Completed: May 25, 2019 - January 14, 2020
This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
This is Liam and Gen's story from My Poker Faced Guy.
Naupo ako sa pinakasulok ng coffee shop na nai-text sa akin kanina kung saan ko makikita ang mga pakay ko. Sinadya ko pang mag-suot ng sombrero para hindi ako makikila sakali mang magawi sa akin ang tingin ng mga ito.
Umabot na rin ako ng dalawampung minuto sa paghihintay. Naubos ko na ang inorder ko na cake at nasa pangalawang tasa na rin ng kape ang na-order ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sobrang kinakabahan ako.
Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng chime sa pinto, indikasyon na may dumating na mga customer.
Lalo pa akong kinabahan nang matanto kong sila na ang hinihintay ko. Tila may bumubundol sa dibdib ko habang nakikitang nakakapit sa braso ng lalaki ang babae. Napakaganda ng huli. Tila ba isa siyang model na lumabas mula sa magazine.
Tinignan ko ang lalaki kapagkuwan. Nakangiti siya. At mukhang napakasaya niya sa ngiti niya na 'yun. Masaya ba siya dahil sa kasama niya? Pero...
Napatitig ako sa tasa ng kape sa harap ko at napangiti ng mapait. 'Yung ngiti ko, 'yung pakiramdam ko, pati ang kape na 'to pare-pareho. Lahat na lang mapait.
Kinuha ko ang kape at humigop doon. Nagtatalo ang isip ko kung anong gagawin ko sa sitwasyon na 'to. Hanggang sa nakapag-desisyon ako at tumayo.
Aalis na sana ako sa lugar na 'yun nang may ma-receive akong text message. Binasa ko 'yun sandali pero nagtatalo pa rin ang isip ko. Kaya naman tuluyan na akong naglakad palabas.
Pero nakaka-isang hakbang pa lang ako pagkalabas ng pinto nang may biglang maisip.
Tama. Walang mangyayari kung tatalikod na lang ako basta. Dapat ko silang harapin.
Huminga ako nang malalim at sandaling kinalma ang sarili ko. Pagkatapos ay naglakad ako pabalik ng coffee shop at hinarap ang dalawa.
Halatang nagulat ang mga ito. Ang babae, medyo nagtaas pa ng kilay na tila tinatanong kung anong problema ko at nasa harap nila ako ngayon. Ang lalaki naman, hindi napigilang mapatayo.
"Gen..." halata sa mukha niya ang kaba at pagkagulat. Sandaling tumingin pa siya sa babaeng kasama bago ibinalik ang tingin sa akin. "Let me explain. It's not what you think..." aniya.
"Kulang pa ba?" naiiyak na tanong ko.
Tumitig ako sa mesa na nasa harap namin. Pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Kulang pa ba, Liam?" sa pagkakataong 'yun ay hinarap ko siya. Kasabay ng pagtingin ko sa mga mata niya ay ang pagpatak ng isang luha sa mata ko.
"Gen..." sinubukan niyang lumapit pero humakbang agad ako patalikod.
"Minahal kita, Liam. Minahal kita ng sobra-sobra. Akala ko nagbago ka na. Akala ko lang pala 'yun."
Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tinignan ko ang babae.
"Sana maging masaya ka," sabi ko rito bago ako tumalikod.
Halos patakbo ang ginawa kong paglabas ng coffee shop. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay isang yakap na ang pumugil sa akin.
Sobrang higpit ng pagkakayakap niya mula sa likod ko na tila ba ayaw akong pakawalan. Ilang sandali din kaming ganun at hindi siya nagsasalita. Hanggang sa marinig kong may tumawag sa pangalan niya mula sa likod.
Sa pagkakataong 'yun ay nagsalita si Liam. "Mahal kita, maniwala ka. Ang ibang babae? Wala lang 'yun. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw ang buhay ko. Maniwala ka naman sa'kin, o."
"Kung mahal mo nga ako, hindi ka na titingin sa ibang babae," sabi ko.
"I'm sorry. But you don't understand. She's just a friend. Wala lang 'yun. Ikaw lang ang babae sa buhay ko..."
Naramdaman ko ang pagdadabog ng babae sa likod namin. Pabalang pa itong nagsalita bago nag-martsa palayo.
"Mga peste! Magsama kayo!" aniya pa.
Natahimik kaming dalawa ni Liam. Naghintay lang kami ng ilan pang sandali na siguradong nakalayo na ang babae saka siya humiwalay.
"Wow, you're great!" aniya kapagkuwan.
Inirapan ko siya saka inilahad ang kamay ko.
Tinignan niya 'yun sa nagtatanong na mga mata.
"Five hundred. Bayad dun sa kape na binili ko kanina. Langya ang mahal pala ng kape d'yan, napasubo ako."
Natawa siya nang malakas pero dumukot naman ng pitaka sa bulsa niya. Inabutan niya ako ng isang libo at sinabing sakin na raw 'yun. Bayad na rin sa pinamasahe ko.
Yeah, we were just messing around. Ayaw raw kasi siyang tigilang ng babae kahit na ilang ulit niya na itong sabihan na wala na sila. Ayaw raw ng babae sa mga manloloko (which he really is) kaya naman naisip niyang ganun ang gawin.
"But seriously, you're great. Kahit sinong makakita, maniniwala sa mga sinabi mo e."
Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Pero sa loob-loob ko, alam ko kung bakit.
Totoo kasi ang mga sinabi kong 'yun.
****
This is the story of Liam ang Gen from My Poker Guy. I decided to write a separate story for them.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...