"What does she want this time? Nanghihingi na naman ba ng pera?" nagulat ako nang marinig ang pagsigaw ng mama ni Liam.
Narito kami ngayon sa bahay ng parents niya dahil inimbitahan kaming dito mag-lunch. Masaya pa kaming nag-ihaw, at kumain kanina kaya nagulat ako sa pagsigaw ngayon ng mama ni Liam.
Galing lang kami ni Liam sa garden at nagpahangin. Magpapa-alam na sana kaming aalis pero ito ang naabutan namin.
"Hon—"
"Tell your mistress to get the hell out of our lives! Hanggang kailan niya ba guguluhin ang pamilyang 'to?" Nakita ko ang pag-iyak ng ginang.
Tinangka siyang hawakan ng asawa pero itinulak niya 'yon.
Mabilis na lumapit ako at walang pag-aalinlangan na yumakap siya sa akin.
Hindi ko mapigilang maluha rin dahil ramdam ko ang sakit sa pag-iyak ng mama ni Liam.
Hindi na nagsalita ang papa ni Liam at umalis na lang ng living area. Sinundan pa namin siya ng tingin paakyat sa kwarto nilang mag-asawa.
"I'm sorry that you have to see this," sabi ng mama ni Liam nang humiwalay ng yakap sa akin.
Hindi ako nagsalita at pinunasan lang ang luha ng ginang gamit ang panyo ko.
These past few weeks, magmula nang maging official kami ni Liam ay naramdaman ko ang pag-welcome sa akin ng pamilya nila. Mas komportable pa akong kasama sila kaysa sa pamilya ng father ko. And for the first time mula nang umalis ako sa poder ng tiya ko ay naramdaman ko kung paano ang magkaroon ng ina.
She treated me like her own daughter and I'm very grateful for that.
"Tahan na, Mama. I'm sure maayos din ang lahat," sabi ko.
Bahagyang ngumiti ang ginang at humawak sa kamay ko.
"Salamat, hija," aniya.
***
Naging tahimik si Liam mula nang umalis kami sa bahay ng parents niya. Halata sa kanya na sobrang bothered siya dahil sa nangyari. Naaalala ko kung paano siyang nag-inom dati dahil sa kaparehong problema kaya nag-aalala ako ngayon sa kanya.
"I'll cook for you," sabi niya na ikinatingin ko.
"Hindi tayo sa restaurant magdi-dinner?" tanong ko. 'Yon kasi ang napag-usapan namin kanina. May bago kasi silang recipe at ipapatikim niya raw sa akin.
Umiling siya.
"Let's just go there tomorrow," aniya.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
Sa condo niya kami nagpunta. Pipapanood ko lang siya habang nagluluto siya. Halata sa kanya na wala siya sa sarili. Muntik niya pang mahiwa ang daliri niya.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kutsilyo.
"I'll do it. Ako naman ang magluluto para sa'yo," sabi ko. "You've been cooking for me for the last few months. Let me do it for you," sabi ko.
Matipid na ngumiti siya at humalik sa sintido ko.
"I'll just take a shower," aniya.
***
Tahimik pa rin si Liam habang kumakain kami. Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mama niya.
Nang matatapos na kami ay nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"That woman was my father's first love," sabi niya.
Tinignan ko lang siya, naghihintay ng mga sasabihin niya.
Hindi tumitingin sa akin ay nagpatuloy siya.
"They were childhood sweethearts. Mula high school, may relationship na sila. Until my dad went to Manila to study. Nawalan sila ng oras sa isa't-isa. That woman demanded more time from him, but he needs to focus more on his studies to be able to take over our family's businesses. So, my dad decided they should end the relationship, even though he still loves her."
Uminom ng tubig sandali si Liam saka nagpatuloy.
"Just before he finishes his studies, he met my mom. They fell in love, and after a few years, the got married. They said that that woman had no idea my father was already married since he didn't come back to the province ever since. She just found out a few years later. She was so devastated, so she married another guy. But then after a few years, they met again. That's when they had their affair. I hated my father for it, and I still hate him now since what he did is still ruining our family. I hate to see my mom cry in pain, but I can't do anything. I can't even tell her it's okay since I know, it's not."
May tumulong luha sa mga mata ni Liam. Mabilis na pinahid niya 'yon at hindi pa rin tumingin sa akin.
"I'm sorry for this. I'm sorry that you have to deal with my family's issue," aniya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Don't be sorry, Liam. Like what your mom said, I'm part of the family now," sabi ko.
Iniyakap niya ang mga braso niya sa baywang ko.
"Thank you, wife. I'm so glad you're here with me."
***
Gumaang na ang pakiramdam ko dahil nakikita kong ngumingiti na si Liam.
Nasa labas siya ng balcony ng condo unit niya at umiinom ng beer. Nakatingin lang siya sa paligid habang matipid na nakangiti.
Matagal na pinagmasdan ko siya mula sa pinto ng balcony. Hindi ko mapigilang mahawa sa ngiti niya.
Mayamaya ay naisipan kong lapitan siya. Walang anu-anong niyakap ko siya mula sa likod. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hinawakan niya naman ang mga braso ko kapagkuwan at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
Liam
I can't be any happier. Gen can really ease my worries. Isang yakap niya lang, nawala na agad ang lungkot na nararamdaman ko kanina.
Come to think of it, kahit noong hindi ko pa nare-realize na mahal ko siya, she's always been my cure. I always ended up being with her whenever I'm bothered with anything.
I can't help but smile when I felt her embraced me from behind. I closed my eyes and feel her warmth. If I can find heaven in earth, this must be it.
"Can you sing for me?" mayamaya ay sabi niya.
"I'm not a good singer. I can't sing you a song in front of many people like what he did," I somehow felt annoyed.
I remember what that Adam did on their first month of relationship. He sang for her and even make her come in front just to show everyone that she's his. I was so annoyed that time when I saw how happy Gen was that I ended up drinking 'til dawn.
"I love your voice though," sabi niya.
I felt my stomach tightened. Is she mistaken that I'm that guy?
"You must have mistaken me for Ad—"
"Of course not." Putol niya sa sinasabi ko. "You're Liam, my Liam. You have the most soothing voice I heard. So, can you please sing for me? Just one song. Please?"
Hindi ako umimik. I don't know what to think.
"I was talking about you when I said I like guys who can sing. I heard you sing a lot of times while we're in your car. You voice is different from his. Yours is soothing. I like it better."
Napangiti ako sa sinabi niya. I didn't know she was talking about me that time. I really thought she's talking about Adam.
After a while, I just found myself singing.
Matagal nang tapos ang kanta pero nakayakap pa rin sa akin si Gen. I was about to turn around and embrace her too when she whispered the one thing that I've been waiting to hear from her.
For the first time since I met her, I felt like my heart would burst with happiness.
"I love you, Liam..."
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...