Chapter Four

10.6K 319 7
                                    

Liam

"Ang ganda naman po ng skin niyo," I heard Gen said to one of my guests. Isinama ko siya sa paglilibot sa restaurant para asikasuhin ang mga bisita ko.

I looked at them and noticed that the older woman is now smiling from ear to ear. I remember seeing her so pissed earlier for a reason I'm not aware of. But I can assume that she's getting bored as her husband, Mr. Morillo, keeps on ignoring her.

Kumapit si Gen sa braso ko matapos niyang kausapin ang ginang.

"You have such a sweet girl, Liam," sabi ng ginang.

"Of course. She's the best," nakangiting sabi ko pa.

I never introduced Gen as my girlfriend, but I guess they all just assumed the same. Hindi na namin itinama. Gen didn't mind anyway.

"You're doing great, girlfriend," biro ko nang makapag-solo kaming dalawa.

Tinignan niya ako nang masama sandali bago ngumiti rin naman. "Girlfriend number 200?" aniya, halatang nagbibiro.

Ginantihan ko rin siya ng biro. "I'm not sure. I haven't been counting," sabi ko na ikina-singkit ng mata niya.

"Yeah, of course. Kung sabay-sabay ba naman e, ba't ka pa magbibilang?"

Honestly, I kinda got hurt by her words. I don't know what Mica told her, but I'm not that kind of guy. Well, yes, I did once. Pero noon lang 'yun. I never did it again. I may have dated countless women, but I made sure I didn't date them at the same time.

"It only happened once, Gen. That was a mistake. I'm just... forget it. It doesn't matter."


Gen

Hindi ko alam kung anong meron sa mga salita niya pero somehow, I believed him. Well, like he said, it doesn't matter. It's not like I would date him or something.

"Oo nga pala, paano ka natutong magluto?" tanong ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni Mica na recipe ni Liam ang kinain namin kanina.

"What are you talking about? I don't know how to cook," aniya, takang-taka sa sinabi ko.

Sandaling nakatingin lang siya sa akin, tila iniisip pa rin kung anong sinasabi ko nang pumitik siya bigla sa hangin.

"Ahh! Mica!" Tumawa siya sandali at tumingin sa malayo. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Well, you see, I just told her it's my recipe," aniya saka nagkibit.

"Why?"

"That dish was my idea."

"Technically, still not your recipe."

"Yeah, whatever."

Kinuha niya ang wine na nasa mesa at uminom doon.

Tinitigan ko siya sandali at nagkibit na lang. It doesn't concern me anyway.

Ilang sandali rin na tahimik lang kaming dalawa hanggang sa biglang magsalita siya.

"How long have you been friends with Mica?" tanong niya.

"Since our last year in college. Maybe 3? 4 years?" sagot ko. "We weren't really close at first. Madalas kaming mag-away. And I mean "away". Like—" Nag-gesture ako na nananabunot na ikinatawa niya.

"Really? How come you became friends?"

"Honestly, I don't know. Grabe kami nung college. Kada magkakasalubong kami akala mo magkakaroon ng sabong! Tapos inis na inis pa ako kasi inaagaw niya 'yung mga kaibigan ko. Mas nasa kanya na ang atensyon," pagpapatuloy ko sa pagku-kwento. "At isa pa!" Itinaas ko pa ang hintuturo ko. "Inagaw niya 'yung childhood crush ko! Nako! Ang sarap talagang tirisin ng babaeng 'yun!" sabi ko pa.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon