Chapter Fifty-seven

10.4K 244 12
                                    

"Kinakabahan ako," sabi ko habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ng parents ni Liam.

Lumingon si Liam at sandaling pinisil ang kamay ko.

"Everything will be fine," sabi niya.

Tumango ako at huminga nang malalim.

Kahit na maraming beses na akong nakarating sa bahay nila, at kahit na nakausap ko na ang mama ni Liam noong isang linggo ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi naman kasi simpleng bagay lang ang naging issue sa pagitan namin. Natatakot akong maging awkward na ang pakikitungo namin sa isa't-isa, hindi tulad noon na parang mag-ina ang turingan namin.

Ilang sandali lang din ay nakarating na kami roon.

Kabado pa ring nag-alangan akong bumaba. Pinag-buksan pa ako ni Liam ng pinto ng passenger's seat dahil hindi ako kumikilos. Tinignan ko siya at ngumuso ako para ipakitang kabado pa rin ako.

Tumawa naman siya at humalik sa mga labi ko.

"Come on, don't think too much," sabi niya.

Bumuga na lang ako ng hangin at inabot ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

Nang makababa ay nagulat ako nang hawakan ni Liam ang mga kamay ko at bigla na lang hinalikan ang mga labi ko.

Nakangiting hinaplos niya ang mga labi ko pagkatapos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakangiting hinaplos niya ang mga labi ko pagkatapos.

"Are you okay now?" tanong niya.

Dahan-dahang tumango lang ako.

Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Liam habang papasok kami sa loob.

Napigil ko ang hininga ko nang makita ang mama ni Liam. Pero nakahinga rin naman agad ako nang maluwag nang nakangiting lumapit siya at niyakap ako.

"I've been waiting for you," sabi niya.

Hindi ako makasagot at alangang ngumiti lang.

"Come, ipinagluto kita ng mga paborito mo," excited na sabi ng ginang habang hawak ang kamay ko.

She's back to the woman I've known. Kita sa mga mata niyang masaya talaga siyang makita ako.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit anong pigil ko ay tuloy-tuloy lang 'yong tumulo. Tumungo na lang ako dahil ayoko sana 'yong ipahalata pero napatingin siya sa akin at nakita niya ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

"Hija? What's wrong?"

Humarap siya sa akin at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat, may panic sa boses.

Pati si Liam at ang papa niya na nasa likod namin ay mabilis na lumapit sa amin.

"Sorry po," bulong ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko pero may panibagong luha lang din na bumabagsak mula sa mga mata ko.

"Wife..." narinig kong sabi ni Liam mula sa gilid ko.

"Masaya lang po ako. Hindi po kasi pumasok sa isip ko kahit minsan na pwede pa tayong bumalik sa ganito. Gaya po ng sabi ko sa inyo, itinuturing ko na rin po kasi kayong nanay ko. I thought I already lost two mothers, pero nandito po kayo ngayon at tinatanggap uli ako ng buong-buo despite sa lahat ng nalaman niyo," sabi ko.

Nakakaunawa namang hinaplos ng ginang ang buhok ko.

"It wasn't your fault, anak. It never was. Issue namin 'yon at hindi ko dapat ibinaling sa'yo. I'm sorry, hija."

Yumakap siya as akin na lalo ko namang ikina-iyak.

Tawa ni Liam ang kasunod na narinig ko.

Kinuha niya ako mula sa pagkakayakap ng mama niya at siya naman ang yumakap nang mahigpit.

"Napaka-iyakin naman ng mahal ko," natatawa pa ring sabi niya bago humalik sa buhok ko.

***

"Can you put this on the table, anak?" sabi ng mama ni Liam at iniabot sa akin ang roasted turkey na niluto nito.

"Sure, 'ma," sabi ko at kinuha 'yon.

Dinala ko sa dining ang turkey at inilapag sa pinakagitna ng mesa. Napapalibutan 'yon ng marami pang pagkain na handa namin.

Narito ako ngayon sa bahay ng parents ni Liam para salubungin ang bagong taon kasama nila.

Noong Christmas ay gusto rin sana ng family niya na kasama ako, ang kaso, nagsabi rin ang papa ko na pumunta ako sa kanila. Gusto ko rin sanang mapagbigyan si papa dahil minsan ko lang naman siya makasama kaya naman doon ako sa kanila nag-celebrate.

Kahit na medyo awkward pa rin ay naging okay naman lalo pa't naging close kami ng sister ko kahit paano. Pareho kasi kami ng gustong mga palabas kaya nagkasundo kami. Sabay pa kaming nanood noon ng isang variety show.

So far ay maayos naman kami ni Liam. Ilang linggo pa lang naman mula noong magkabalikan kami pero pakiramdam ko ay ang tagal na. Araw-araw naman kasi kaming magkasama.

Madalas niya akong sunduin as opisina. Kapag may appointment lang siya saka hindi niya ako masundo pero sinisiguro niyang pupuntahan niya pa rin ako sa apartment pag free na siya. Minsan naman, ako ang pumupunta sa unit niya at hinihintay siya roon, o kaya naman ay sa restaurant niya kami nagkikita.

"Tired?" napalingon ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Liam. Umakbay pa siya at humalik sa sintido ko.

"Not really," nakangiting sabi ko.

"Malapit nang mag-count down," sabi niya at nag-gesture na pumunta na kami sa garden para manood ng fireworks.

Lumingon ako sa kitchen. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya para sana puntahan si mama.

"Tawagin ko lang si Mama," sabi ko pero hindi niya ako pinakawalan at umakbay ulit.

"'Ma! It's almost time! Come to the garden!" pasigaw na sabi niya habang nakatingin sa bandang kitchen.

"Alright!" ganting sigaw ng mama niya.

"See? It's that simple," sabi niya na ikina-iling ko na lang.

Nagpahila na lang ako sa kanya papunta ng garden.

Nakahanda na ang mga sisindihang fireworks sa kabilang dulo ng garden. Nakahanda na rin ang driver ng mama ni Liam na sindihan ang mga 'yon.

Ang papa ni Liam, nasa gilid katabi ni Austin. Lumapit naman kami sa kanila

"Ayan, malapit na!" pasigaw na sabi ni Austin.

Nakita ko namang nagmamadaling lumabas ang mama ni Liam, at mabilis na kumapit sa asawa kapagkuwan.

Ilang segundo lang ay nagsimula ang countdown.

"10, 9, 8..."

Sabay-sabay silang nagbibilang. Ako naman ay nakangiti lang ay nakayakap sa beywang ni Liam.

"One! Happy New Year!" nakisabay na rin ako sa pagsigaw nila.

Kasabay din noon ay ang pagsindi ng fireworks. Sabay-sabay naming pinanood ang mga 'yun habang makulay na sumasabog sa kalangitan.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang maramdaman kong nakatitig sa akin si Liam.

Inilipat ko naman agad ang tingin ko sa kanya dahil doon.

"Hmn?" tanong ko.

Umiling siya at ngumiti.

"I love you, wife" he mouthed.

Mahinang tumawa naman ako, pagkatapos ay humalik sa mga labi niya.

"I love you, too, husband."

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon