Chapter Thirty-five

8.3K 275 22
                                    

Gen

Nag-warning knock muna ako bago pumasok sa opisina ni Mica. It's been 2 months mula nang maging Vice President siya ng kompanya kaya naman may sarili na siyang opisina.

Kahit ako ay team lead na ngayon. Nag-expand kasi ang team namin. Nag-hire ng 6 pa at kaming 2 ni Kath naman ang naging mga team lead. Tig-dalawa kaming hawak na tenured employees at tig-tatlong bago.

"Here's the proposal—"

Napatigil ako nang makita kung anong sitwasyon sa loob. Naka-upo si Mica sa upuan niya sa harap ng mesa. Ang bago naming president na si Xander ay nakatayo sa harap nila wearing his famous poker face, at si Liam na naka-akbay kay Mica na halos nakayakap na.

I rolled my eyes and walked in.

"Ito na 'yong proposal, bruh," sabi ko.

Kahit na VP na siya ay mas prefer niya pa rin tawagin ko siya ng ganoon. Ayaw niyang may mag-iba sa'min.

"Thanks, Bruh," sabi niya at kinuha 'yon mula sa mesa.

Tumingin ako kay Liam at lumapit dito.

"At ikaw naman lalaki ka," sabi ko sabay hila sa braso niya. Bumitaw agad siya kay Mica nang hilahin ko siya. "Doon ka sa labas! Istorbo ka dito!" sabi ko habang hila-hila siya palabas.

"Aw! Wife, wait!" sabi niya dahil halos kaladkarin ko siya palabas ng opisina ni Mica.

Narinig ko pang tumawa si Mica bago kami makalabas ng opisina niya.

Gaya ng promotion namin ay two months na rin ang nakakaraan mula nang sabihin niya sa akin na mahal niya ako. At magmula noon ay naging sobrang vocal niya. Sa tuwing may pagkakataon ay sinasabi niya sa akin kung anong nararamdaman niya.

He doesn't go beyond just telling me he loves me though. Nire-respeto niya ang katotohanang may boyfriend ako. Ah! Lagi niya nga lang akong pinipilit na hiwalayan si Adam.

Ilang beses na rin kaming nag-away ni Adam ng dahil sa kanya.

Unang beses noong nakita ni Adam kung anong caller ID ni Liam sa phone ko. Nainis si Adam dahil doon pero napaliwanagan ko naman na biruan lang namin 'yon.

Pero sa ikalawang beses ay nagalit na talaga si Adam. Sakto kasing sinagot niya ang phone ko nang mag-CR ako habang kumakain kami sa restaurant. 'Wife' agad ang bungad ni Liam kaya naman nainis ang nobyo ko at ibinaba na lang ang tawag.

"Ano ba'ng problema mo? Makayakap ka kay Mica wagas!" sabi ko.

Mabilis na ngumiti siya nang malapad. Sumunod siya sa paglalakad papunta sa cubicle ko. Buti na lang nag-break ang mga tao kaya walang tao.

"Bakit? Selos ka?" aniya at pilyo pang ngumiti.

I rolled my eyes on him.

"Stop assuming things, Liam. Ayoko lang makagulo ka sa dalawa. We both know they still love each other at nakikita kong nagpa-patch up na sila."

Sumimangot siya. "Kasi naman e, 'yong gusto kong yakapin hindi pwede," pabulong na sabi niya pero rinig ko 'yon.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at na-upo sa work station ko.

Mayamaya ay akmang yayakapin ako ni Liam. Pero sa huli ay niyakap niya lang ang sarili niya.

"Ginagawa mo?" tanong ko.

Mukha kasi siyang tangang yakap-yakap ang sarili niya.

"Hindi ako nangyayakap ng girlfriend ng iba e. Kahit na gaano ko pa 'yon kamahal," sabi niya.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon