anim

434 32 11
                                    




hating gabi na at wala ka pa. hindi ko man sabihin ay nag-aalala na ako sayo, totoo. hindi ka naman sanay na umuwi ng hating gabi, mas gusto mong matulog kesa aabutin ng gabi kung saan man.

hindi kita magawang tawagan dahil alam ko naman na hindi mo ito sasagutin, pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil ayaw kong lamunin ng mga negatibo na iniisip ko.

wala akong nagawa kundi ang maghintay,
hanggang sa dumating ka.

padabog mong binuksan ang pintuan, pagpasok mo palang ay kita ko na ang inis sa mukha mo. nakakunot ang noo, magkasalubong ang kilay at malalim ang bawat paghinga. wala ka sa tamang timpla at siguradong ako nanaman ang pagbubuntungan mo ng galit.

ngunit kahit alam ko na sakin mo ibubuntong ang lahat ay nanatili pa ring tikom ang bibig ko, nanatili lang ako sa pwesto kung saan ay kita mo ako. magpapakatanga nanaman ako para lang sayo.

sinalubong mo ako ng tingin, hindi ako nag-iwas kahit sobrang talim ng mga titig mo sakin.

hindi ako gumalaw sa pwesto kahit pa papalapit ka na sakin, nakakuyom ang mga kamay na tila ba handa ka na pagbuhatan ako.

dahil ganun ka, yoongi...

nababawasan ang galit mo kapag nasasaktan mo ako.

" kasalanan mo 'to! "

'yan ang unang salita na lumabas sa bibig mo.

kasalanan ko,

tama. lahat naman para sayo ay kasalanan ko.

napapikit ako ng aking mga mata ng nakita ko ang pag-angat ng kamay mo, rinig ko kung gano mo pigilan ang paghinga mo. ramdam ko ang panginginig ng katawan mo dahil sa galit.

" bakit ikaw? bakit ikaw ang nandito at kasama ko?! "

madiin ang bawat salita na binitawan mo, tumagos sa katawan ko.

rinig ko ang sakit sa boses mo ngunit bakit hindi mo makita ang sakit na dinadanas ko tuwing sinisisi mo ako sa lahat ng bagay na wala naman akong kinalaman?

binitiwan mo ako at naglakad ka palayo sakin,

nanatili akong nakapikit habang hinayaan ko na lamang na tumulo ang mga luha sa aking mga mata. halos nanghina ang mga tuhod ko sa pag-aakalang sasaktan mo ako. ngunit mas humina ang puso ko ng makita ko ang pagtulo ng mga luha mo habang tinititigan mo ako.

" alam mo kung bakit ko ginawa ang bagay na yun? "

hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo, nanatili akong tahimik at nag-aantay sa sunod mong sasabihin.

" kasi ayaw ko na nakikita kita araw-araw, kaya gumawa ako ng paraan para ng saganun... kahit sa trabaho man lang ay makahinga ako ng maluwag. "

kung ganun, ang tinutukoy mo ay kung bakit ako natanggal sa trabaho...
at mukhang may kinalaman ka pa dun. binalak mo at plinano ang lahat.

kung nagawa mo akong alisin sa trabaho, malamang mas kaya mong alisin ako sa buhay mo.

" nalaman nila. nakita nila ang cctv ng pagnakaw sa documents na sinabi ko na ikaw ang may gawa. tinanong nila ang kasabwat ko at inamin niya na wala kang kasalanan, tangina! "

sinuntok mo ang pader at nakita ko kung paano kang nasugatan. hindi mo pinakita na nasaktan ka ngunit ako ang mas nasasaktan para sayo.

" ibabalik ka nila at ako ang mawawalan ng trabaho! "

sa pangalawang pagkakataon na pagsuntok mo sa pader ay saka na ako napatakbo patungo sayo,
wala na akong ibang iniisip kundi ang maibsan ang sakit na nararamdaman mo. wala akong pakialam kung galit ka sakin ang mahalaga ay magamot ko ang sugat mo.

" hyung, huwag kang gumalaw. gagamutin ko ang sugat mo. "

natigilan ka, mukhang ngayon mo lang naramdaman ang naging tama mo sa kamay. ramdam ko rin ang ginawa mong pagtitig sakin, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon jan sa isipan mo ngunit sana, kahit ngayon man lang ay maramdaman mo ang pagmamahal ko sayo.

tuluyan na rin akong naiyak ng marinig ko ang basag mong boses. hindi ko alam kung saang parte ka ba nasasaktan.

sa nawalan ka ng trabaho at ako ang ibabalik nila, dahil ba sa sugat mo sa kamay o dahil ako ang kasama mo ngayon sa buhay?

" siya yung gusto ko at hindi ikaw. "

mahinahon mong sabi ngunit para sakin ay malakas ang naging epekto nito. tumusok, dagos sa dibdib hanggang sa puso.

alam ko,

ngunit hindi ko alam kung paano ko gagawin ang ibalik siya sa buhay mo ng saganun ay hindi ka na masaktan ng labis katulad ng nakikita ko sayo ngayon.

ayaw ko ang nasasaktan ka, yoongi.

sana ganun ka rin sakin.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon