"Spaghetti guys!"
Napatingin kaming lahat nang dumating si Mica na may dalang bilao ng spaghetti. May dala rin siyang kalahati nang cake na mukhang bigay sa kanya ng team niya.
Nagsitayuan agad ang team namin pagkakuha ng kanya-kanyang plato at tinidor sa drawer.
"Thank you! Happy bithday!" halos sabay-sabay na sabi namin.
Napatingin sa akin si Mica at lumapit siya sa akin.
"May cake ka na, paubaya mo na 'yung cake sa iba."
"Yes, ma'am!" sabi ko sabay saludo pa.
Tinitigan ako ni Mica at halatang may gustong itanong.
"Ano 'yun? Itanong mo na agad. Gusto ko nang kumuha ng pagkain. Nauubusan na ako."
Tinignan niya pa ako ng sandali bago nagsalita. "You're well aware who Liam is, right?" sabi niya.
Tumango lang ako. Well, siya ang nagsabi sa akin na ex niya si Liam. Siya rin ang nag-kwento ng mga nangyari before. At siya rin ang nagsabing mabuting kaibigan si Liam so hindi ko maintindihan kung bakti niya tinatanong.
"Ayokong masaktan ka, Gen. Alam mo 'yan," sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya.
"Are you insinuating that we have something?" nag-quote pa ako gamit ang mga daliri ko.
"He gave you cake?"
Tinignan ko ang cake na napangalahati ko na sa desk ko saka tumawa uli.
"Ayaw niya lang na agawan kita. Saka suhol 'yan. Ginagawa niya kasi akong food taster sa resto niya."
"You sure?" Tumango ako. "Ikaw ha, hindi sa sinisiraan ko si Liam pero alam mong playboy 'yun. Hindi ko gustong masaktan ka dahil sa kanya," aniya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. "I know, bruh. Don't worry too much. I'm not planning on having a romantic relationship with him. I just found out he's a good friend like you've said." Nginitian ko pa siya uli pagka-hiwalay ko ng yakap. I know how much she cares about me kaya naman masaya akong nand'yan siya.
Ngumiti na rin siya saka tumalikod at bumalik sa work station niya.
~*~
Malapit nang mag alas-syete kaya nagbibihis ako para pumunta sa resto ni Liam. Naka t-shirt lang ako noong una at tokong shorts nang maisip ko na may pagka-sosyal nga pala ang resto ng huli kaya naisipan kong mag-dress na lang. Mahirap nang ma-OP sa lugar na 'yun.
Nasa gitna ako ng pamimili ng isusuot nang mag-vibrate ang phone ko. Chat 'yun ni Andi sa group chat namin. Napangiti ako, miss ko na ang baklang 'to.
[In the photo: Group chat "Sistars"
Andi Dandi: Miss you girls 😭
Gen: Size 7 ako ha.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...