dalawampu't lima

356 25 3
                                    




nagising ako sakto pagpasok mo ng pintuan, agad akong napabangon ng mapagtanto ko na galing ka sa labas. May dala kang brown na paper bag at naaamoy ko ang mabangong amoy ng mainit pang tinapay.

nginitian mo ako kaya naman ay ngumiti rin ako pabalik sayo. maliwanag na rin at sumikat na ang araw, kaya naman kita na ang kagandahan ng buong paligid. pwera lang sa rest house, hindi pa ito maayos at marami pang aayusin para bumalik sa dating ganda.

" naglakad-lakad ako jan sa labasan, tapos nakakita ako ng bukas na bakery.. bumili na ako ng tinapay para agahan natin. "

napanguso ako habang kumukuha ng isang piraso ng tinapay. napansin mo ito at agad mo akong tinanong

" bakit ganyan ang itsura mo? ayaw mo ba ang tinapay na yan? ano gusto mo, itong anim na tinapay ko? "

labas gilagid na sabi mo. nirolyohan kita ng mata ng makuha ko ang sinabi mo.

" wala kang abs! huwag kang feeling! "

" bakit, hindi ba pwedeng magbiro? seryoso mo naman masyado.. "

bakas sa boses mo ang pang-aasar sakin, hindi din kasi maalis sa mukha mo ang ngiti na kahapon mo pa ata ipinapakita sakin. kapag ako nag-sawa jan— sa tingin ko, hindi naman mangyayari.

" iniwan mo kasi ako mag-isa, tapos natutulog pa ako. pano kung— "

" wala namang nangyari 'di ba? "

" so, aantayin mo pa na may mangyari sakin ganun? "

you clicked your tongue as a sign of giving up. you walked closer to me and gave me a kiss on top of my head.

" sorry, hindi na mauulit. hindi na kita iiwan mag-isa. "

ngumiti ako at pinisil mo ang pisnge ko. siguro habang tumatagal ang ganitong pagtrato
mo sakin, masasanay na ako ulit. parang nung dati lang. noong mga araw na matalik pa tayong mag-kaibigan. nung tayo lang ang magkasama.

" oh, tumatawag si Jin hyung. "

tinapunan kita ng nagtatakang tingin. nakunot ang noo mo at agad mo itong sinagot.

" hyung, bakit ka napatawag? "

" may problema tayo, "

nakaloud speaker ang cellphone mo kaya rinig ko ang sinabi ni hyung. pareho tayo ng naging reaksyon. tumikhim ang bibig mo at inantay mo lang ang kasunod na sasabihin sayo ni hyung.

" si taehyung, naglayas siya kasama ng boyfriend niya na si jungkook.. "

tumayo ako at lumapit sayo, hinawakan ko ang balikat mo ng makita ko ang simulang pagtensyon ng katawan mo. kumalma ka at huminga ng malalim.

" bakit mo samin ngayon sinasabi 'to? labas na kami ni jimin jan, wala naman kaming kasalanan kung gusto nilang magtanan. "

" ano ka ba, yoongi. siyempre kayo ang pag-iinitan ni mr. kim, nawawala lang naman ang kaisa-isahang anak niya. at alam ko na sa oras na ito ay sinisisi niya si jimin. "

hindi ko dapat nararamdaman ito ngayon. pero ang totoo ay natatakot ako, yoongi. at alam ko na nakikita mo ito ngayon sa mga mata ko. this time, it was you who had to calm me. you hold my hand and draw circles on my palm.

" they wouldn't know where you were, unless someone else will tell them. mag-iingat lang kayo guys, lalo na si jimin. "

" mag-iingat kami, hyung. kayo rin. "

natapos na ang tawag.

ngunit ako, nanatili lang nakatulala habang iniisip lahat ng sinabi ni hyung. kasalanan ko nanaman 'to lahat, yoongi. kung hindi ako nakialam siguro walang ganitong gulo na mangyayari, siguro kung nagtiwala lang ako sayo kagaya ng sinabi mo baka hindi ka na kailangan itakwil ng sarili mong magulang. siguro din hindi maglalayas si taehyung.
sana lang talaga ligtas siya.

mabilis akong napatingin sayo ng kunin mo ang jacket na nakapatong sa upuan. tinignan mo ako na waring inaalok ako, nag-aalangan akong tumayo at kinuha rin ang oversized cardigan na nasa lapag.

" ayaw mong sumama? "

" saan tayo pupunta? h-hindi ba delikado para satin ang bumalik ng city? "

umiling ka lang at ngumiti. isang ngiti na sinisiguro ako na kapag kasama kita ay walang mangyayari sakin.

" aasikasuhin natin yung kuryente at tubig dito. bibili na rin tayo ng mga kakailanganin sa pang-araw-araw.. "

" ngayon talaga? ngayon na may naglayas at siguradong pinaghahanap pati ako? "

you didn't give me a response. hinila mo lang ako palabas at pinasakay ng kotse. pagkaupo mo sa driver's seat, kaagad mong binuksan ang dashboard at kinuha ang beanie at face mask, basta mo itong isinuot sakin at ngumiti ka ng matapos ka na sa ginawa mo.

nagmukha akong k-idol sa ayos ko. mas lalo tayong mapapansin nito eh.

" ang cute mo, mochi ko. "

you pinched my cheek and it made me smile. ng marealize ko ang itinawag mo sakin ay napatitig ako sayo.

" you called me mochi... "

sabi ko sakanya— more on, patanong na sabi ko sakanya.

" why not? "

nagulat ako ng bigla mo nalang akong hinalikan sa labi ko sabay tawa dahil sa naging reaksyon ko.

" bakit ganyan ka? parati mo nalang inaabuso ang kahinaan ko? porket hindi ako umaangal namimihasa ka na? halikan kita ulit jan eh! "

umingay ang tawa mo sa loob ng kotse. kumunot ang noo ko at napanguso rin ako.

" huwag na kaya tayong pumunta ng purple city? dito nalang tayo sa bangtan beach, we'll spend our time making love.. "

napangiwi ako dahil sa sinabi mo. hinampas ko rin ang balikat mo ng muling umingay ang nakakaasar mong tawa.

hindi din nagtagal ay natawa na rin ako. nakakahawa kasi ang mga tawa mo.

nakakatuwa din kasi, nagiging komportable na tayo ulit sa isa't-isa, parang noong dati lang.

natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi mo. naging seryoso din kasi ang tono mo.

" kailangan nating maunahan sina papa at mr. kim sa paghahanap kay taehyung, masama ang pakiramdam ko. alam kong may pinaplano sila. "

napabuntong hininga ako.








akala ko wala ng problema ang darating saatin.

simula lang pala ito ng lahat.

may mas lalala pa pala.

Swimming Fool | YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon