Chapter Five

10.1K 283 36
                                    

Gen

Kumikirot ang ulo ko nang magising ako dahil sa pag-vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko ang oras doon at napagtantong malapit nang mag-tanghali.

Binuksan ko ang message na dumating at binasa.

[In the photo: Text message from unregistered number

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo: Text message from unregistered number

UN <10:23am>: Hey Gen, it's Liam! You left your wallet in the grab car last night, I'll bring it to you around 4pm.]


Kinuha ko ang bag ko na ibinaba ko lang sa sahig katabi ng kama ko para i-check ang wallet ko. Wala nga roon 'yon. Nag-reply agad ako kapagkuwan.

[In the photo:  Reply to text message by Gen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo:  Reply to text message by Gen

Gen <10:24am>:  Oh, okay. Thank you!]


Inalala ko ang nangyari ng nagdaang gabi. Naiwan ko siguro 'yung wallet ko noong nag-pilit ako na makihati sa bayad namin sa sasakyan. In the end, si Liam pa rin naman ang sumagot.

Ibinaba ko ang phone ko pagkatapos mag-reply. I assumed na kay Mica niya nakuha ang number ko.

Bumangon ako para mag-almusal. At dahil wala ako sa mood na magluto pa ng kung ano dahil kumikirot ang ulo ko ay nag-init na lang ako ng tubig at kinuha ang instant noodles na nasa kitchen kabinet.

Normal na kain ko na ang ganito. Madalas na tinatamad na akong magluto dahil mag-isa lang naman ako. Kaya naman maraming stock ng instant na pagkain sa kitchen kabinet ko. Isa rin 'yun sa dahilan kaya naman natuwa talaga ako sa offer ni Liam na bibigyan niya ako ng free meal every week. Sino ba naman ang tatanggi 'di ba?

Speaking of which, nabanggit niya rin na isasama niya ako next time 'pag may tasting ng bagong recipe sa mga restaurant nila. Natuwa 'ata sa pag-rate ko sa mga pagkain na inihain nila kagabi.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa kwarto nang may maalala. Hindi ko pa nga pala nai-save ang number ni Liam.

Natawa na naman ako sa laki ng kaibahan ng pangalan niya sa palayaw. I thought he'll be William or something. Noong tinanong ko naman siya kagabi, sabi niya lang na I should research it myself. Well, I'm curious so I'll do it now.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon