dalawampu't

373 31 11
                                    




" saang lupalop kayo ng milky way napadpad? akala namin in-abduct na kayo ng alien! ayos ka lang ba jimin? tumangkad ka na ba? virgin ka pa ba— aray! "

nakatanggap ng batok si hoseok kay namjoon at jin hyung ng sabay dahil sa pag-ooa nito ng makita tayong pumasok ng loob ng coffee shop, pati height ko dinamay pa. nakanguso akong naupo sa isa sa mga upuan doon. nagpangalumbaba ako at tinitigan lang kita, yoongi. sapat na sakin ang titigan ka lang magdamagan.

" pero seryoso, kanina pa kami dito nag-aantay mula kanina ng tawagan mo kami, hyung.. maaga ngang nagsara si seokjin hyung para lang sainyong dalawa. pasado alas dose na oh.. angyare? "

pagrereklamo ni hoseok hyung habang itinuro pa ang suot niyang wrist watch na may design na minnie mouse. lumapit sakanya si jin hyung at hinampas ng hawak na tray, pabiro lang ito pero sobra ang naging pagngiwi ni hoseok na tila nasaktan siya at nagsusumbong saatin.

tahimik ka lang, yoongi. tila malalim ang iniisip mo. ni hindi ka nga nagreact man lang sa mga nakakagagong sinasabi ni hoseok. nakita ko sa mga mukha ng kaibigan natin na nag-aantay sila ng kasagutan. ng makita ko na parang wala ka namang balak na sagutin ang tanong ni hoseok ay ako nalang ang sumagot para sayo.

" h-hindi na itutuloy ni, hyung ang kasal.. "

naputol ako sa sasabihin ko dahil sa pagsingit ni namjoon hyung. todo ang pagkunot ng noo nito, tila hindi naniniwala.

" at pumayag si tito sa gusto ni hyung? "

umiling ako. napaatras si namjoon dahil sa naging response ko sa tanong niya. muli akong tumingin sayo, tinitiyak ko na ayos lang sayo na ako ang magsabi ng mga nangyari. wala ka namang reaksyon. nakatulala ka lang.

" pinapili siya. magpapakasal, o kakalimutan niya na may mga magulang siya. sa madaling sabi ay itinatakwil siya— "

napakurap ako ng ilang beses ng sabay na impit na tumili si hoseok at jin hyung, tila kinikilig ang dalawa. naghawakan pa sila ng kamay at nagpatalon-talon habang malawak ang mga ngiti sa labi. hindi pa man ako tapos, tila alam na nila ang nangyari. ang weird ng mga kaibigan mo, yoongi.

" huhulaan namin! huhulaan namin ang nagyari waaaah— huhulaan namin, sandali nga hoseok, nahihilo na ako sayo! kabayo ka nga! "

marahas na binitawan ni hoseok ang kamay ni jin hyung, dahilan para samaan siya nito ng tingin. inayos ni jin hyung ang buhok niya na nagulo dahil sa paikot-ikot nilang pagtalon. hinihingal din ito at pinagpawisan.

" anong kinalaman ng pagkahilo mo sa pagiging kabayo ko? "

" haist! nagtanong ka pa talaga, siyempre sanay ka magpaikot-ikot ng hindi nahihilo. sa carousel 'di ba? "

natawa nalang ako ng magsimula silang maghabulan, nakatingin ka sakanila at nakangiti. napailing nalang ako, hindi man lang sila makausap ng matino.

napaatras ako sa upuan dahil sa gulat, sobrang lapit ng mukha ni namjoon hyung sakin. tinaasan niya ako ng kilay at inusisa. naglakad ka palapit samin. nakapamulsa.

" don't tell me, jimin— "

" i just let myself be free from their clutches. i did what i think is right. "

sagot mo. yumuko ako dahil nahihiya ako. pilit kong itinatago ang namumula kong mukha. ng makalapit ka kasi sakin ay hinihimas mo ang ulo ko, pinapadaan ang kamay mo sa malambot kong buhok.

" with, jimin? really? "

disbelief na tanong ni namjoon sayo. you nod as a response.

" na realize mo mahal mo pala siya? na dapat noon mo pa narealize tanga! "

wala kang naging sagot, yoongi.

bakit?

hindi ka pa rin sigurado? nalilito ka ba sa kung ano dapat ang nararamdaman mo sakin? you're confused between like and love? thinking that all of this might be a mistake and only affection not love? or maybe, wala ka talagang nararamdaman sakin.. baka yun nga.

" hoseok, the key? "

nadisappoint ako. bumagsak ang dalawang balikat ko at umarko ang bibig ko ng wala ka nanamang naging sagot. umiiwas ka ata kapag yang nararamdaman mo na para sakin ang napag-uusapan. parang kanina lang, hinalikan mo ako instead of giving me a straight to the point answer.

hoseok hyung tossed a key. hindi ko alam kung para saan 'to. pero hindi na ako nagtanong dahil nawalan ako ng lakas kahit na ang magsalita.

" are you really sure about this yoongi? bubuhayin mo si jimin mag-isa? "

nag-angat ako ng tingin ng muli mo akong hawakan sa kamay, hinila mo ako patayo.

" magtutulungan kami, 'di ba, jimin? couples are helping each other. "

nagkatinginan silang tatlo dahil sa narinig nila mula sayo. kahit sila ay hindi naniniwala sa mga ikinikilos mo. bakit parang may mali? you're too sweet and nice to me. and i'm afraid it won't last longer.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon