"Happy birthday!" bungad ko kay Liam pagkabukas niya ng pinto ng unit niya.
Ngiting-ngiti naman na hinila niya ako papasok at niyakap. Sinadya kong hindi gamitin ang spare key ko para pagbuksan niya ako ng pinto at ma-surprise siya. Sinabi ko kasi sa kanya na bukas na lang kami mag-celebrate ng birthday niya dahil OT ako.
"Ah! My day's complete now," sabi niya.
Tumatawang itinulak ko siya palayo.
It's been 3 months simula nang manligaw siya. And so far, he never changed. He's still the same guy I've known for years... but a lot sweeter.
Hindi ko makakalimutan 'yong ginawa niya noongg birthday ko. Inaasar ako ng buong opisina dahil nagpakain siya sa lahat ng empleyado. Nagpunta pa siya roon at siya mismo ang nagdala ng mga pagkain sa bawat department.
I told him it was too much nang kaming dalawa na lang ang magkasama. Na-konsensya ako bigla noon dahil nakita kong nalungkot siya bigla. So, I just told him na na-touch naman ako, at masaya ako sa gesture niya pero tone down niya next time ang gagawin niya.
And he did. Noong Valentine's day, nagpadala na lang siya ng bulaklak sa akin. Sinundo niya ako pero hindi na siya umakyat sa opisina. Ang ikinatawa ko noon ay ang tanong niya. "Did I do well? It's not too much, right?" Ngumiti ako noon at tumango sa kanya.
"Upo ka muna, magluluto ako ng dinner natin," sabi niya na ikinangiti ko.
Simula noong nagluto siya para sa akin ay ginagawa niya na 'yon sa tuwing may pagkakataon. Nadagdagan na rin ang mga alam niyang iluto dahil tumatambay siya sa resto niya sa tuwing hindi kami magkasama.
"Okay, I'll just wait here," sabi ko.
***
Tumambay kami sa sofa nang matapos kumain. Gusto niya sanang uminom, kaso, may pasok ako kinabukasan kaya tumanggi ako.
"Since you don't seem to need anything, I didn't buy you a gift. Ganito na lang, magbigay ka na lang ng isang wish. Basta kaya ko, gagawin ko," sabi ko.
Ngumiti nang malapad si Liam. Sa hitsura niya, mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya.
"Pwera lang na sagutin kita," sabi ko agad bago pa siya makapagsalita.
Mabilis na sumimangot siya.
Hindi ko mapigilang matawa sa hitsura niya. Mukha siyang bata na nagmamaktol.
"So, ano na? Anong wish mo?" sabi ko.
Ngumuso pa lalo siya at hindi tumitingin sa akin. Lalo ko naman 'yong ikinatawa.
Hindi naman sa ayaw kong maging girlfriend niya. May mga dahilan lang kaya hindi ko pa siya sinasagot hanggang ngayon. Noong una, sinusubukan ko muna siya kung talaga bang totoo ang sinasabi niyang mahal niya ako. At napatunayan ko naman na 'yon sa nagdaang mga buwan. Isa pa ay dahil nakakaramdam ako ng insecurities kung minsan. Sino ba naman kasi ako para maging girlfriend niya? Come to think of it, nakilala ko karamihan sa mga naging girlfriend niya at kahit isa sa kanila ay hindi ko malalagpasan. Si Mica na lang, at ang supermodel na si Eliza, kitang-kita nang walang-wala ako.
And another thing is that I love teasing him. Nakakatuwa kasi siyang asarin kapag sinasabi kong ayoko siyang sagutin.
Although we mostly act like were a couple, wala lang kaming label.
"Fine, ito na lang," sabi ko.
Lumapit ako sa kanya at pa-smack na hinalikan siya sa mga labi.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko at napatulala sa akin nang ilang saglit. Pero nang makabawi siya ay biglang sumilay ang nahihiyang ngiti sa mga labi niya.
