[In the photo: Text message from Liam
Friday, January 12, 2018; 6:49pm
Wife, where are you? I'm dying here! Please hurry!]
I rolled my eyes after reading that text message. It's not like sasaksakin siya ng babaeng 'yon.
"Whatever, Liam," bulong ko at hindi siya ni-replyan.
Tinignan ko ang wrist watch ko. Five minutes na lang alas-syete na. Supposedly, ay six-thirty naroon na ako.
Napatagal ako dahil may last minute pang pinagawa ang manager ko. Dumaan pa pati ako sa condo unit ni Liam para magpalit ng damit; itong suot ko ngayon. Hindi ako sanay na magsuot ng ganito pero ano naman ang magagawa ko? Ito ang dress na nasa kama nang dumating ako kaya wala akong choice kundi ito ang isuot. May make-up kit pa siyang iniwan doon na ginamit ko kaya mas napatagal ako.
Napatingin ako sa driver at napabuntong hininga na lang.
Kumuha ako ng 500 sa pitaka ko at iwinagayway 'yon habang tinitignan ang driver sa rearview mirror.
"Kuya! Heto, five hundred. Ibabayad ko 'to ng buong-buo makarating lang tayo sa pupuntahan ko in five minutes," sabi ko.
Ngumiti naman agad ang driver at binilisan ang pagda-drive. Dumaan rin siya sa kung saan-saang shortcut at nagulat na lang ako na naroon na ako sa tapat ng restaurant wala pang limang minuto.
Napa-irap na lang ako kay manong. Sa totoo lang ay wala pang 100 ang fare hanggang sa restaurant sa normal na takbo pero umabot ng 120 ang metro niya. At dahil ipinangako ko naman na ibibigay ko ang 500 ay iniabot ko 'yon sa kanya.
"Thanks, Kuya!" sabi ko saka bumama ng sasakyan.
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa entrance ng restaurant. It's not like it's the first time I'll be doing it pero kinakabahan pa rin ako. Kung tutuusin ay hindi ko na nga mabilang kung ilang beses naming ginawa 'to ni Liam. Nine times? Ten? Eleven? Hindi ko na mabilang.
Pumikit muna ako at inayos ang sarili ko saka naglakad papasok sa restaurant.
Sinalubong pa ako ng waiter pero hindi ko pinansin 'yon. Nakatutok lang ang tingin ko kay Liam at sa babaeng kaharap niya. Nakatalikod sa akin ang babae kaya naman hindi niya ako kita.
"Baby? Why are you here? And who the hell is she?" mataray na sabi ko nang makalapit sa kanila.
Kung titignan mo ay mukha akong kakain ng tao, pero sa totoo lang ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.
"Uhm, wife... ano.., si Cathy—"
"It's Christine," pagtatama ng babae.
"Sorry, Christine. Christine, fiancé ko, si Gen," sabi ni Liam.
Hindi ko na pinansin kung ano pang pinagsasasabi nila. Tumingin na lang ako nang masama sa babae, umirap, saka tumalikod.
"Let's go, baby!" sabi ko saka nag-walk out palabas ng restaurant.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...