Nag-inat ako pagkababa ng taxi na sinakyan ko. Dito ako nagpahatid sa Lovie Patty para makapag-almusal muna. Galing ako sa ospital at binantayan ang tiyahin ko. Kailangan niya kasi ng isang linggong mahigit na pahinga pagkatapos niyang mag-donate ng liver para sa father ko.
Dahil na rin sa kinailangang umalis sandali ng boyfriend niya ay ako na muna ang nagbantay ng dalawang gabi. Umalis lang ako nang makabalik na siya.
Successful ang naging surgery ni Papa. Buti na lang daw at pumayag si tita na mag-donate, kung hindi, baka mas lumala pa raw ang lagay ni Papa.
Papasok na sana ako sa loob ng restaurant nang mapukaw ang atensyon ko ang lalaki sa isang mesa. Napatigil pa ako at tinignan siya.
May kausap siyang babae na nakupo kaharap niya sa mesa. Mukhang magkasama sila base na rin sa pagkain na nasa mesa nila.
"Nasa States ang parents ko so wala akong pupuntahan bukas," narinig kong sabi ng babae. I assumed that she was asked dahil sa pagkakasabi niya.
"Is that so?" sabi ng lalaki.
Sa tono ng boses niya, mukhang siya ang may plano bukas dahil sa sinabi ng babae.
Napa-iling na lang na pumasok na ako nang tuluyan sa restaurant. Hindi na ako nagpakita sa kanya dahil busy naman siya.
Nakangiting binati ako ng waiter na lumapit sa akin pagka-upo ko.
"The usual, please," sabi ko nang mapansin na ang waiter ay madalas na mag-serve sa akin at alam na kung anong order ko 'pag umaga.
"Right away, ma'am!" nag-salute pa siya sa akin saka umalis.
Pinisil ko ang sintido ko dahil kumirot 'yun bigla. Dalawang gabi rin kasi akong napuyat dahil sa pag-stay ko sa ospital.
"Are you okay?"
Napa-angat ang tingin ko nang may magsalita sa gilid ko. Pumikit ulit ako saka tumango nang makita siya.
Si Liam.
Pagdilat ko ulit ay naka-upo na siya sa harap ko.
Lumingon ako sa labas kung saan siya naka-upo nang dumating ako kanina pero wala na roon ang babae. Bitbit rin ni Liam ang coffee cup niya at nakatingin lang sa akin.
These past few days ay hindi niya ako nai-contact kahit isang beses. Actually, pauwi pa lang kami noong pasko ay naramdaman ko nang naging awkward kami bigla. Kaya nagulat din ako na naupo na lang siya ngayon basta sa harap ko.
"I see you got a girlfriend. You didn't mention it to me," sabi ko.
Normally kasi ay nagsasabi siya kung may girlfriend siya.
Tinitigan niya ako sandali saka umiwas sandali ng tingin.
"You're too busy anyway. It won't be any of your concern," aniya. "How's your father? And your aunt?"
Hindi ako nakasagot agad dahil dinala na ng waiter sa harap ko ang order ko. Ngumiti muna ako sa waiter at nagpasalamat bago bumaling kay Liam.
"They're both fine. Nagpapagaling na lang. Buti naging successful ang operasyon," sabi ko. Nagsimula na rin akong kumain pagkasabi ko nun.
Nakita kong tumango-tango siya mula sa peripheral vision ko.
Ilang sandali ring tahimik lang kami. Ako, kumakain lang, at siya naman, umiinom ng kape habang pinagmamasdan ang paligid.
"You're going to be with your family tomorrow?" tanong bigla ni Liam mayamaya.
Napatingin ako sa kanya. It sounded like a statement to me rather than a question.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...