Chapter Fifty-four

9.2K 279 69
                                    

"Are you okay?" sabi ni Adam.

Napatayo agad ako nang marinig ang boses niya kahit na mahina lang 'yon.

Inayos ko ang sarili ko at pinulot ang payong na nalaglag. Pati ang kaharap ko ay ibinalik din sa ulunan niya ang sariling payong. Mabuti na lang at hindi pa malakas ang ulan at hindi kami nabasang masyado.

Iniangat ko ulit ang kamay kong may hawak na cellphone sa tapat ng tenga ko.

"Yeah, I'm fine. Uhm, I have to go, Adam. I'll talk to you later."

Narinig ko pa ang pagsang-ayon niya bago ko ibinaba ang tawag.

Nang mag-angat ako ng tingin ay madilim na mukha ni Liam ang sumalubong sa akin.

"You're talking to that guy again?" aniya.

I rolled my eyes at him.

"None of your business," sabi ko saka tumalikod.

Naglakad na ako palayo sa kanya pero ramdam kong kasunod ko siya.

"What about three-month rule?" narining kong sabi niya mula sa likod ko.

Hindi ako lumingon pero sumagot.

"Doesn't exist," sabi ko.

Malayo-layo na rin ang nalakad namin nang bigla akong humarap sa kanya na ikinatigil niya rin. Nakatingin lang siya sa akin, kunot ang noo.

"Will you please leave me alone?" pabalang na sabi ko.

Nakatitig siya sa akin nang ilang sandali bago nagsalita.

"I tried," sabi niya.

Ibinaba niya ang tingin sa semento bago nagpatuloy.

"Sinubukan ko namang pagbigyan ang gusto mo. Pero hindi ko kaya."

I looked at him intently. Hindi ko maiwasang malungkot sa hitsura niya. Hindi ko 'yon napansin kanina pero ngayon, pansin ko na kung paanong kita na ang papatubong bigote at balbas niya. Mukhang hindi na niya naaayos ang sarili niya.

"Don't ruin your life for someone like me, Liam. Ayusin mo naman ang sarili mo, please?" hindi ko napigilang sabihin.

Doon siya nag-angat ng tingin.

"Then come back to me," sabi niya.

Umiling ako.

"You know I can't do that," sabi ko saka tumalikod at mabilis na naglakad palayo.

***

"Did you tell him where I am?"

Tahimik lang si Mica mula sa kabilang linya, halatang guilty sa ginawa niya.

"Mica, I know you mean well, pero hindi na talaga kami babalik sa dati. Don't give him false hope," sabi ko.

Nagulat ako nang lumingon ako sa kanan at naroon si Liam.

"Sorry na, bruh. Pero sana pag-isipan mo pang mabuti 'yan. You're both my friends, kaya ayokong nakikita kayong pareho na nasasaktan," sabi ni Mica.

Napahinga na lang ako nang malalim.

"Okay, fine. I have to go. I'll just meet you when I get back."

Ibinaba ko ang tawag at tahimik na tinignan lang si Liam. Nakatayo siya paharap sa akin pero hindi niya ako tinitignan. Nakasimangot lang siya roon at nakatitig sa sahig.

Nasa ganoong ayos kami nang mag-ring ang phone ko.

Si Adam 'yon. Nai-save ko ulit ang number niya kanina pagkatapos niyang tumawag.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon