Nasa kalagitnaan ako ng meeting nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Dahil hindi naman ako ang nagpe-present at medyo nasa sulok ako naka-pwesto, pasimpleng sinilip ko 'yun sa ilalim ng mesa.
[In the photo: Text message from Liam
<Friday, October 28, 2016; 2:08pm>
Free dinner tonight @ Tagaytay branch. I'll pick you up after working hours. Call?]
Napangiti ako sa text na 'yun at walang anu-anong nag-reply ako ng "okay".
These past few months ay naging mas close kami ni Liam. Kung tutuusin nga ay mas nakakasama ko na siya kesa kay Mica. We hang-out almost every week, with or without Mica. It's like if one of us wanna hang-out, we contact each other first before anyone else.
Sa tuwing magkikita kami ni Liam ay lagi akong may nakikitang bago sa pagkatao niya. He might be playful, but he can be very sincere if he chose to. I've been seeing more and more good things about him and I know... I'm in trouble.
Ilang linggo ko ring dine-deny sa sarili ko na nagugustuhan ko na nga si Liam pero nitong nakaraang pagkikita namin, na-realize ko ang lahat. Hindi na ako nakikipag-kita lang sa kanya dahil ko gusto kong mag-hang-out. Nakikipagkita ako sa kanya, dahil sa gusto ko siyang makita at makasama.
I realized it when I saw how he took extra care of Mica. I know I shouldn't get hurt but I did. Ni hindi ko inakalang makakaramdam ako ng selos habang sobra ang pag-aasikaso niya sa kaibigan ko.
Hindi ko na sana balak na makipagkita pa sa kanya pero parang nakasanayan ko na na lagi siyang nakakasama. Kaya naman susugal na lang akong makita siya at pakitunguhan ang nararamdaman ko. Maybe it's just a simple crush. Eventually, mawawala rin naman siguro ito.
~*~
Saktong alas-singko ay nasa tapat ng building na pinagta-trabahuhan namin si Liam at hinihintay ako. Inasar pa ako ni Kim nang makita niyang naghihintay ito sa akin na ikinapula ko naman.
"Sus, in-love ka d'yan 'no? Halata sa mukha mo e!" pabulong na sabi niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "'Wag ka ngang maingay! Marinig ka! Saka hindi 'no! Kaibigan ko lang talaga 'yan," sabi ko.
Nakakaloko pang tinignan niya ako at halata namang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
Gaanoon ba ako kahalata? Napapansin din kaya ni Liam?
Medyo kabadong lumapit ako sa kotse ni Liam. Nang mapansin niyang naroon na ako ay ngumiti siya at pinasakay na ako.
~*~
"Anong meron sa Tagaytay?" tanong ko habang nasa biyahe kami.
"May bagong recipe ang head chef ko dun. Gusto ko sanang ipatikim muna sa'yo bago namin ilabas. Ngayon ko lang din magtitikman 'yun actually," aniya.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...