Nakatulala lang ako habang naka-upo sa kama ko. Kanina pa ako gising pero wala akong ganang gawin ang kahit na ano. Bisperas ng pasko pero wala naman akong mapupuntahan para mag-celebrate.
Sa totoo lang, in-invite ako ng step-mother ko na doon na mag noche buena sa kanila tulad nang taon-taon niyang ginagawa. Pero never akong pumunta dahil nga sa hindi ako komportableng kasama sila.
Noong nakaraang araw ay nagpunta ako sa ospital at nagpa-check kung pwede akong mag-donate sa papa ko ang kaso, incompatible rin ang blood type ko at hindi ako pwedeng maging donor. Kahapon lang ay binalitaan ako ng half-sister ko na ang tiyahin ko ang magiging donor. Knowing how selfless she is, I know na malaman niya lang na pwede siyang maging donor ay gagawin niya nang walang pagdadalawang-isip.
Gagawin daw ang operasyon sa susunod na araw. Nag-file ako ng leave sa araw na 'yun para pumunta at mabantayan ko na rin ang tiya ko pagkatapos ng operasyon. Mas concern ako sa lagay niya dahil siya lang ang talagang itinuturing ko na pamilya ko simula pagkabata ko.
Nasa malalim akong pag-iisip nang may mag-chat sa akin.
[In the photo: Chat with Liam Ortega
Dec 24, 2016 at 9:11am
Liam: Do you have plans tonight?
Gen: Nope. Why?
Liam: Let's hang out.
Gen: 👍
Liam: By the way, this made my night last week 😂
{Screenshot of a post by Gen
Gen Granada updated her profile picture <Just now>
Your Goddess for the night.}]
Napa-roll eyes ako sa screenshot ni Liam. Kuha ang picture na 'yun noong Christmas party namin sa office. Ang ganda ng kuha ni Mica kaya naman ginawa kong profile picture. Noon nga lang nai-post ko 'yun ay naka-inom ako kaya ganun ang caption. Binura ko rin naman ang caption na 'yun nang mawala ang tama ko.
Although, hindi ko mapigilang mapangiti sa screenshot niya na 'yun. Kung titignan kasi, mukhang pagka-post na pagka-post ko pa lang, na-screenshot niya na.
Ni-reply-an ko siya pagkatapos.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...