Chapter Twenty-two

7.6K 299 40
                                    

Nagising ako sa pag-vibrate ng phone ko. Alarm ko 'yun tuwing umaga para sa pagpasok sa opisina.

Tinignan ko ang paligid ko at napa-tampal na lang sa noo ko. Dito nga pala ako natulog sa condo ni Liam. Sa sobrang lasing niya kagabi ay hinatid ko siya rito. At dahil sobrang gabi na rin ay hindi na ako umuwi. Buti na lang at may naiwan akong damit dito noong nakaraan at pwede kong isuot papasok sa opisina.

Babangon na sana ako nang hindi ko mapigilang mamula. Pumasok kasi bigla sa isip ko ang sinabi ni Liam kagabi.

"I really like you."

Napangiti ako. Ramdam ko ang lalo pang pag-init ng pisngi ko kaya naman sinapo ko ang mga 'yun. Mahinang tinapik-tapik ko pa ang mga 'yun saka huminga nang malalim at tuluyan nang bumangon.

Dahil walking distance lang naman ang opisina mula rito sa condo unit ni Liam ay hindi ko kailangang magmadali. Marami pa akong oras kaya naisipan kong ipag-luto na lang muna ng soup si Liam.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng mai-luluto. Sakto namang may nakita akong pack ng noodle soup sa cabinet kaya naisip na iyon na lang ang iluto. Saktong kailangan ko lang 'yong pakuluan kaya hindi naman ako mahihirapan.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahalo ng soup nang marinig ko ang boses ni Liam.

"Oh, my wife's here," aniya sa paos pang boses.

Napapitlag pa ako nang maramdaman ang pagyakap niya mula sa likod ko.

Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nun dahil sa pagyakap ni Liam. Lalo pa't naipatong niya ang ulo niya sa balikat ko at ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.

Kinalma ko ang sarili ko.

"How's your hangover?" tanong ko. Dahil panigurado, masakit 'yun. Sa dami ba naman kasi ng ininom niya.

"It hurts like hell," pagmamaktol niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

Hinaplos ko ang buhok niya saka ang pisngi niya.

"Malapit na 'tong matapos. Maupo ka na doon," sabi ko kahit na sa totoo lang ay ayoko pa siyang umalis sa pagkakayakap sa akin.

Sumunod naman agad siya at bumita. Naupo siya sa kabisera ng mesa at nakatulala lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa hitsura niya. Mukha siyang batang may sakit na naghihintay ng pagkain. At nakanguso pa!

"Ah, by the way, I borrowed your shirt, and shorts," sabi ko sabay tingin sa suot ko.

Tipid na ngumiti siya saka tumango.

Sandali lang din at natapos ko nang iluto ang soup. Inilagay ko na 'yun sa bowl, at inilagay sa harap niya.

Humigop naman agad siya ng sabaw.

"Coffee?" tanong ko.

Dahan-dahan lang na tumango siya.

Natatawang pumunta ako sa kinalalagyan ng coffee maker at nagtimpla ng kape namin. Alam ko na kung anong timpla ng kape ang gusto niya dahil ilang beses na rin naman akong nag-stay rito.

Nang ilagay ko ang kape sa harap niya ay sakto ring naubos niya na ang soup. Nakangiti pang kinuha ko ang pinagkainan niya at inilagay sa sink.

Naupo ako sa harap niya, hawak ang sarili kong tasa ng kape nang magsalita siya.

"What time did we get here?" tanong niya.

"Around 1am?" sabi ko.

Hindi ko na rin kasi napansin kung anong oras na 'yun dahil busy ako sa pag-alalay sa kanya, at sa pag-iinternalize ng sinabi niya sa akin. Kung tutuusin ay hindi ko alam kung paano kaming nakarating na dalawa sa condo unit niya dahil ang alam ko ay halos tulala na lang ako kagabi.

"What happened?" aniya sabay pisil sa sintido niya. "Ugh, this headache is killing me," aniya pa.

