"Surprise!" Masigla pang nagsilapit sa akin sina Mica, Andi, at Claire. Sa likod nila ay naroon si Josh, ang boyfriend ni Claire.
"Happy birthday!" sabi pa nila habang pinapahipan sa'kin ang mga kandila na nakasindi sa cake na hawak ni Mica. Si Andi at Claire ay may hawak pang party poppers at pinaputok 'yun sa tabi ko.
Nginitian ko lang sila habang inaalis sa buhok ko ang maliliit na confetti na napunta sa buhok ko dahil sa party poppers. Hinipan ko na rin ang kandila kapagkuwan.
"She doesn't look surprised at all," sabi ni Andi at nameywang pa.
Tumawa ako dahil doon.
"Well, I know you guys are here. I didn't expect this though," sabi ko sabay tingin sa mga hawak nila. May banner pa na nakasabit na may nakasulat na 'Happy Birthday'.
"Paano mo nalaman?" tanong pa ni Andi pero patingin-tingin na siya kay Liam.
Hindi ako sumagot at tumawa lang.
"You made me happy anyway. Thank you, girls." I opened my arms to hug them. Ibinaba agad ni Mica ang cake sa malapit na mesa saka yumakap.
Nang maghiwalay kaming apat ay tinignan nang masama ni Andi si Liam.
"Sinabi mo 'no?"
Nagkibit ng balikat si Liam pero hindi niya 'yun ikinaila. Sinabi niya naman talaga sa'kin. Ultimo 'yung detail na balak nilang i-sorpresa ako. Nabatukan ko pa nga siya kanina pagkasabi niya ng mga 'yun. Pero nakita ko rin ang kotse ni Mica na naka-park sa parking lot ng restaurant ni Liam kanina nang dumaan kami kaya kahit na hindi sinabi ni Liam ay malalaman ko.
"You had one job." Sinamaan ng tingin ni Andi si Liam. "Nako, gwapo ka pa naman!" sabi niya pa. "At dahil d'yan, dapat kang magkaroon ng punishment!" Akmang yayakapin niya si Liam nang pumunta bigla sa likod ko ang huli at iniharang ako sa nakabukas na mga braso ni Andi.
Pinipilit pa ring yakapin ni Andi si Liam at hinaharang ako lagi ni Liam hanggang makarating na kami malapit sa kusina sa paghahabulan ng dalawa.
Mayamaya ay tumigil din si Andi at nanunudyong tumingin sa amin.
"Ay, iba! May pagyakap na nagaganap!" sabi niya.
Doon ko lang napansin na dahil sa ginawa akong human shield ni Liam ay nakayakap na ang kaliwang braso niya sa beywang ko at nasa balikat ko naman ang isa niya pang braso.
Nakatingin silang lahat sa'min ni Liam pero hindi ako nag-react masyado para hindi nila mahalatang affected ako sa sitwasyon. Si Liam, tumawa lang saka inalis ang pagkakayakap sa beywang ko pero hindi pa rin inalis ang braso niya sa balikat ko.
"We're closer than you think," sabi ni Liam.
Nag-tinginan pa sina Andi at Claire at halatang nanunudyo pero hindi na lang namin pinansin.
Inalis na rin ni Liam ang pagkaka-akbay sa akin at naupo sa sofa.
"'Nakapag-decide na ba kayo ng room na gagamitin niyo?" tanong ni Liam.
Tinignan ko lang ang tatlo na nagsi-upo na rin sa dalawang malaking sofa sa sala. Ako naman, naupo sa pang-isahang sofa rin doon.
"Well, syempre sama-sama kaming girls. Then tig-isa kayo ng kwarto ni Josh," sabi ni Mica. "Considered na girl 'to," sabi niya pa sabay turo kay Andi.
"Okay, doon na lang kayo sa master's bedroom. Malaki 'yung kama dun at may space pa naman para sa additional mattress," si Liam.
"Pero if you want, pwede naman magkasama tayo sa kwarto," sabi ni Andi kay Liam. Pagkasabi niya nun ay bigla pa siyang tumingin sa akin. "Ay, baka ito gusto mong kasama? Pwede rin naman kung ayaw mo sa beauty ko. Para lumuwag sa kwarto namin." Bumaling pa siya kay Josh. "Ikaw rin, for sure gusto mo rin naman kasama sa kwarto 'tong isa," sabi niya pa sabay turo naman kay Claire.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...