" pano kung nasundan nila tayo? "nag-aalalang tanong ko sainyo. hindi maalis sa isip ko ang nangyaring habulan nanaman kanina sa hospital, hindi pa din humuhupa ang takot at kaba sa dibdib ko. masyado na tayong napapasubo sa kapahamakan.
" invisible ang kotse ko. "
natahimik tayo, walang kumibo, tila may dumaang anghel dahil sa narinig natin mula kay taehyung. tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin, inaasahan ko na makikita ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya, ang kaso, seryoso siya.
talaga bang invisible ang kotseng gamit niya?
" at wala na ring gas. "
pagkasabi nun ni taehyung ay kaagad ng nahinto ang sinasakyan natin. mukhang naubusan na nga tayo ng gasolina, medyo malayo-layo pa ang rest house nina hoseok sa napagtirikan ng sasakyan.
" seryoso, taehyung? ngayon pa talaga? "
galit mong tanong kay taehyung na siya lang nginitian ka ng box smile nito. hindi din nakaligtas sakin ang pag-irap mo.
" tipid kasi kami ni baby jungkook kasi hindi ako nakapagdala ng maraming pera ng maglayas ako, yung credit card ko rin naka blocked na. hindi na kaya ng budget. "
" sino kasi may sabi na magtanan kayong dalawa? "
sabay na napatingin satin sina jungkook at taehyung. si jungkook, mukhang defensive. habang si taehyung naman ay tila proud pa sa ginawa niya.
" kasalan ba namin na hindi na namin mapigilan pa ang bugso ng aming mga damdamin? tao din kami, marupok at malandi kung minsan. hindi lang kayo ang bida sa storyang ito. hindi lang yoonmin ang aarangkada, may taekook din na magaganap noh! "
napabuntong hininga si jungkook na para bang suko na siya, napapaisip kung ano ba ang naisipan at sumama sa isang tao na kamag-anak ni sisa. napangiti ako, sadyang ang pag-ibig nga naman ay walang pinipili. bulag, ika nga.
parang ikaw at ako.
ikaw na may mahal ng iba,
at ako na nagpapakatanga.
pareho lang tayong bulag.
parehong binge,
pero sa ating dalawa, ikaw lang itong manhid simula pa noon. ikaw itong bulag at binge. mas lalo na ikaw itong tanga.
" ang arte mo, hyung. sa ating dalawa, ikaw itong marupok at malandi! ikaw unang sumunggab! ako yung nasa ibabaw pero pilit mo akong pinailalim! masyado kang pabida! "
" aba! kung lagyan ko kaya ng bulak yang dalawang butas ng ilong mo? ako naman talaga ang top ikaw ang bottom! "
" saatin ako— "
" sthaaaab it! "
natigilan kaming tatlo dahil sa biglaan mong pagsigaw. pabalik-balik ang naging tingin mo sakanila dahilan para mas lalo silang hindi makakibo.
" ikaw ang top! ikaw bottom! tapos palit kayo! jusko, walang kwentang pag-aaway! basta samin ni jimin ako ang top! ang aangal mawawalan ng jams! "
napakurap ako.
pilit kong isiniksik ang sarili ko sa gilid dahil sa pamumulang naramdaman ko. tila biglang nag-init ang buo kong mukha dahil sa sinabi mo.
natigilan ka rin saglit, tila nagproseso pa sa utak mo ang nasabi mo. ng mapagtanto mo ay nag-iwas ka ng tingin samin at kinuha nalang ang cellphone mo sa bulsa mo.
" woah, dominant.. ohh, me like feisty and nasty, slow and rou— "
" taehyung! "
sabay nating sigaw.
" sorry. hehe, peace. "
" n-nasa gitna tayo ng kawalan. mukhang wala ditong malapit na gasoline station, tatawagan ko nalang si hoseok. magpapasundo nalang tayo. "
owtomatikong napatingin ako sayo. naramdaman mo ang tingin ko kaya pinihit mo ang ulo mo sa pwesto ko, nakalagay na ang cellphone sa tenga mo, tinatawagan si hoseok.
" hindi ba nakakahiya kay, hoseok hyung? medyo malalim na rin ang gabi. baka makaistorbo tayo, hyung. "
ngumiti ka sakin, assuring me that it was all fine.
" not mentioning those times na marami siyang nagawa saking kasalanan, simula high school hanggang ngayon. dapat din niyang isipin yung mga nailibre ko sakanyang snickers at sprite. he owe me a lot, jimin. and he loves me. "
napasimangot ako dahil sa huling sinabi mo, kinindatan mo ako na mas lalong nakapagpasimangot sakin. you really emphasized that he loves you, iniinis mo lang ata ako o ginu-good time.
" mahal mo? "
tumawa ka at saka mo pinisil ang ilong ko. i whined and that makes you laughed more harder.
" ikaw? mahala ko? siyempre oo. "
namula ako dahil sa hindi ko inaasahang banat mo. napayuko nalang ako ng marinig ko ang pang-aasar nina taehyung saatin mula sa front seat. quota ka na masyado ngayong araw.
" oh, sorry hoseok. i didn't know you're already there. so, can you pick us up here? halos malapit na kami sa bangtan city.. alright, we'll wait you here. and please, don't you dare to bring those two love birds with you kung ayaw mong ma-out of place samin. araseo? "
you laugh and then end up the call. inirapan kita at sabay talikod ko ng muli mo akong kinindatan.
isa kang killer, min yoongi.
muntik mo na akong patayin dahil sa lintek na kindat na yan!
" mukhang may magjujugjugan mamaya, hahaha. "
" taehyung! "
—
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...