"Gen! Pwede ba tayong mag-usap?" narinig kong sabi ni Adam mula sa likod ko.
Kalalabas lang namin ng police station matapos kaming damputin ng mga pulis dahil sa kaguluhan kanina. Ginamot muna ang mga sugat ni Adam bago kami kinausap. Hindi rin naman kami nagtagal sa station dahil nagsabi naman si Adam na hindi siya magsasampa ng reklamo.
May nasirang mesa sa bar pero binayaran din naman 'yon ni Liam kaya hindi na rin nagsampa ng reklamo ang may-ari ng bar.
"Gen..." Pinigilan ako ni Adam sa braso.
"No, you're not."
Hinawakan naman ni Liam ang braso ni Adam. Nagsukatan sila ng tingin at mukhang magkaka-initan na naman.
"It's fine. Mag-usap tayo," sabi ko. Maang na napatingin sa akin si Liam. Mayamaya ay tumungo na lang siya at bumitaw sa braso ni Adam. "Let's go," sabi ko kay Adam.
Pumayag akong makipag-usap kay Adam para matapos na lang din nang maayos ang lahat. Mas okay nang maghiwalay kami nang maayos kaysa naman ganito na may galit kami sa isa't-isa.
Sa isang coffee shop na malapit sa police station kami napadpad.
Matagal na magkaharap lang kami habang nakatitig sa kanya-kanyang kape. Si Liam, nasa kabilang sulok ng coffee shop at nakamasid lang sa amin.
"Tungkol sa sinabi ko kanina—"
"Na boring ako? Na pinagtiyagaan mo lang ako?" putol ko sa sinasabi niya.
Tumungo agad siya sa sinabi ko.
Tinignan ko ang kamay kong ipinanghampas ko sa kanya ng bote.
"Ngayon ako nagpapasalamat na wala si Mica sa tabi ko kanina. Dahil panigurado, hindi ko maihahampas sa'yo ang boteng 'yon dahil mapipigilan niya ako."
Lagi na lang kasi sa tuwing mag-iinit ng sobra ang ulo ko ay nakakalma ako ni Mica. Siya lang ang nakakagawa noon dahil alam niya kung kailan ako biglang sasabog. Ilang beses ko rin naman kasi siyang nasabunutan at nasampal noong hindi pa kami magkaibigan.
"Saka kung magpapakasasa ka na rin pala sa ibang babae, sana hiniwalayan mo na agad ako. Hindi naman kita pipigilan!" sabi ko pa.
Tinitigan ko siya pero hindi siya makatingin sa akin.
Somehow, gumagaan ang loob ko habang sinasabi ko ang mga 'yon sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano karaming beses akong nag-effort para lang maayos ang kung ano mang meron tayo? Tapos ganito? Pinagtitiyagaan? Huh? Gago ka pala e!"
Doon na siya tumingin sa akin sa malungkot na mga mata.
"I'm really sorry. I loved you. Alam mo naman 'yon 'di ba?" sabi niya. Umiwas siya ng tingin at tumitig sa labas ng coffee shop. "It's just that, I felt like I'm the only one in love."
Hindi ako sumagot at hinintay lang ang mga sasabihin niya.
"Noong una, ang saya ko pa dahil sinagot mo ako, dahil naging akin ka. Pero pagtagal, naramdaman kong parang hindi ka naman talaga akin... na may iba naman talagang laman ang puso mo." Pasimpleng lumingon siya sa kinaroonan ni Liam. "Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na ako ang mahal mo, nakikita ko pa rin sa mga mata mo na siya naman talaga e. Na siya ang itinitibok ng puso mo," sabi niya.
"I tried to break up with you pero hindi ko kaya. Sa tuwing gugustuhin kong iwan ka, mas ako ang nasasaktan. Kaya ginagawa ko ang lahat para ikaw na lang ang bumitaw. Para ikaw na lang ang sumuko at iwan ako."
Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. All these time na gusto kong ayusin ang relasyon namin, gusto niya naman na bumitaw ako.
"Kanina, I didn't mean to say those words. Hindi ko alam na nandoon ka. Nagalit lang ako dahil sa lalaking 'yon."
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...