Ibinaba ko ang phone ko nang matapos ang tawag. Si Adam 'yon at may biglaang gig daw sila kaya hindi na siya makaka-punta sa dinner date namin.
It's been 3 months mula nang gabing 'yon na umalis ako ng apartment niya. Never na akong nakabalik doon. At pati si Adam, napansin kong malaki ang ipinagbago.
Naging sobrang busy siya sa mga gigs nila sa ibang probinsya kaya madalas na hindi niya ako nasisipot. Kung sakali namang makarating siya ay nagiging cold lang din ang treatment niya sa akin. Hindi na siya ang sweet na lalaking nakilala ko dati.
Kahit na siya ang nagbago ay nagi-guilty ako. Alam ko kasing ako naman ang may dahilan kung bakit siya nagkaganito... dahil nagseselos siya kay Liam na hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong tigilan.
Ilang beses na rin akong nag-effort para kay Adam. Ayoko kasing masira kami ng tuluyan. 'Pag may gig siya out of town at free naman ako ay sumasama ako. Nagiging sweet siya paminsan-minsan pero bigla na lang siyang magiging masungit ulit.
Tumayo na ako para umalis na lang sa restaurant na iyon. Wala na rin namang saysay kung magi-stay ako. Actually, si Adam naman talaga ang may gusto ng pagkain dito.
Isa rin 'yon sa minsang pinagtalunan namin. Kahit kasi hindi naman ako mapili talaga sa pagkain, may mga mas gusto pa rin naman akong kainin. At ayun nga, magkaiba kami ng taste.
Naglalakad na ako palabas nang may humarang sa akin.
"Ano, inindyan ka na naman?"
Napatingala ako sa nagsalita. Gaya ng inaasahan ko, si Liam 'yon.
Never kong sinabi kay Liam sa tuwing hindi ako sinisipot ni Adam pero lagi na lang ay nalalaman niya. Hindi ko alam sa kung paanong paraan niya nalalaman pero mas madalas sa hindi ay dumarating siya.
Hindi ko pinansin si Liam at nilagpasan lang siya.
Ramdam kong sinusundan niya ako pero hindi ko siya nililingon. Mayamaya ay bigla siyang humarang sa harap ko.
Tinignan ko lang siya. Sumenyas siya't itinuro ang restaurant na nasa tapat namin, isa 'yon sa mga restaurant na gustong-gusto kong pinupuntahan.
"Let's eat. Hindi ka naman siguro uuwi nang hindi kumakain? My treat," sabi ni Liam.
Hindi na lang ako umangal at pumasok sa loob ng restaurant.
Dahil masama ang loob ko ay nag-order ako nang marami. Di tulad 'pag si Adam ang kasama ko na hangga't maaari ay isang menu lang ang order ko, pagdating kay Liam, hangga't may gusto akong kainin ay ino-order ko.
"What about desert?" tanong ni Liam.
"Pag-iisipan ko pa kung ano," sabi ko na ikinangiti niya.
"Okay."
***
Nauwi kami sa pag-iinuman sa condo unit niya. It's the first time in months na nakabalik ako rito. Bago pa man kasi maging kami ni Adam ay iniwasan ko nang magsasama kay Liam.
As usual ay nasa sala kami at naka-upo sa sahig. Naka tingin lang kami pareho sa nakapatay na TV at tumutungga ng beer.
"Is he really that worth it?" mayamaya ay tanong ni Liam.
Hindi ko masagot ang tanong niya. Worth it nga ba?
"Why can't you just choose me, Gen?"
Matagal akong tahimik pero sumagot din ako.
"I don't want to hurt him... I love him," sabi ko.
He smirked at my remark.
"You love him? Listen to yourself, Gen. You know that's not true."
"Then what is? Bakit ba mas marunong ka pa sa nararamdaman ko? Bakit ba ayaw mo na lang tanggapin na siya talaga ang mahal ko at hindi ikaw? Hindi mo ba pwedeng tigilan na lang kami? Nahihirapan na ako dahil sa pinaggagagawa mo!"
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko matapos kong sabihin 'yon. At the same time ay nakaramdam ako ng guilt dahil naging harsh ako sa mga sinabi ko kay Liam.
Pasimpleng tinignan ko si Liam.
I felt my heart hurt even more when I saw him wiping his tears.
"Liam..."
Hindi siya nagsalita at umiwas pa ng tingin sa akin, pilit na itinatago ang mga luha niya.
"I'm sorry, I didn't mean to..."
"It's okay," sabi niya saka tumungga ulit ng alak.
Matagal ulit kaming natahimik pagkatapos noon.
Walang nagsasalita, walang may gustong magsimula.
Nang maubos ang laman ng bote na iniinom ni Liam ay bumaling siya sa akin.
"You want more?" tanong niya.
Umiling ako. Hindi ako dapat magpakalasing at magkaroon ng dahilan para mag-stay dito sa unit ni Liam.
"Don't worry, you can sleep here. I won't touch you. I don't touch other men's girl," sabi niya na tila nabasa ang iniisip ko.
"I won't sleep here, Liam. Not anymore," sabi ko.
Nagkibit siya ng balikat at pumasok sa kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang dalawang bote ng beer. Kahit na sinabi ko nang hindi na ako iinom ay inilagay niya sa harap ko ang isang bote.
"You know why I love drinking 'til I'm drunk?" sabi niya.
Tinignan ko lang siya pero hindi ako nagsalita.
Ngumiti siya nang mapait at tinitigan pa ang hawak na bote.
"'Cause it's the only way I can kiss you." Tumawa pa siya ng mahina. "Pathetic, aren't I? I drink too much just so I can dream of kissing and touching you," sabi niya. "It's the only way I can feel that you love me too."
"I don't know when it started, but I keep having these dreams whenever I'm drunk." Pagpapatuloy niya. "You're in my arms... responding to my kisses—"
"It wasn't a dream." 'Di ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.
"What was that?"
Natahimik ako sandali. Alam kong titig na titig siya sa akin.
There's no point in hiding it. I know he heard what I said. Huminga ako nang malalim at nagsalita.
"It wasn't a dream. You always kiss me whenever you're drunk," sabi ko.
Nakatitig pa rin siya sa akin, halata ang pagkagulat sa mukha niya.
"Then why are you still with him? Why did you date him in the first place?"
Hindi ako sumagot.
"If it wasn't a dream then we—" Inihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya. "We almost did it, Gen. You wouldn't let me do that if you don't have feelings for me—"
"Natukso lang siguro ako nang mga panahong 'yon, Liam." Tumayo na ako. "Please stop assuming things. At please, tigilan mo na kami ni Adam," sabi ko saka naglakad papunta sa pinto.
Pero bago ko pa mapihit ang doorknob ay nagsalita siya.
"I won't give you up. I love you too damn much to do that."
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...