"Nasaan na 'yung gagang si Kath? Malapit na siyang ma-late!" sabi ni Kim, isa sa ka-team namin sa office. Ka-team din namin si Kath at siya na lang ang hinihintay.
Kasal ngayon ng isa pa naming ka-team na si Gardo. Narito kami sa isang hotel sa Makati para sa kasal niya. Si Kath ang may dala ng bouquet ng bulaklak dahil nag-prisinta siyang siya ang magpo-provide nun pag nagpakasal si Gardo. Siya mismo ang gagawa nun dahil magaling siyang mag-arrange nun at may flower shop ang mother niya sa Manila.
"Paalis na siya kanina noong nagbibihis pa lang ako e. Dadaanan niya pa nga sana ako kaso sabi ko mauna na lang siya. Mas mauuna pa pala ako dito," sabi ko.
Nag-text siya kanina na paalis na siya at kung sasabay ako sa grab car na sasakyan niya para makabawas sa bayad. Ang kaso ay hindi pa ako nakakapag-ayos nun at ayoko namang makaabala kung sakali.
"Hala, 5 minutes na lang magsisimula na. Wala pa rin 'yung flowers."
Kanina pa pabalik-balik sa mesa namin ang organizer at halatang nagpa-panic na dahil wala pa ang bulaklak. Supposedly kasi, maaga ng isang oras si Kath, ang kaso, nagsabi siya na 30 minutes before na lang siya darating dahil gagawin niya pa ng umaga ang bouquet.
Tatlong minuto na lang ang oras na natitira nang humahangos na naupo si Kath sa tabi ko. Wala na sa kanya ang bouquet at mukhang nai-abot niya na sa organizer.
"Nyare?" tanong ni Kim.
"Nakarating ako ng QC," humihingal pang sabi ni Kath. Kinuha niya ang baso ng tubig sa harap niya at nainom doon. "Grabe! Naligaw ako," aniya pa sabay buga ng hangin.
"Akala ko nag-grab ka? Paano kang naligaw?" tanong ko.
Tumingin pa siya sa akin at tumuro sa parte ng QC.
"'Yung hotel branch sa QC ang na-pin ko imbes na dito sa Makati," aniya.
Hindi namin napigilang matawa sa kanya. Kita naman kasi sa grab kung saang city ang ipi-pin mo.
"Hindi mo man lang napansin na sa iba 'yung daan?" si Kim.
Umiling si Kath. "Hindi ko alam 'yung daan. Wala akong alam kung saan ang mga daan dito sa Metro Manila. Alam niyo namang di ako lumalabas ng bahay 'di ba?"
Napa-iling na lang kami ni Kim. Totoo namang hindi talaga siya lumalabas. Mas gusto niyang magkulong na lang sa bahay niya kesa mag-gala. 'Yung grocery at office pa, walking distance lang sa tinitirhan niya kaya wala talaga siyang alam sa lugar.
"Let's all welcome the beautiful bride!"
Napalingon kaming lahat nang magpalakpakan. Naroon ang bride ni Gardo sa pinaka-itaas ng hagdan at naglalakad pababa. Ang ganda-ganda niyang tignan sa gown niya. Light lang ang make-up niya pero wala pa rin kaming panama sa kanya. Sa pagkaka-alam ko ay model siya kaya hindi na kamin nagtatakang ang ganda niya.
Kulay pink ang halos lahat ng makikita sa paligid. May pink na telang naka-design sa hawakan ng hagdan. Pati ang mga mesa na nakabalot ng puti ay may naka-pin din na pink na tela sa mga gilid. Kung tutusin pa, pati kami ay pink na pink. Requirement kasi nila sa mga bisita na kulay pink ang isuot.
~*~
Matapos ang seremonyas at ang reception ay picture taking na. Per table ang ginawa at kami na ang papunta sa unahan.
"Congrats!" masayang bati namin sa bagong kasal.
"Salamat sa pagpunta niyo. Salamat din sa bouquet, Kath," ani Gardo.
"No prob! Sabi naman sa inyo akong bahala sa mga bouquet niyo pag ikakasal kayo e. Promise next time hindi na ako mamamali ng hotel," ani Kath na ikinatawa namin.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...