Sakay ng taxi ay nagpunta pa rin ako sa isang restaurant kung saan ko sana balak na salubungin namin ni Adam ang monthsary namin. Nasa katabing bayan lang 'yon kaya naman mahigit 30 minutes lang ay naroon na ako.
Nakatitig lang ako sa city lights habang nasa isang kubo sa taas ng puno. Nakaupo ako sa kabilang bahagi at nakababa ang mga paa ko.
Isa itong restaurant na may mga kubo sa itaas ng puno at kita roon ang city lights.
May snacks na inilagay na ang waiter nang dumating ako pero hindi ko ginagalaw ang mga 'yon.
Hindi ko mapigilang maisip ang inaasal ni Adam. Kung tutuusin, mas lumala pa siya.
Three weeks ago, nag-walk out ako nang nagtalo kami. Nasa Batangas kami noon dahil may gig sila. Nagyaya noon sina Mica at Liam pero hindi ako sumama dahil gusto ko sanang makabawi kay Adam. Pero ayun, nagtalo lang kami at umuwi akong mag-isa. Sa totoo lang, ni hindi ko nga matandaan kung anong pinagtalunan namin.
Mas dumadalas na ang pagtatalo namin. Kahit sobrang liit na bagay ikinagagalit na niya. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa amin. Kaya gusto ko sanang samantalahin ang pagkakataong 'to para maayos kung ano mang problema namin.
Napalingon ako nang may umakyat sa kubong kinaroroonan ko. Hindi na ako nagtaka nang makitang si Liam 'yon. He's always there whenever Adam bail out on me.
Hindi ko siya kinausap ng ilang minuto. Hinayaan ko lang na nasa tabi ko siya habang nakatingin din sa mga ilaw. Mayamaya ay binasag ko na rin ang katahimikan.
"How did you find me?" tanong ko.
Hindi siya sumagot agad. Tumingin siya as akin saka ngumiti.
"I followed you," simpleng sagot niya.
Itinaas ko ang mga paa ko at nag Indian sit paharap sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya. Nakangiti siya pero kita kong malungkot ang mga mata niya.
"How come you're always there whenever Adam can't come?" tanong ko.
Sa tuwing hindi kasi ako sinisipot ni Adam, lagi na lang na nandun siya. Hindi ko 'yon pinapansin dati pero ngayon ay hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin, malungkot pa rin ang mga mata pero ngumiti siya.
"You only go to 3 restaurants. You're not that hard to find." Huminga siya nang malalim. "I don't understand why you're letting him decide where you'll eat. Hindi ka mapili sa pagkain, pero alam kong kung papipiliin ka ng kakainan, hindi mo pipiliin ni isa sa mga restaurant na 'yon," sabi niya.
Ngumiti ako nang mapait. He's right. Thinking about it, I've always been the submissive girlfriend. Kung anong gusto ni Adam, oo lang ako. I never gave my opinion... Well, even if I had, masusunod pa rin naman ang gusto niya.
Unlike with Liam, it was always me. Kung anong gusto ko, oo lang siya.
"Do you love me?" tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang 'yon itinanong sa kanya pero sa mga oras na 'to, parang gusto ko 'yong marinig.
Halatang nagulat siya sa tanong ko. Ngumiti siya bigla, this time, iba na ang ngiti niya. Nakikita ko nang tunay 'yon.
Tumango siya. "I told you more than a hundred times... I love you. I love you so much," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Inirapan ko siya bigla saka ako bumalik sa pwesto ko kanina patagilid sa kanya.
"Yeah, you told me more than a hundred times." Tumigil ako sa pagsasalita sandali saka nagpatuloy. "You tell me you love me then hug and kiss other girls." Mahinang tumawa ako pagkasabi ko noon.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...