Gen
Mahigit isang buwan na rin simula nang makilala ko si Adam at wala akong maipintas sa kanya. Hindi man siya perpekto pero masasabi mong good catch talaga siya. Kaya naman hindi ako nakakatanggi sa tuwing yayayain niya akong lumabas.
Narito ako ngayon sa isang restaurant sa Makati para kitain siya. Medyo napa-aga ako kaya naman naupo na ako sa pandalawahang mesa.
"Wife! What are you doing here?"
Nagulat ako nang makita si Liam. Naupo pa siya sa upuan sa harap ko.
"I have a date," simpleng sabi ko.
Parang nakita ko pang may nag-iba sa mga mata niya pero sandali lang 'yon. Ngumiti agad siya at tumayo na.
"Ganun ba? I should leave you. Hindi magandang makita ka ng ka-date mo na may kausap na kasing gwapo ko," sabi niya saka pa tumawa.
I rolled my eyes on him.
"Iba talaga," sabi ko.
Hindi na siya nagsalita at tumalikod na. Saktong pagkalabas ni Liam ng pinto ng restaurant ay siyang pagdating naman ni Adam.
"Sorry, naghintay ka ba ng matagal?" tanong niya.
Umiling agad ako.
"Hindi naman. Napa-aga lang ako." Tumingin pa ako sa wrist watch na suot ko. "Maaga ka pa nga sa usapan natin," sabi ko.
Ngumiti siya at naupo na sa upuan kaharap ko.
Hindi ko mapigilang mapansin na napapatingin sa kanya ang mga babae sa restaurant. Sino naman kasing hindi? Gwapo naman kasi si Adam.
Actually, half-Israeli siya. Ang mother niya ang taga-Israel at pinoy naman ang father niya.
"Gusto mo pa bang kumain?" tanong ni Adam.
Umiling ako. Hindi kasi ako komportableng kumain ng marami sa harap niya. Kaya naman hangga't maaari ay konti lang ang kinakain ko. Sinisiguro ko lang na ubos ko ang laman ng pinggan ko.
"Busog na ako," sabi ko pero sa totoo lang, gusto ko pang kumain.
Ngiti na lang ang isinagot niya sa akin.
Isa lang sa ayaw ko sa kanya ay ako lagi ang nagsisimula ng usapan. Hindi siya madalas magsimula ng conversation pero 'pag nagsimula naman ako ay nagku-kwento siya.
Nang matapos kaming kumain ay nagyayang manood ng sine si Adam.
***
"Happy birthday!" sabay na sabi namin ni Mica kay Liam.
Narito kami sa restaurant ni Liam para i-celebrate ang birthday niya. Kung tutuusin, ako lang talaga ang niyaya niya. Pero sinabihan ko si Mica na niyayaya kaming dalawa ni Liam kaya sumama si Mica.
Two weeks ko ring hindi nakita si Liam. Ang huli pa ay noong nakita ko siya bago dumating si Adam para sa date namin. Ni hindi siya nagte-text o tumatawag. Kanina ang pinakaunang beses na nag-text siya sa akin magmula noon.
"Thanks, girls!" sabi ni Liam.
Hinipan niya ang kandila sa cake na pina-bake namin sa pâtissier niya kanina.
"Naku, tumatanda ka na, Liam. Magtino ka na!" sabi ni Mica.
Tumawa si Liam. "Matino na ako, hindi niyo lang kasi pinapansin," sabi niya.
"Sus, 'wag kami, Liam!" sabi ko.
Ngumiti lang si Liam at tumitig sa cake.
"I can't force you to believe me. But I really am a changed man now," sabi niya at tumawa pa nang malakas.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...