"Sino'ng willing bumili sa coffee shop? Treat ko!" narinig kong sabi ng Manager namin sa 'di kalayuan.
Mabilis na tumayo ako para mag-prisinta.
"Me!" sabi ko agad sabay kuha ng notepad at ballpen sa mesa ko. Nginitian naman ako ng manager ko saka sumenyas na puntahan siya 'pag nakuha ko na ang order ng lahat.
Sa totoo lang, bored na bored na ako. Before lunch pa lang kasi, natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin. Buti na lang nasa sulok ang pwesto ko kaya naman mas madaling magpanggap na may ginagawa kahit ang totoo, kanina pa ako nakatunganga.
Anim kami sa isang team, bukod pa ang manager namin, at nandito kami naka-pwesto sa pinakasulok ng opisina. Ang mga workstation namin ay magkakaharap, tatlo sa magkabila. Saktong dito ako na-pwesto sa sulok dahil ito ang naiwan na pwesto noong na-hire ako.
"May sasama ba?" tanong ko sa kanila bago ko kunin ang mga order nila.
"Naku Gen, sorry ha, kailangan ko nang ipasa 'to ngayon e," sabi ng isa.
"Sorry, Gen. Busy," sabi naman ng isa.
Isa-isa pa silang nagbigay ng dahilan at tumatango-tango na lang ako, hindi na 'yun pinakinggan lahat. I didn't mind going alone naman so nagkibit na lang ako. Inisa-isa ko na silang kuhanan ng order nila bago ako pumunta sa pwesto ng manager namin. May sari-sariling cubicle ang mga manager sa kabilang parte ng opisina, magkakatabi ang mga cubicle nila.
Napatingin ako kay Mica nang papunta ako sa manager ko. She mouthed "bukas ha!" kaya nag-thumbs up ako sa kanya. Sinenyasan ko siya kung gusto niyang sumama sa akin papuntang coffee shop at sumagot naman siya sa malungkot na mukha kaya nakuha ko nang busy siya. Tumango na lang ako at ngumiti saka nagpatuloy sa kinaroroonan ng manager ko.
Nang makarating ako sa cubicle ng manager ko ay iniabot niya ang pera pambili at ang order niya.
Nilakad ko ang papunta sa coffee shop. Ito rin ang coffee shop na pinagtambayan namin nina Mica last time. Ito kasi ang pinakamalapit sa opisina.
Medyo mahaba ang pila pero hindi naman ako nainip. Mas okay na 'to kesa ma-bore uli ako pagbalik sa opisina.
Nang maka-order ay naupo muna ako sa bakanteng pwesto na malapit sa counter para marinig ko agad 'pag tinawag na ako para sa order ko. Mayamaya lang din ay narinig ko na ang pagtawag.
"Seven drinks for Athena!"
Ngumiti ako saka lumapit sa nag-aabot ng drinks.
And yes, ako si Athena. Iba-iba talaga ang pangalan na ibinibigay ko sa mga coffee shop o sa kahit na saang tindahan na hinihingi ang pangalan para lang matigilan na ang pangma-murder sa pangalan ko.
Sa daming beses kong bumili sa mga coffee shop, isang beses pa lang tumama ang spelling ng "Gen". Matic kasi na "Jen" ang inilalagay. Minsan, Jean. O kaya Gel. May time pa nga na sinabi kong "Gen, with a 'G'" so ayun, Jeng ang inilagay. Pag sinabi ko nang "Geney", Jenny ang nilalagay. Kaya ayan, kung anong pangalan na lang ang maisipan ko, 'yun ang ipinalalagay ko.
Inilagay ng barista ang mga drinks sa paper bag. Ang drink naman na para sa akin ay kinuha ko na para inumin. Nagpasalamat pa ako sa kanya bago ako tumalikod.
Pero bago pa man ako makahakbang ay may bigla na lang bumangga sa akin. Napatunganga na lang ako nang tumapon ang hawak kong drink sa damit ko, bandang dibdib. Mabuti na lang at hindi 'yun mainit, kung hindi, for sure lapnos ang balat ko.
"Miss! I'm sorry!" sabi agad ng lalaking bumangga sa akin.
Huminga ako nang malalim saka nag-angat ng tingin. Masama ang tingin na ibinigay ko sa kanya. Pinaglipat ko pa ang tingin ko sa damit ko at sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...