Masayang nakatitig lang ako sa view habang narito kami sa hotel restaurant, overlooking sa Eiffel Tower.
Nabanggit ko kay Liam na gusto kong makarating dito lalo pa't sa harap ng replica nito ko naramdaman uli kung gaano siya itinitibok ng puso ko. Hindi ko inakalang nag-book na pala agad siya ng flight namin papunta rito sa Paris at inasikaso ang lahat.
It's January 14, 2020, my 27th birthday, at narito ako sa pinaka-romantic place sa mundo kasama ang lalaking mahal ko. I can't be any happier.
"Are you happy?" narinig kong tanong ni Liam na tila nabasa ang iniisip ko.
Hindi tumitingin sa kanya na tumango ako habang malapad na nakangiti. Hindi ko maalis ang tingin ko sa ganda ng view.
"Magse-selos na ako niyan. Mas gusto mo pa 'ata 'yong view kaysa sa'kin," aniya na hinaluan pa ng pagtatampo ang boses.
Natatawa namang nilingon ko siya.
"You got it right, though," biro ko na ikinanguso niya. "Just joking, your face is till the best," sabi ko sabay tawa na ikinangiwi niya naman.
"But seriously, thank you for bringing me here, Liam," sabi ko.
Ngumiti siya at itinaas ang glass ng wine niya at nag-gesture na kunin ko rin ang wine glass ko. Itinaas ko rin naman ang sa'kin para makipag-toast sa kanya.
"Anything for the most precious woman in the world," aniya.
***
Desert na ang nakahain sa harap namin. Masaya akong kinakain 'yon nang magulat na lang sa biglang pagluhod ni Liam sa harap ko.
Pakiramdam ko ay tumigil bigla ang mundo dahil alam ko na kung anong ginagawa niya. Pati ibang kumakain sa restaurant ay napatigil sa mga ginagawa nila at tahimik na nanood sa ginagawa ni Liam.
Inilabas niya ang kahita at iniharap sa akin ang isang singsing.
Tahimik lang na nakatitig ako sa kanya, hindi maka-react. Hindi ko akalain na gagawin niya ito ngayon.
"Gen, I know you might think that this is too soon if we think about being in a relationship, but we've known each other for years. I even think you know me better than I do know myself," aniya sabay tawa ng pagak. "I can't think of my future without you. So please, will you spend your life with me?" tanong niya.
Nakatulala pa rin ako sa kanya at hindi pa rin makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Ramdam ko kung paanong pigil niya ang hininga niya, ganoon din ang mga tao sa paligid.
Huminga ako nang malalim bago sumagot.
"No," sabi ko.
Kung tahimik kanina ay parang lalo pang tumahimik ang paligid. Kita sa mukha ni Liam na hindi siya makapaniwala sa isinagot ko.
Bumaba ang tingin niya at hindi pa rin gumagalaw sa pagkakaluhod niya nang ipinagpatuloy ko ang sinasabi kanina.
"No... No one can stop me from spending my whole life with you, Liam," sabi ko sabay ngiti.
Mukhang hindi naman agad nag-sink in sa kanya ang huling sinabi ko at tulala pa rin siya.
Narinig ko ang palakpakan ng mga nasa paligid namin.
"Liam?" sabi ko at pumitik pa sa harap niya.
Natauhan naman agad siya at pabirong humawak sa tapat ng puso niya at kunwaring sumakit ang puso niya dahil sa unang sagot ko. Nahiga pa siya sa sahig, kapit pa rin ang dibdib niya habang pabirong nagme-make face pang akala mo nasasaktan.
Tawanan ng mga tao ang sunod na umalingawngaw dahil doon.
Natatawa na ring tumayo ako at inilahad ang mga kamay ko sa harap ni Liam. Mabilis namang tumayo siya at yumakap sa akin. Pagkatapos ay isinuot sa daliri ko ang singsing, katabi ng couple rin namin.
"Thank you, Gen," bulong niya bago humalik sa noo ko.
"No, Liam. Thank you."
Malakas na palakpakan muli ang sumunod nang maglapat ang mga labi namin. Hindi ko na pinansin kung maraming nanonood sa amin at yumakap na lang sa leeg ni Liam.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit niya ang mga noo namin.
"I love you," sabay na bulong naming dalawa.
The End.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...