This is the fist time I've kissed him since that night in his parent's house. And come to think of it, that was more than a year ago.
Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako bigla at iupo sa kandungan niya paharap sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin noong una hanggang sa ilagay niya ang isang kamay niya sa batok ko at hilahin ako saka hinalikan sa mga labi. Iniyakap niya ang isang braso niya sa likod ko habang masuyo akong hinahalikan. Pumikit ako at inilagay ang mga kamay ko sa batok niya at gumanti sa mga halik niya.
Hindi ko na namalayan kung gaano katagal magkalapat ang mga labi namin. Naghiwalay lang kami nang pareho na kaming naghahabol ng hininga.
Naramdaman ko pa ang pagngiti ni Liam habang inilalapat ulit ang mga labi niya sa mga labi ko.
Nang magmulat ako ay nakatitig siya sa akin. Kapagkuwan ay binigyan niya ako ng malilit na halik sa mga labi ko, sa pisngi, sa ilong at sa kung saan mapadpad ang mga labi niya sa mukha ko.
Natatawang inilapat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya.
Sandaling tumigil siya at iniyakap ang dalawang braso niya sa likod ko. Pagkatapos ay pinagtapat niya ang mga mukha namin saka ngumuso, indikasyon na ako ang humalik sa kanya.
Ngumiti ako at pinagbigyan naman siya.
"Fine, since it's your birthday."
Masuyo kong hinalikan ang mga labi niya at pumikit.
Napasinghap ako nang bumaba ang mga halik ni Liam sa leeg ko. Ibinalik ko ang isang kamay ko sa batok niya at isinabunot sa buhok niya ang isa.
Hindi ko mapigilang mapapitlag nang maramdaman ang isang kamay niya na humahaplos sa dibdib ko kahit sa ibabaw lang yon ng damit ko.
Kasabay ng pagbaba pa ng mga labi niya ay ang isa-isang pagtanggal niya sa butones ng blouse ko. Hindi ko pa napigilang matawa nang mahina nang hindi niya matanggal ang pangalawang butones at napamura siya. Sa inis niya ay hinila niya na lang 'yon kaya nagtanggalan ang mga butones non.
Hinalikan niya uli ako sa mga labi habang inaalis ang pagkaka-snap ng bra ko.
"This is wrong," bulong ko sa pagitan ng mga halik niya.
"No, it's not," aniya bago bumabang muli ang mga halik niya.
"Liam!" Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ko ang mga labi niya sa isang dibdib ko. His other hand is playing with the other.
Patuloy lang siya sa ginagawa at nagpapalipat-lipat sa magkabila kong dibdib.
"We shouldn't do this," sabi ko kahit na parang mababaliw na ako.
"Why not?" sabi niya at bumaling uli ang halik niya sa mga labi ko.
"We're just friends."
Tumawa siya nang mahina sa sinabi ko.
"Yeah, right," aniya. "Then tell me you're my girl now so we can go on."
I felt his hand in the V of my thighs, teasing me.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi niya, pilit na ginigising ang sarili ko.
Matapos ang ilang sandali ay nagawa kong magsalita.
"No," sabi ko.
Mabilis na hinubad ko ang suot kong blouse na nasira na. Napansin ko rin na nasira niya ang hook ng bra ko kaya inalis ko na 'yon. Pagkatapos ay hinubad ko ang t-shirt na suot niya. Nakita ko pang napangiti siya pero nawala rin agad 'yon nang isuot ko ang t-shirt na hinubad ko sa kanya.
Sumimangot siya nang tumayo ako mula sa pagkakakandong sa kanya.
"I think you should take a shower," natatawang sabi ko bago naglakad papunta ng kusina at kumuha ng tubig.
"You're evil," narinig ko pang sabi niya.
Tawa lang ang isinagot ko sa kanya at tuluyang pumasok sa kusina.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Storie d'amore[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...