong inaalam sa sarili ko kung saan ba dun ang mali sa sinabi ko.
katulad nga ng pagkakakilala ko sayo, hindi ka ganun kababaw para magalit lang sa isang bagay na pwede namang masulosyunan.
" wala ka talagang alam kahit kailan! hindi ko alam bakit nagagawa ko paring pagtiisan ka na makasama ganung pwede naman kitang iwan, bwiset! "
mabibigat ang ginawa mong paghakbang pabalik sa itaas, iyon na rin ang hudyat para pakawalan ko ang maiinit na luhang iyon.
tinignan ko ang tuxedo na hawak ko, hinimas ko ito at ramdam ko ang lambot nito sa pamamagitan ng palad ko. pinadaan ko ang kamay ko sa malambot na tela hanggang sa maabot nito ang bahagi na merong lagda.
huli na ng mapagtanto ko na ito pala ang huling natanggap mong regalo galing sa kapatid ko.
wala nga akong kwenta.
dapat lang nga na magalit ka sakin dahil wala akong alam.
lalong-lalo na kung gaano mo kamahal ang kapatid ko.
hindi ko na rin dapat na malaman dahil nakikita ko na,
mahal mo siya, higit pa sa ano mang bagay.
lalong-lalo na, higit pa sakin.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...