Chapter Nine

8K 238 2
                                    

Sinasabayan lang namin ang music na pinapa-tugtog ni Liam habang nasa biyahe kami. Kahit na ganito lang, sobrang saya ng pakiramdam ko. Sobrang stressed ako sa trabaho these past few weeks kaya naman malaking tulong ang biglaang lakad naming ito.

Nagkakatawanan na lang kami habang pinipilit abutin ang high notes ng mga kanta. I do sing, lalo na noong bata pa ako pero matagal ko nang hindi pinansin ang talent kong iyon, so I'm fooling around when I'm singing.

"You know, you have potential, Gen," biglang sabi ni Liam nang matapos ang kanta ng Up Dharma Down. Medyo pabulong ko 'yung sinabayan kaya hindi masyadong rinig ni Liam.

"Potential for what?" tanong ko.

"Singing. You have a good tone," aniya pa.

"Magaling 'yan," si Mica. "Nagpapanggap lang 'yan na hindi marunong kumanta. Love kasi ako niyan kaya ayaw niyang kamuhian ko 'yung boses kong tunog lata."

Natawa si Liam sa sinabi ni Mica.

"Grabe ka naman, bruh! Ilang pinggan at baso pa lang naman ang nabasag ng boses mo," sabi ko. Naalala ko kasi ang kwento niya dati na nabagsak ng katulong nila ang bitbit dahil sa biglang pagkanta niya ng high note.

"Really? Nakakabasag talaga ng pinggan at baso 'yung boses mo?" baling ni Liam kay Mica. "Kung sabagay, muntik na ngang mabasag eardrums ko e," aniya pa.

Hinampas bigla ni Mica si Liam dahil sa sinabi nito.

"Grabe kayo sa'kin!" aniya saka tumawa pa.

~*~

"May vacant kayang rooms dito?" tanong ko habang papasok kami sa isang resort.

"We'll see. Summer break pa so may chance na wala na. If ever, marami pa namang resort dito," ani Liam.

Bumaba kami ng sasakyan at nagpunta sa reception ng resort. Hindi na kami nag-abalang maghanap ng available rooms online at naisipang mag-walk in na lang.

"I'm sorry but we only have 1 room left," sabi ng receptionist.

Kahit 2 rooms man lang sana ang balak namin na tuluyan para doon kami ni Mica sa isa at si Liam naman sa isa pa.

"Okay, thank you!" sabi ko sa receptionist saka niyaya sila na maghanap ng ibang resort.

Nagpunta pa kami sa ibang resort at puno rin ang mga iyon.

"Wrong timing ata tayo. Humahabol pa sa summer break ang mga tao," sabi ko.

"I know a place. For sure hindi pa 'yun fully booked," ani Liam.

Sinabi niya ang pangalan ng resort at nagsimula na ring mag-drive papunta roon.

"'Di ba mahal dun?" sabi ko.

"Exactly," sabi ni Liam. "Kaya for sure, hindi 'yun fully booked."

Aangal pa sana ako nang magsalita si Mica.

"Hayaan mo na, Gen. Sagot naman ni Liam lahat."

Tumingin ako kay Liam mula sa rearview mirror pagkasabi noon ni Mica. Kumindat siya sa akin at nagmake-face ako sa kanya.

Hindi na ako nagsalita. Kung sagot naman pala ni Liam lahat e, ba't pa ako aangal.

~*~

"Is there something wrong?" tanong ko kay Mica.

Narito kami sa pool side at umiinom ng beer.

Maggagabi na kami dumating dio sa resort kaya naman nagpahinga lang kami sandali, nag-dinner, bago tumambay dito.

Mula dumating kami ay tahimik na si Mica at mukhang laging malalim ang iniisip.

Ngumiti nang mapait si Mica sa tanong ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon