Chapter Forty-seven

8.8K 280 18
                                    

Nagising ako sa mga halik ni Liam. Ngumiti ako habang nakalapat pa ang mga labi niya sa akin.

"Good morning, wife," bulong niya.

"Good morning," sabi ko saka bumangon at yumakap sa kanya.

He chuckled before handing me a robe.

"Here, wear this. I ordered breakfast. Let's eat," sabi niya sabay turo sa pagkain na nasa pandalawahang mesa sa tabi ng floor to ceiling na bintana.

Hindi ko napigilang mamangha nang makita ko ang view mula roon. Kung maganda iyon ng gabi, tingin ko ay mas gumanda pa 'yon ngayong umaga. Napaka-aliwalas tignan ng paligid. Kita ang reflection ng asul na langit sa lake at ang sarap no'n pagmasdan.

Napapitlag pa ako nang maramdaman ko ang pagsuot ni Liam sa akin ng robe kasabay ng pagtawa niya.

"I'm starving, wife," sabi niya habang itinatali ang robe.

Hindi na ako nakapalag nang buhatin niya ako mula sa kama paupo sa harap ng mesa.

"Thank you, husband," sabi ko bago siya hinalikan sa pisngi.

***

Sakay ng pickup truck na nirentahan ni Liam ay nasa biyahe kami ngayon papuntang Fremantle.

It's our 4th day here in Australia at sa wakas ay maipapakilala ko na si Liam sa Tita ko.

On our second day, nangulit si Liam na mag-stay na lang kami sa hotel pero hindi ako pumayag. In the end, half day kaming naglibot at half day sa hotel para mapagbigyan kami pareho.

Nag-stay rin kami sa Dunsborough kahapon, on our third day here, dahil may kina-ilangang asikasuhin ang Tita ko at hindi pa raw kami mami-meet.

Naglibot kami roon maghapon. Ang pinaka-nagustuhan ko ay ang pag-whale watching namin. Sobrang natuwa akong makita ang whales nang malapitan. Kahit na medyo nilamig ako sa boat, masaya naman akong pinanood ang mga 'yon.

"Nag-reply na ba ang Tita mo kung saan natin sila imi-meet?" tanong ni Liam.

Noon ko lang naalalang tignan ang phone ko. May reply na nga ang Tita ko.

"Yup, may binigay siyang address ng restaurant. Local cuisine daw ang menu dito," sabi ko saka kinuha ang phone niya para ilagay ang address sa navigation.

Inabot rin ng halos 3 oras ang biyahe namin papunta ng Fremantle. Mabuti at saktong lunch kami dumating. Naroon na si Tita at ang asawa niya na naghihintay sa amin.

"Tita!" Patakbo pa akong sumalubong sa tiyahin ko at niyakap siya.

Nakangiti naman ang asawa niya at binati ako.

"Naku, na-miss kita nang sobra," sabi ni Tita.

"By the way, this is my boyfriend, Liam. Liam, Tita Agnes ko at asawa niya si Tito Lucas," pagpapakilala ko sa kanila.

Ngumiti si Liam saka lumapit sa kanila at nakipagkamay.

"It's nice to finally meet you po," sabi niya.

Ngiting-ngiti na tinignan ako ni Tita Agnes bago siya tumango, indikasyon na pasado sa kanya si Liam.

Natatawang kumapit ako sa braso niya bago kami pumasok sa loob ng restaurant.

Maraming in-order si Liam para kainin naming apat. Nagpilit pa siyang siya na ang bahala sa lahat. Kahit tutol ang Tita ko dahil kami raw ang bisita at sila dapat ang nagpapakain sa amin ay wala na rin siyang nagawa.

"Paano pala kayo nagkakilalang dalawa?" mayamaya ay tanong ni Tita habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"I met him through Mica. He's her ex," walang anu-anong sabi ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon