Chapter Fourteen

7.9K 261 30
                                    

Gen

Alas-dos na nang hapon nang magising ako. Inumaga na rin naman kasi ako ng uwi dahil naglinis pa ako sa unit ni Liam. Naisipan ko na ring magluto para sa kanya. May grocery store na bukas ng 24 hours sa ibaba ng condo building na tinitirhan niya kaya naman hindi ako nahirapang humanap ng mailuluto. Napansin ko kasing halos tubig at alak lang ang laman ng ref niya.

Bumangon ako at nagpunta sa kusina. Late na pero nagsaing ako ng kanin para makakain. Nag-uwi ako ng caldereta na niluto ko kanina sa unit ni Liam para may pananghalian na rin ako.

Nakatitig pa ako sa rice cooker nang mag-vibrate ang phone ko.

Nakatitig pa ako sa rice cooker nang mag-vibrate ang phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo: Text message from Liam

Saturday, November 12, 2016; 2:14pm

Tara inom.]

Hindi ko napigilang matawa sa text niya na 'yon. Most of the time ang sinasabi niya "let's hang out" o 'di kaya "let's chill in a bar" pero never ko siyang naringgan na sabihing "tara inom".

Wala ako sa mood na lumabas pero ayoko namang hayaan na lang siya mag-isa seeing how he was the night before. Kinuha ko ang phone at nag-reply.

[In the photo: Text message from Liam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo: Text message from Liam

Saturday, November 12, 2016

Liam <2:14pm>: Tara Inom.

Gen <2:16pm>: Okay. Pero jan na lang tayo sa unit mo. Wala ako sa mood mag-bar. I'll buy us dinner. Be right there by 7pm.

Liam <2:16pm>: Okay. I'll buy us drinks then.

Nai-text ko si Mica para sumama siya pagkatapos kong itanong kay Liam kung okay lang at um-oo naman siya. Ang kaso, may flight si Mica papunta sa Canada ng gabi para puntahan ang ate niya.
~*~

Bago pa mag alas-syete ay nasa harap na ako ng condo building na tinitirhan ni Liam. Nagdala ako ng roasted chicken para makain namin.

Pinapasok rin naman agad ako ng guard at hindi na tinanong. Malamang ay naalala ako kaninang umaga na naghatid kay Liam. Nagpabalik-balik din ako dahil nagpunta ako sa grocery store ng dalawang beses.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon