Chapter Twenty-eight

8K 328 46
                                    

Ngumiti ako habang paparating ang train na sasakyan ko papuntang Perth. Narito ako ngayon sa Fremantle, Australia at dinalaw ang Tita ko, kasabay na rin ng celebration ng birthday ko. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang nag-migrate sila rito ng boyfriend niya.

Tatlong araw din akong nagtigil sa bahay nila at ngayon ay pabalik na ako sa Perth para doon sumakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Mamayang madaling araw pa ang flight ko pabalik ng Manila pero gusto ko rin sanang libutin ang siyudad kahit ngayong araw lang kaya maaga akong umalis.

Sumakay ako sa train at naupo sa isang sulok. Walang 'yong masyadong sakay at mag-isa lang ako sa linyang inuupuan ko. Nakatitig lang ako sa labas habang umaandar 'yon at pinagmamasdan ang paligid.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang dagat. Ang ganda. Na-miss ko tuloy ang pumunta sa tabing dagat. Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula nang huli kaming nagpunta roon ni Liam. And speaking of Liam, hindi ko pa siya nakaka-usap mula noong ihatid niya ako sa apartment ko galing sa bahay ng parents niya.

Tahimik lang kami noon buong biyahe. Sobrang naging awkward kami mula noon. Hindi ko alam kung anong iisipin sa inaasal niya.

Sa totoo lang ay ihahatid niya dapat ako sa airport noong papunta ako ng Australia pero walang Liam na dumating.

Napahinga na lang ako nang malalim at pinagmasdan na lang ulit ang paligid.

***

Ibang-iba talaga ang Fremantle kaysa rito sa Perth. Maganda rin dito pero mas nakaka-relax sa Fremantle. Mas konti kasi ang tao roon.

Kung saan-saan din ako naggala nang naroon ako. Hindi ako masamahan ni Tita dahil may trabaho siya pero okay lang. Kaya ko naman kasi ang mag-libot mag-isa

Isa lang ang pinagsisisihan ko. Hindi ko kasi na-try mag sky diving. Gusto ko sana kaso hindi ako natuloy noong nakaraan.

Kung kasama ko sana si Liam for sure...

Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba sa bawat hakbang ko laging pumapasok sa isip ko si Liam?

Naglakad na lang ako papunta sa Hostel na nai-book ko para sa sa araw na 'to. Malapit lang naman 'yon mula sa train station. Wala pang sampung minuto ay nakarating na rin ako. Hindi na sana ako magbu-book ng hostel dahil madaling araw na din naman ang flight ko kaso naisip ko rin na mahihirapan pa ako sa mga gamit ko at gugustuhin ko ring mag-shower muna bago sumabak sa mahabang biyahe.

Pagkarating ko sa hostel ay may isang tao sa dormitory type room na tutuluyan ko. Nginitian ko lang siya. Mukhang paalis na siya dahil nag-eempake na.

Naupo muna ako sa kama na naka-assign sa akin. Inilagay ko na lang sa locker ang maleta ko at hindi na nag-abalang ilabas ang mga gamit.

Tinignan ko ang phone ko. As expected, walang message galing kay Liam. Mayroon lang doon galing sa tatlo kong kaibigan na nagbilin ng pasalubong.

Nahiga muna ako at pumikit. Sa buong pagtigil ko dito sa Australia ay hindi nawala sa isip ko si Liam. Pakiramdam ko tuloy kasama ko siya. Pero ayun, wala siya at panigurado, may ibang babae siyang kasama sa mga oras na 'to.

***

Nauwi ako sa paglamon matapos akong maghapon na maglibot. Narito ako sa isang burger restaurant na nadaanan ko habang namimili ng pasalubong. Naalala ko kasi ang Lovie Patty kaya naisipan kong dito kumain.

Nag-order ako ng isang double cheese burger, at fries.

Napangiti ako nang makita kung gaano kalaki ang burger. Parang nakikita ko na rin ang ngiti ni Liam sa tuwing namamangha siya na ganito ako karaming kumain.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon