Isang malakas na suntok ang sumalubong kay Taehyung pagkapasok nila sa isang gusali na tila ba abandonado na. Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo sa gilid ng kanyang labi dahil sa lakas ng suntok na tinanggap niya, idinura niya ang nalalasahang dugo at saka deretsyong tinignan ang kanyang ama sa mga mata nito. Sumilay sakanya ang nakakainis na ngisi dahilan para makita niya ang pagsalubong ng dalawang kilay ng kanyang ama.Napaluhod siya bigla ng tadyakan siya ng isa sa mga lalaking may hawak sakanya, napangiwi siya sa sakit ng biglaang pagbagsak niya sa sahig. Lumalalim ang bawat paghinga niya, pilit niyang pinipigilan ang kanyang galit. Umigting ang kanyang panga ng hawakan siya ng kanyang ama sa buhok at sapilitang pinatingin sakanya.
"Kahit kailan sakit ka talaga sa ulo."
Hindi niya alam kung bakit imbes na labis-labis na galit ang maramdaman niya, ang nangingibabaw sakanya ngayon ay kalungkutan. Tumitig ang kanyang mata sa ama, hindi siya nagpakita ng kahit na anong ekspresyon, nakipagtitigan sakanya ang matanda. Hindi makuha ang nais na ipahiwatig ng anak, hindi maramdaman ang ni katiting na sakit na bumabalot sa pagkatao ni Taehyung dahil sa kalupitan niya.
Ngayon, mas lalo lang napatunayan ni Taehyung na hindi siya mahalaga sa ama. Hindi siya nito magagawang suportahan sa kung ano man ang gusto niya dahil wala itong ibang iniisip kundi sarili nitong kapakanan. Panigurado, hindi din ito papayag na mapunta lang sa wala ang pinaghirapan nito. Alam niya ang pinaplano ng ama niya, tanging gusto nito ay ang pera na pinamana sakanya ng kanyang ina.
Muli siyang napapikit ng makita niya ang muling pag-angat ng kamay nito sa ere. Sa ilang segundo na paghihintay na may lumapat na mabigat na kamay sakanyang mukha ay napadilat siya ng wala siyang naramdaman na kahit na ano. Sumalubong sakanya ang nanginginig na kamay ng matanda na tila pinipigilan pa ang sarili na muling saktan ang anak.
"Asan si Yoongi?"
Nabaling ang tingin ni Taehyung sa isang lalaki na nakaupo sa sulok habang bumubuga ng usok sakanyang sigarilyo. Pustura palang nito, halata na ang antas sa buhay. Mayaman, matipuno, kagalang-galang, kitang-kita kung kanino nagmana si Yoongi.
Napangisi si Taehyung, bahagyang hinila ang braso mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki ng maramdaman niya ang sakit mula dito. "Wala sa usapan na sasabihin ko kung nasaan sila. Magpapakita lang ako at aayusin ko ang gusot na sinimulan namin, yun lang yun."
"Junwoo, ang sabi mo—"
"Ano ba Dongbin, masyado kang atat. Makikita din natin ang anak mo at maikakasal sila ng anak ko sa madaling panahon."
Mapait na napangiti si Taehyung dahil sa kanyang narinig. Hindi niya gusto kung paano sila tratuhin ng sarili nilang mga ama, tila ba isa silang manika na may mga sinulid na sumusunod sa bawat utos ng mga ito. Ni katiting na konsensya wala siyang maramdaman o makita man lang. Mga uhaw sa pera, handang isakrepisyo ang kasiyahan ng sariling mga anak para sa sarili nilang mga kasiyahan.
"Taehyung," tawag ng kanyang ama sa malambing nitong boses, "just tell where he is, it is just easy as how you'll answer one plus one in a recitation, no need to doubt my son. Everything will be fine, I'll assure you."
Hindi benta kay Taehyung ang malumanay na boses ng matanda. Masyado niya ng kilala ang ama niya kaya kahit siguro anong sabihin nito in a soothing way, hindi na siya maniniwala dahil salungat ang pinapakita ng mata nito sa kung ano ang binibigay na aksyon.
"I am not stupid as what you think I am, dad. Hindi ko sasabihin kung nasaan sila. Kayo ang may kailangan samin kaya kami dapat ang masusunod."
Sarkastikong napatawa ang ama ni Taehyung, sabay hila muli nito sakanyang buhok.
"Pulling hair is your kink huh?" Pabirong saad ni Taehyung sa ama dahilan para diinan lalo nito ang paghila sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...