-f l a s h b a c k I-
"Are you sure you're not going with us? Is that final now Park Jimin?"
Tumigil sa paglalakad si Jimin ngunit hindi niya tinignan si Yoongi katulad ng kanina niya pang sinusubukang iwasang gawin, ayaw niyang makita ang mukha nito, ayaw niyang makaramdam nanaman ng kakaibang sakit pati na rin ang pagkakagulo ng mga paruparo sakanyang tiyan.
Hinawakan siya ni Yoongi sakanyang balikat na agad niya namang inalis.
"Busy ako."
Yan ang tanging isinagot ni Jimin sa naging tanong sakanya. Bumakas ang inis sa mukha ng kanyang kaharap na siyang hindi niya naman nakikita dahil hindi siya dito nakatingin.
Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ang kaso hinawakan siya ni Yoongi sa magkabila niyang balikat, marahas siya nitong isinandal sa pader na siyang nagulat siya sa malakas na pagtama ng kanyag likod sa malamig na pader dahilan para tignan niya si Yoongi deretsyo sa mga mata nito na sana pala ay hindi niya nalang ginawa.
Those glowing eyes.
He could not stand staring straight into his eyes. Thunder of feelings rushing through his body.
Kaya kahit ayaw niya man, pilit niya paring iniiwas ang tingin niya sa matalim na mga titig nito sakanya.
"May problema ba tayo Jimin?"
Meron. . Si Taemin ang pinili mo imbes na ako.
"Wala." Kaswal niyang tugon. "Bakit naman tayo magkakaroon ng problema?" Dagdag niya pa, inalis niya ang pagkakahawak ni Yoongi sa balikat niya at bahagya niya itong itinulak palayo sakanya ngunit itinulak lang din siya nito pabalik.
"Magsabi ka nga ng totoo. May nagawa ba akong mali? Kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong galit ka. Pero tangina lang Jimin dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan para magalit ka sakin."
Hindi kumibo si Jimin matapos ng sinabi ni Yoongi.
Dalawa lang ang ibig sabihin ng hindi niya pagkibo, it's either ayaw niya o sadyang wala na siyang dapat pang ipaliwanag dahil halata naman na ata ang dahilan, masyado lang talagang tanga at manhid si Yoongi para magtanong pa.
"Jimin," iginaya ni Yoongi ang ulo ni Jimin patungo sa direksyon niya, "look at me."
Masyadong matigas si Jimin para sundin ang inuutos ni Yoongi sakanya.
"What did I do wrong? Dahil ba nawawalan na tayo ng oras sa isa't-isa? Dahil ba hindi na ako makasabay sayo tuwing lunch? Dahil ba hindi na kita maantay tuwing uwian? Dahil ba hindi na kita maihatid pauwi sa bahay niyo o dahil—"
"TANGINA!"
Nagulat si Yoongi dahil sa marahas ng pagtulak ni Jimin sakanya, nabitawan niya ang nakababata. Halos matumba siya dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sakanya.
"KAILANGAN BA TALAGA LAHAT NG BAGAY MAY PALIWANAG? Can't you just shut the fuck up and live your life without bothering me? You don't know anything. It's better for you not to find out!"
Lakad-takbo ang ginawa ni Jimin ng saganun ay mabilis siyang makalayo sa kung nasaan man si Yoongi. Hindi niya na rin inabala pa ang sarili na punasan ang kanyang mga luha.
Hindi pa man siya nakakalayo, nakaramdam na siya ng mga kamay na pumipigil sakanya.
"Bitaw." Malumanay ngunit maawtoridad niyang saad.
"Are you fucking jealous?" Bakas ni Jimin ang pagkasarkastiko sa tono ng pananalita ni Yoongi na siyang nakapagpangiti sakanya ng may kapaitan.
Hindi siya sumagot.
Ang ginawa niya ay humarap siya dito ng hindi inaalis ang mapait na ngiti sakanyang mga labi, siguro sapat nang paliwanag ang lungkot na bumabakas sa mga mata niya kung gaano siya ngayon nasasaktan.
"Jimin, for fuck's sake, ngayon ka pa ba magseselos? At sa kapatid mo pa?"
Maybe Yoongi misunderstood his feelings.
This jealousy isn't because he's his bestfriend but it was more than that.
He is jealous because he love him as a man.
How can he not feel his love for him?
How dare him not to love him back?
How dare him to hurt him this way?
"You fucking don't know anything, Yoongi."
Should he tell him that he love him more than bestfriend?
"Don't tell me—"
Tinitigan ni Jimin si Yoongi, pilit niyang hinahanap ang kasunod na salitang nais nitong sabihin sa pamamagitan ng mga mata nito. He wonder why he stopped talking.
Ng tila wala na atang balak na ipagpatuloy ang sasabihin, tumalikod na si Jimin sakanya.
"You love me?"
Napatigil ang kanyang mga paa sa paghakbang. Hindi ito ganung kalakas at hindi rin ganun kahina, sapat na ito para marinig niya.
Napakuyom si Jimin ng kanyang kamao, naiinis siya sakanyang sarili lalo na nang mahimigan niya ang tila pagkadismaya sa boses nito.
"Don't worry, hindi ako mawawala sa proposal mo para sa kapatid ko. Sasama ako para sa ikatatahimik mo at para na rin patunayan ko na mali ka nang pagkaka-alam." Jimin gulped the lump inside his throat. "I only love you as a bestfriend. . Hyung."
And how he hate himself for not confessing his feelings.
. . . to be continued . . .
BINABASA MO ANG
Swimming Fool | YoonMin
FanfictionHe will sacrifice everything to win Min Yoongi's heart, even if that 'everything' means enduring deep, unbearable pain. He will numb himself to his own suffering and blind himself to the truth. He will make a fool of himself, drowning in his own foo...