Napatitig ako sa kanya.

Did he blackout again? Wala ba siyang naaalala sa sinabi niya kagabi?

"Sorry. Pinahirapan na naman ba kita sa paghahatid sa'kin dito?"

Ngumiti ako ng tipid saka umiling.

"It's fine," mahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kanya kung naaalala niya ang sinabi niya sa akin kagabi o hindi.

Pero bakit ganun siya kanina sa akin pagkagising niya?

Napatulala ako dahil hindi ako makapag-desisyon kung anong gagawin ko nang maramdaman ko ang kamay ni Liam sa noo ko. Mayamaya ay lumipat 'yun sa pisngi ko, bago sa leeg ko.

"Are you okay? May sakit ka ba?" Tinitigan niya pa ako. "Bakit namumula ka? Medyo mainit ka rin," sabi niya.

Napahawak ako sa pisngi ko. "I'm fine," sabi ko. "Kulang lang siguro ako sa tulog."

Tumayo na agad ako.

"I'm going to shower. Baka ma-late ako."

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at nagpunta sa spare room niya kung saan ako natutulog para kunin ang mga pamalit ko ng damit at makapag-shower.

***

Palakad-lakad ako sa apartment ko.

Buong araw akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag-blackout na naman ba si Liam at hindi niya naaalala ang sinabi niya kagabi? O naaalala niya pero hindi niya na lang 'yun binanggit?

Huminga ako nang malalim, at tinignan ang phone ko. Kinuha ko 'yun at binuksan.

Tatawagan ko ba siya?

Napapikit ako nang mariin saka ibinaba lang din ang phone.

Hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nagpaikot-ikot sa apartment hanggang sa kumuha na lang ako ng dress sa closet ko at nagbihis.

Ah, bahala na si batman!

***

Nakangiti pang naglakad ako papunta sa resto ni Liam. Kahit na kabado ay nilakasan ko na lang ang loob ko. Gusto kong itanong sa kanya ang sinabi niya kagabi.

Malayo pa lang ay tanaw ko na siya.

Kitang-kita siya sa suot niyang long sleeve polo shirt na kulay white at slacks. Tatawagin ko na sana siya kahit na medyo malayo pa ako nang mawala ang ngiti ko sa mga labi.

Napatigil ako sa paglalakad at napatitig na lang sa kanya...at sa babaeng yumakap sa beywang niya. Nakangiti pa si Liam na umakbay sa babae. Ang supermodel na ex niya. At sa hitsura nila ay mukhang nagkabalikan na sila. Seryoso ba siya sa babaeng 'yun?

Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti na lang nang mapait.

Mabilis na tumalikod ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hindi ko na pinansin ang nilalakaran ko. Wala akong pakialam kung may mga nabangga man ako. Parang narinig ko pa ngang may nagmura pa pero hindi ko 'yun pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Nakisabay lang ako sa daloy ng mga tao at naglakad nang naglakad. Hindi ko na napansin na narating na pala ako ng mall. Pumasok na lang ako roon at nagsimulang maglakad ulit nang maglakad.

Pinunasan ko ang luha ko mayamaya at hindi napigilang mapatingin sa poster ng isang sikat na brand. Napa-ngiti na lang ulit ako nang mapait nang mapansin kung sino ang model. Ang supermodel na ngayon ay kayakap ni Liam.

Pero napatulala ako lalo nang mapansin ang suot niya sa picture na 'yun...ang mismong damit na suot ko nang nagdaang araw. Hindi ko alam na siya ang nag-model ng damit na 'yun dahil regalo lang naman 'yun sa'kin ni Mica.

Lalo lang tumulo ang mga luha ko.

Did he say those words because he thought I was that woman?

Come to think of it, he called me 'girlfriend'. He normally calls me 'wife' when were alone. That's our private joke. That I'm his unofficial wife.

Napahinga ako nang malalim.

"Yeah. How can I even think he can like someone like me?"

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon