Liam
"Where's Gen?" I asked Mica.
We're here at my resto to meet up. We have plans to go on a joyride to anywhere we think of going.
"Nag-text siya, parating na raw. Mga 5 minutes siguro nandito na 'yon."
I smiled to myself. After more than 2 weeks, makikita at makakasama ko na ulit siya. I've tried to avoid her these past few weeks so I can forget this damn feeling but now, I've decided, there's no hiding anymore. I'll tell her I like her... no, I'll tell her I love her when I get the chance.
Mica is with us since Gen refused to come if Mica's not there. I had no choice but to call Mica too.
A few minutes passed and Gen came in. She's in her usual self but with a different smile.
"Tara na?" sabi ko nang makalapit siya sa amin.
"Wait lang. I have an announcement to make!" Gen said excitedly.
For some reason, I felt my heart raised while waiting for her announcement.
She looked at Mica before speaking. "Bruh, naaalala mo 'yong vocalist ng banda na pinanood natin with Andi?"
Ngumiti si Mica saka tumango.
"Adam? 'Yong sa bagong banda?"
Tumango si Gen at hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya.
"O, bakit? Anong meron?"
Sandaling natigil si Gen bago nagsalita ulit.
"Kami na!"
I felt my heart sank after hearing those words. I forced a smile while looking at Gen.
"Really? Congrats, bruh!" Niyakap pa ni Mica si Gen.
"Girls. I'm a bit tired, I don't think I can do a long drive. Can we just go to the bar and chill?" I said with a forced smile. "It's better so we can celebrate Gen's new relationship."
Mabilis na tumango ang dalawa.
"Okay, let's do that then.
Gen
"So, saan kayo unang nag-date? Spill!"
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kanina pa nagpapa-kwento si Mica. Game naman akong mag-kwento pero parang ako na lang ang pinag-uusapan buong gabi.
"I'll tell you next time. Kumusta kayo? Balita?" tanong ko.
Tipid na ngumiti si Liam. Uminom pa siya ng alak sandali bago nagsalita.
"Same old. Nothing new," sabi niya.
Nagkibit din ng balikat si Mica.
"Me too, there's nothing new. So that concludes na ikaw ang magku-kwento," sabi ni Mica saka tumawa. Bumaling siya kay Liam. "You know, her boyfriend is really handsome. Like head turner handsome," sabi ni Mica kay Liam.
Hindi tumingin si Liam kay Mica pero nagsalita.
"I'm a head turner too. Women even swoon over me just the sight of my hand," sabi ni Liam.
Mica looked at him disgustingly.
"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, pina-murder na kita," sabi ni Mica na ikinatawa ko.
Ngumiti lang si Liam pero kita kong hindi 'yon abot sa mata.
***
"I'll take her home, don't worry," sabi ni Liam kay Mica nang pauwi na kami.
Inabot rin kami ng madaling araw sa pagku-kwentuhan. Mostly naman, puro ako ang topic at si Adam.
I'm proud to tell them about Adam. Marami naman kasi talagang good traits ang lalaki. Kaya nga hindi ko mapigilang mahulog na rin ang loob ko sa kanya.
Sumakay kami ni Liam sa isang taxi pauwi. Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa apartment complex na tinitirahan ko.
"Can I have coffee inside?" tanong ni Liam.
Tinignan ko siya saka tumango.
"Okay, come in," sabi ko saka siya pinapasok.
Tahimik lang si Liam habang nagpapa-init ako ng tubig. Tulad ng kung paanong sobrang tahimik niya kanina.
Hindi ako sanay sa Liam na ganoon. Sanay akong siya ang bangka. Para bang may problema siya na hindi niya masabi sa amin kanina.
I actually felt bad for him kaya tinanong ko kung kumusta siya. Baka kasi tulad na naman noong mga gabing madalas siyang mag-inom dahil sa problema sa pamilya. Ayaw niya lang sigurong sirain ang gabi dahil nagce-celebrate kami kaya hindi na lang siya nagsalita.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Are you okay?" tanong ko.
Sandaling tahimik siya pero nagsalita din.
"No, I'm not," sabi niya.
Saktong pagkasabi niya noon ay tumunog ang electric kettle, indikasyon na tapos kumulo na ang pinapa-init kong tubig.
Hinawakan ko siya sandali sa braso saka tumayo.
"Ipagtitimpla muna kita ng kape," sabi ko.
Nang matapos magtimpla ay bumalik ako sa pagkaka-upo sa sofa at inilapag ang kape sa center table kaharap niya.
"What's wrong?" tanong ko agad.
Hindi siya sumagot, nakatitig lang sa kape.
"You know you can tell me your problems, right? Kahit na may Adam na, I'll still be here for you. I'm your friend, Liam," tuloy-tuloy na sabi ko.
Kahit pagkatapos ng mga sinabi ko ay hindi pa rin nagsalita si Liam.
Tahimik na kinuha niya ang kape at humigop doon.
Matagal ding tahimik lang kami. Ni isa ay walang nagsasalita. Ako, naghihintay na mag-open up siya sa kung ano mang problema ang pinagdadaanan niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang oras na dumaan nang magsalita si Liam.
"Do you love him?"
Napatitig ako kay Liam dahil sa tanong niya. Nakatitig pa rin siya sa kawalan matapos sabihin 'yon.
"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?" I forced a laugh.
"Do you love him?" ulit niya. This time, mas madiin ang pagkakatanong niya.
Huminga ako nang malalim at tumingala sa kisame.
"I don't know why you're asking but I'll answer your question. Of course, I do. Kaya nga kami nga ngayon 'di ba?"
Nagulat na lang ako nang bigla niyang iyakap ang isang braso niya sa beywang ko at ihiga ako sa sofa. Ikinatang ko ang kamay ko sa dibdib niya para sana itulak siya. It was a wrong move. Feeling how fast his heartbeat is made me freeze.
Ini-angat niya ang isang kamay niya at hinaplos ang buhok ko papunta sa pisngi ko. Nakatitig lang siya sa mga labi ko sa buong sandaling ginagawa niya 'yon.
Mayamaya ay unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha ko. Alam kong hahalikan niya ako pero hindi ako makapalag. I don't know but I can feel my heart raising in anticipation. Pumikit na lang ako at naghintay na maglapat ang mga labi namin.
Ilang sandali na rin akong nakapikit pero hindi 'yon dumating. Sa halip ay naramdaman ko ang pagdagan ng ulo ni Liam sa dibdib ko.
"No, you don't," narinig kong sabi ni Liam na ikinatingin ko sa kanya. Nakatapat ang tenga niya sa bandang puso ko at mukhang pinapakinggan ang tunog noon. "You don't love him, Gen."
Iniangat niya ang sarili mula sa pagkakadagan sa akin at tumitig sa mga mata ko.
"Seeing how you responded to me, and how your heart beats so fast just the thought of me kissing you."
Tumigil siya sandali sa pagsasalita at hinaplos pa ang pisngi ko.
"You're in love with me, Gen... just like how I'm in love with you."
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...