Ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan. Nahirapan akong magbigay ng dahilan para lang hindi pumunta sa bahay nina Papa ngayong Noche Buena. Tumawag siya kani-kanina lang at pinapupunta ako.
I don't have anything against his new family pero ayoko na sanang maulit 'yong last year na ang awkward ng pakiramdam ko habang sinasalubong ang pasko. Kahit naman kasi gaano sila ka-accomodating sa akin, hindi ko pa rin maiwasan ang ma-out of place.
Nakatitig lang ako sa kisame nang may kumatok sa pinto. Wala akong inaasahang bisita. Kunot-noo pang pinuntahan ko 'yon at binuksan.
Hindi na ako nagtaka nang makita si Liam na naroon.
"Let's go!" nakangiti pang sabi niya.
Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya sa nagtatanong na mga mata.
"I know you don't have anywhere to go tonight so it's better if you celebrate Christmas with your husband, right?"
Inirapan ko siya pagkasabi niya no'n.
"Just go spend time with your family, Liam. I'm fine here. Ayokong agawin 'yong oras mo sa family mo," sabi ko.
Binuksan ko ang pinto para papasukin siya sa loob. Pumunta ako ng kitchen area para ikuha siya ng maiinom.
"They're not in the country though," sabi niya.
Napalingon agad ako sa sinabi niya.
Ngumiti siya bago nagsalita. "My mom and dad are spending their holidays in Europe. Sa January na sila babalik. Si Austin naman... well, I don't know. Malaki na siya," sabi niya.
Tumango-tango ako at lumapit sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang isang can ng soft drinks saka naupo sa sofa katabi niya.
"Okay, sige. Saan tayo?" tanong ko.
Mabilis na yumakap siya sa akin pagkasabi ko no'n.
"Yey!"
"Aish! Baka tumapon 'yang soft drink!" sita ko sa kanya.
Ngiti lang ang isinagot niya sa akin saka bumitaw.
Tumayo na rin agad ako para makapag-ayos.
"Sa unit ka na maligo," sabi niya.
Tinignan ko siya nang masama. Nangangamoy na ba ako't alam niyang 'di pa ako naliligo?
Tumawa agad siya.
"You look like you just woke up, so I know. You still smell nice though."
***
"Seryoso, ikaw magluluto?" natatawang sabi ko habang pinapanood siyang maghiwa ng ingredients.
Ang cute niyang tignan habang nakasuot siya ng apron. Kahit na hindi naman 'yon fashion statement, kung titignan siya ay para siyang model ng apron.
"I learned how to cook these past few months—" Sumimangot siya saka nagpatuloy. "While you were busy with the bastard," sabi niya.
Nangalumbaba ako sa harap niya at tinitigan ang mukha niya.
"So, instead of hanging out with other girls, you hang out with your chefs?" sabi ko.
Ngumuso siya saka tumango.
"Good thing they were patient. Ilang buwan din nila akong tinuruan," sabi niya. "I can't cook everything, though. Just the ones I learned. I don't have a talent like mom. Malasahan niya lang 'yong pagkain nakukuha niya na agad kung paano iluto. Dapat talaga si Austin ang nagmana ng mga restaurant e."
"Well, malalaman natin after mong magluto. I think you can cook well, though," sabi ko habang nakangiti sa kanya.
***
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...