labing pito

365 31 6
                                    



napakuyom ang mga kamay ko ng mapagtanto ko kung ano ang ginagawa mo. nanghihina ang buo kong katawan na dahilan upang kailanganin ko ng suporta para hindi tuluyang bumigay. nilaliman mo ang ginagawa mong paghalik na siyang nakapagpaputol sa malalim kong paghinga, mahigpit akong napahawak sa balikat mo ng maramdaman ko ang panginginig ng mga labi ko.

naiiyak nanaman ako, yoongi.

ngayon, hindi dahil sa sama ng loob kundi dahil sa tuwa. marahil dahil ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang init ng haplos at ang init ng iyong halik.

" sorry, i'm sorry.. "

you mumbled those words while planting soft kisses to my lips. Sobra-sobra na ang ginagawa mo na hindi ko na kayang tiisin ang mga paru-parong nagsisiliparan sa tiyan ko.

tumigil ka sa paghalik sakin at hinila mo ang ulo ko papunta sayo ng saganun ay magkadikit ang mga noo natin. narinig ko ang malalim mong paghinga, kasabay nun ay ang unti-unting pagkawala ng mga hikbi mo.

bakit ka umiiyak? alam mo ba na sa lahat na ayaw ko sayo ay ang makitang may mga luhang dumadausdos sa mga pisnge mo?nasisira nito ang kagandahan ng mga mata mo.

ginaya kita, hinawakan ko rin ang pisnge mo kagaya ng kung paano mong maingat na haplusin ang pisnge ko. tumingin ka sa mga mata ko, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kinauupuan ko kung patuloy na tititig sakin ang mga mata mong kayganda na parang langit sa gabing madilim.

bago ka magsalita ay siyang muli mong mabilis na paghalik sa mga labi ko.

kinukutuban ako, yoongi. ay ayokong maniwala sa kung ano man ang kutob ko.

bakit ata, may kapalit na kalungkutan ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon?

" jimin, makinig ka.. "

hinawakan mo ngayon ang mukha ko gamit ang mga kamay mo. marahan mong hinaplos ang pisnge ko na unti-unting nababasa na ng luha.

" yoongi, ano ba'ng nangyayari? naninibago ako sayo. "

" umalis ka na sa bahay. "

nakunot ang noo ko at mas lalo pang nangilid ang luha ko dahil sa narinig ko mula sayo. inabot mo ang kamay ko ngunit iniiwas ko ito sayo.

umiling ako ng ilang ulit. hindi ko pansin kung nagugulo man nito ang dati ng magulo kong buhok. hinawakan mo ako ng mahigpit sa mga balikat ko, ngunit hindi ito naging dahilan para tumigil ako.

" jimin, maniwala ka sakin. magtiwala ka. "

" ayoko, hyung. bakit ko gagawin yan? bakit kita iiwan? "

kita ko sa mga mata mo na nauubusan ka na ng pasensya. at alam mo naman na ayoko kapag nagagalit ka sakin.

" tinawagan ko na si namjoon at hoseok. ilalayo ka nila dito. "

mas lalong naging tama ang kutob ko ng ito ang sunod na narinig ko sayo. bakit kailangan kong lumayo? may nangyayari talaga na hindi mo sinasabi sakin, yoongi. at hindi ko ito gusto.

nang inakala mo na pumapayag na ako dahil hindi na ako nagpoprotesta, tinanggal mo na ang kamay mo sa balikat ko at umayos ng upo sa driver's seat.

" just trust me, jimin. "

" hindi! "

matigas kong pagkakasabi na siyang muli mong ikinatingin sakin.

wala akong pakialam kung magalit ka man sakin, wala akong pakialam kung hindi na maulit pa ang nangyari ngayon. basta hindi ako aalis sa bahay at hindi kita iiwan. tapos. period. no erase.

" jimin, huwag ng matigas ang ulo! sumunod ka nalang! "

" hindi! ayoko! "

" jimin, please. "

iniiwas ko ang mga mata ko sa mga tingin mo. ayaw kong makita ang nagmamakaawa mong mga mata. napatitig ako sa mga daliri ko at sinimulang laruin ito, umarko din ang bibig ko pababa lalo na ng maisip ko na wala akong talo kapag gusto mo na ang ipagpipilitan mo.

" at least, tell me the reason. "

sa pagbuntong hininga mo palang, alam ko ng hindi maganda ang dahilan.












" you made the wrong decision. ginalit mo si mr. kim and i know what he is capable of. uunahan ko na siya bago niya pa man magawa. "








and again, it was my fault.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon