Gen
"Hoy, Vakla!" bungad ni Mica paglapit pa lang sa workstation ko.
Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang itinawag sa akin ni Mica. Sinadya niya kasing pagbaligtarin ang dalawang letra sa second name ko.
Sa tuwing pupuntahan niya ako rito sa pwesto ko na nasa kabilang bahagi ng opisina mula sa kanya ay ipinagsisigawan niya ang kung ano-anong tawag niya sa akin.
Naaalala ko pa noong unang beses niya akong tinawag ng kung anong pangalan, nagtawanan ang 5 nasa mga kalapit na workstation ko.
Espiritu ng lampara. 'Yun ang itinawag niya sa akin. Nakitawa na lang ako noon.
Well, it was a joke anyway.
Tinignan ko nang masama si Mica saka ako lumingon sa name tag ko na nakadikit sa salaming bahagi ng divider ng workstation namin.
Sa tuwing nakikita ko talaga ang pangalan kong 'yan, naiinis ako sa magulang ko. Kaya never akong nagpakilala nang buong pangalan. Nai-request ko na rin dati na palitan ang name tag ko ng nickname ko lang pero hindi pumayag ang management. For sure, si Mica ang pumigil para asarin ako. Meron naman kasing iba na gumagamit ng nickname nila.
"Ano na namang pinaglalaban mong babae ka?" singhal ko kay Mica.
Tumawa siya saka naupo sa desk ko. Alam niyang naiinis ako 'pag tinatawag sa second name ko. Lalo pa kung buo.
"Init ng ulo ni ate!" aniya saka may iniabot sa akin na envelope.
Napa-ikot ang mata ko nang makitang isinulat pa talaga ng gaga ang buong pangalan ko roon.
[In the photo: Geney Valka Granada]
Simula nang malaman niya kung ano talaga ang buong pangalan ko noong graduation namin ay hindi niya na tinigilan ang pangma-murder roon. Inakala niya kasing "Geneva" ang pangalan ko dahil 'yun ang tinatawag sa'kin ni Andi dati. Sinasapak ko kasi ang gagang 'yun 'pag binabanggit nang buo ang pangalan ko. Kaya naman tumitigil agad siya pagdating sa "va". Ang akala tuloy ni Mica, kapangalan ko 'yung isang singer, o 'yung city sa Switzerland.
Well, sanay naman na akong ma-murder ang pangalan ko mula pagkabata. It's either humihingi sila ng tatlong wishes— with matching himas pa sa pisngi ko, tatawagin nila akong bakla, o bigla silang lalayo dahil baka raw bigla akong sumabog.
"Ano 'to?" tanong ko.
Tinignan ko lang 'yung envelope at hindi binuksan.
"I need a date," nakangiting sabi niya. "And that means free dinner for you." Tinaas-taas niya pa ang mga kilay niya pagkasabi niya noon.
Doon ko siya nginitian nang malapad. Isa 'to sa gusto ko sa babaeng 'to e. Lagi akong nalilibre. Hindi naman sa naghihirap ako. Pero, sino ba naman kasi ang ayaw ng libre, 'di ba?
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...