"Kayo, kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Mica habang nakatingin sa wedding invitation nila ni Xander.
Next month na ang kasal nila at kasalukuyan siyang nag-aasikaso. Sinamahan ko lang siya kanina para kunin ang invitations dahil busy ang mapapangasawa niya sa problema sa opisina.
Nandito kami ngayon sa Lovie Patty para mag-meryenda dahil malapit ito sa printing na pinagkuhanan niya ng invitations.
"Kakaumpisa pa lang ng relasyon namin, bruh," sabi ko. "Wala pa sa isip namin 'yang kasal-kasal na 'yan."
Mahinang tumawa si Mica saka tumingin sa akin.
"Ilang buwan pa lang na official kayo pero as far as I know, ilang taon na rin 'yang feelings niyo sa isa't-isa 'no. Saka, hello? You've been calling each other 'husband' and 'wife' for years and for sure, alam niyo ang lahat tungkol sa isa't-isa. Mas close ka pa nga sa kanya kaysa sa'kin kahit noong hindi pa kayo."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya bahagyang tumungo ako para hindi niya 'yon mapansin.
"Naku, brace yourself, bruh. Sobrang stressful mag-asikaso ng wedding. Grabe! Mas madali 'pang makipag-deal sa investors kesa maghanap ng mga kakailanganin sa wedding preparations e," sabi niya.
Naalala kong sinabi ko sa kanya before na mag-hire na lang ng wedding coordinator pero sabi niya naman, mas gusto niyang siya ang mag-asikaso ng sarili niyang kasal. Tapos ngayon nagrereklamo. 'Tong babaeng 'to talaga.
Natatawang umiling ako at sumenyas pa sa kanyang hindi mangyayari sa akin ang stress na sinasabi niya.
"Sabi ng Mama ni Liam, siya ang bahalang mag-asikaso ng lahat. Ako, maghihintay na lang ng wedding date," sabi ko.
"Eh akala ko ba wala pa kayong balak ni Liam?"
"Yeah, wala pa nga. Pero hindi ko sinabing wala pang balak ang parents niya," sabi ko sabay tawa. "Mukhang mas excited pa sa amin e. Imagine, kaka-umpisa pa lang ng relationship namin, kasal na agad ang pinag-uusapan. Ito namang si Liam, hindi pinipigilan ang magulang niya at mukhang tuwang-tuwa pa. But you know what? I'm so happy they treat me like their own child."
"Glad to hear that. Buti na lang hindi ka sinukuan niyang si Liam noong naging kayo noon ni Adam. Pero alam mo ba, before that, ilang beses ko ring pinagsabihan 'yang si Liam not to lead you on kung wala naman siyang balak na seryosohin ka?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Well, I know she did talk to Liam a few times.
"But then eventually, I saw that he's actually the one that's more into you." Tumawa siya sandali saka nagpatuloy. "I've never seen him look at a girl with those eyes. I felt so bad for him noong sinabi mong kayo na ni Adam. If you just saw his reaction that night, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa."
I remember that night, I didn't really pay attention to Liam para hindi mabaling na naman ang pansin ko sa kanya. I was really trying to make my relationship with Adam work.
"Well, I must say I am lucky to have him. And despite sa mga nalaman niya latelty, nanjan pa rin siya. He never changed. Alam mo? Minsan iniisip ko kung deserve ko ba talaga siya," sabi ko saka pagak na tumawa.
Pinaningkitan ako ng mata ni Mica dahil sa sinabi ko.
"Ayan ka na naman sa ganyang pag-iisip mo ha. Magtigil ka, babatukan kita!"
Tawa lang ang isinagot ko sa sinabi niya.
"There's no such thing as deserving someone. What matters is that you love each other, and you're happy."
Tumango ako at ngumiti sa sinabi niya.
Sabay pa kaming napatingala nang may magdala ng pagkain namin.
"Here's your food, pretty ladies!" nakagiting sabi ni Patrick at ibinaba ang mga order namin.
Ngumiti ako sa kanya. Matagal na rin simula nang huli ko siyang nakita.
"Thank you! Wow, looking good huh? Mukhang may inspirasyon tayo?" pang-aasar ko sa kanya.
Well, looking at him now, mukhang inspired naman kasi talaga siya. Mahilig siyang ngumiti before pero iba 'yong ngiti niya ngayon. Pasimpleng lumingon siya sa kinaroroonan ng isang babae saka nahihiyang ngumiti.
"Look who's talking. I know going strong kayo ng boyfriend mo," sabi niya. Bumaling siya kay Mica kapagkuwan. "By the way, congratulations on your upcoming wedding."
Mukhang may naalala bigla si Mica at sumenyas na sandali lang. Minadali niya pa ang pagsubo ng laman ng tinidor niya saka may kinuha sa bag.
"Invited ka, Kuya Patrick," sabi niya at inabot ang invitation.
"Oh!" Kinuha ni Patrick ang invitation saka ngumiti. "I wouldn't miss it," sabi niya habang nakatingin doon. "Anyway, I need to go back to work. Enjoy your meal, ladies."
Nangingiting sinundan ko ng tingin si Patrick.
"Sipag talaga. 'Di naman niya kailangang tumulong kasi ang dami niyang staff," sabi ko.
"So, in love ka na niyan? Mas bet mo na si Kuya Patrick?" sarcastic na sabi ni Mica habang ngumunguya siya.
Nag-roll eyes ako at kinuha na rin ang kutsara ko.
"My Liam is the best pa rin 'no," sabi ko.
She mimicked what I said at inirapan pa ako.
"Oo na lang ako! I can see how head over heals naman kasi 'yang si Liam sa'yo 'no."
Tumawa ako at binelatan siya na ikinatawa niya rin.
"But seriously, Gen. I'm glad you two are happy with each other," nakangiting sabi niya.
Gumanti ako ng ngiti. "Masaya rin ako na sa wakas, masaya na kayo ni Xander."
Hindi na muna kami nag-usap pagkatapos at nag-focus sa pagkain.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng iced tea nang mag-ring ang phone ko.
"Hello?" sagot ko roon.
Naramdaman ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.
Ibinaba ko ang phone ko nang matapos ang tawag. Kinakausap ako ni Mica pero hindi ko marinig ang sinasabi niya.
Kapagkuwan ay mabilis na tumayo ako.
"I need to go."
***
Hindi maampat ang mga luha ko habang nasa lobby ng hospital. Nakayakap sa akin ni Mica at hinahagod ang likod ko.
Mayamaya lang din ay humahangos na dumating si Liam. Mabilis na niyakap niya ako nang mahigpit.
Lalo pang lumakas ang pag-iyak ko nang maramdaman ang mga yakap niya.
"It's okay, wife. It's okay," bulong niya saka hinalikan ang buhok ko.
Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang humingi ng tawad sa akin ang mother ko. Noon ko lang din siya simulang tinawag na Mama. Mas dinalasan ko pa ang pagdalaw ko sa kanya at sa loob lang ng isang linggo ay naka-3 beses akong pumunta.
I was even with her yesterday. Masaya pa kaming nag-kwentuhan ng kung ano-ano. Sabi niya kasi, gusto niyang marinig ang mga nangyari sa akin mula pagkabata... noong mga taon na wala siya sa tabi ko.
Nangako pa siyang magce-celebrate kami ng birthday ko together.
But now... she's gone.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...