Chapter Forty-nine

7.9K 279 13
                                    

Naka-Indian sit ako paharap kay Liam habang may kausap siya sa phone na manager ng isang branch ng restaurant nila. Narito kami sa sofa ng condo unit niya at naghihintay lang ng delivery ng pagkain. Sobrang pagod kasi siya dahil kagagaling niya lang sa Tagaytay branch nila.

Hawak ko pa sa isang kamay ko ang bihisan niya dahil may tumawag bigla sa kanya pagkarating na pagkarating niya sa unit niya. Kanina pa ako narito dahil dumeretso ako galing sa opisina.

Napatingin siya sa akin sandali at sumenyas na ilapit ko ang mukha ko. Nagtataka man ay lumapit ako.

Pa-smack na humalik siya sa mga labi ko bago siya ngumiti at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa telepono.

It's been a month mula nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa mother ko. Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang naging reaksyon niya noon.

Matagal na nakatitig lang siya sa kawalan at hindi ako kinausap. Naupo lang ako dito mismo sa sofa na kinauupuan namin ngayon at umiyak nang umiyak. Ni hindi ko napansin kung gaano katagal na ang oras na dumaan. Naramdaman ko na lang ang paglapit niya at pag-haplos sa buhok ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong umiiyak din siya. I was expecting the worst. Inisip kong iiwan niya ako pero hindi nangyari 'yon. Lalo pa akong naiyak dahil sa sumunod na sinabi niya.

"Let's wash up, and go to bed."

Isinubsob ko pa uli ang mukha ko sa mga kamay ko.

Si Liam naman, humalik sa buhok ko bago ako binuhat at siya pa ang nagdala sa akin sa banyo. Nai-ponytail niya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko. Kapagkuwan ay siya na rin ang nagharap sa akin sa sink at nag-hilamos sa mukha ko.

Mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin noon pagkatapos, bago siya bumulong.

"Let's not let our parent's mistakes to affect us. I love you. We love each other... that's all that matters."

Akala ko, may magbabago pagkatapos no'n. Akala ko, magiging distant siya sa akin pero hindi nangyari 'yon. He's still the same Liam I've known for years. Kahit konti, walang nabago sa kanya. And I was so grateful for that.

I don't know what I did to deserve this man.

Nang tumingin siya uli sa akin, I mouthed, "I love you" na ikinangiti niya naman.

Nang matapos ang tawag ay nahiga siya at ipinatong ang ulo niya sa isang hita ko bago pumikit. Hinaplos ko ang mukha niya bago siya hinalikan sa mga mata, sa ilong, at sa mga labi. Hindi siya dumilat pero malapad ang ngiti niya.

"Magbihis ka muna, husband," sabi ko at ipinatong ang hawak kong damit sa dibdib niya.

Ngumuso siya bago hinawakan ang isang kamay ko.

"'Wag na, huhubarin ko rin naman 'yan mamaya," sabi niya.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ipinapahiwatig niya kaya mahinang hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa niya.

***

"I'll pick you up later," sabi ni Liam bago ako bumaba ng kotse.

Inihatid niya ako sa apartment na tinitirhan ngayon ng mother ko kasama ang kaibigan nito. Nagdesisyon itong hindi na manatili sa ospital at dito na lang dahil sinabi rin naman ng doktor na malala na ang lagay nito at hindi na magagamot. Naghihintay na lang ito ng oras.

Sinusuportahan ni Liam ang naging desisyon ko na dalawin ang ina ko paminsan-minsan. Pero never siyang sumama. Hinahatid-sundo niya lang ako at ni isang beses ay hindi niya ito hinarap.

"Good afternoon po," bati ko sa kaibigan ng mother ko at iniabot ang mga prutas na dala ko.

Pang-apat na dalaw ko na rin rito at almost two months na rin mula ng unang beses. Hindi ko makakalimutan ang pagyakap niya sa akin noon. Hindi niya raw kasi akalain na pupuntahan ko siya dahil sa lahat ng pagkukulang niya.

Kwento niya, nagpakasal siya noon sa father ko out of whim, dahil nalaman niya ang pagpapakasal sa iba ng first love niya. Bukod pa roon ay kamamatay lang ng buong pamilya niya, ang lolo, lola, at tiyuhin ko sa paglubog ng bangka na sinasakyan ng mga ito.

Sobrang magulo raw ang isip niya nang panahong 'yon. Ipinagbuntis at ipinanganak niya ako pero ramdam niyang may kulang sa buhay niya kaya naman iniwan niya kami ng father ko. Doon siya na-diskubre at nagsimulang maging artista. Sumikat siya ng sobra, pero marami ang kontrobersyang umusbong patungkol sa kanya, nasira ang career niya na inabot din ng maraming taon.

Karamihan sa mga kontrobersya ay ang naging kabit siya ng iba't-ibang aktor. Knowing how he was Liam's father's mistress, hindi ko na 'yon kinumpirma sa kanya. It doesn't matter now anyway.

"Kumusta po siya?" tanong ko.

"Kanina, nagsusuka siya, pero okay na siya ngayon," sagot ng kaibigan ng mother ko.

Ayon dito, naging magkaibigan sila ng mother ko nang tulungan siya nito dati. Naging dependent siya sa mother ko noon kaya naman ngayon ay sinusuklian niya ang mga nagawa nito para sa kanya.

Tumango ako at tipid na ngumiti saka pumasok sa maliit na kwarto na kinaroroonan ng mother ko.

Dahan-dahang nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman ang presensya ko.

"Kumusta po ang pakiramdam niyo?" tanong ko.

Ngumiti siya kahit na alam kong pilit 'yon. Kita sa mukha niya na may iniinda siya.

"Okay lang ako. Maayos na ang pakiramdam ko kahit paano," sabi niya saka pinilit na umupo.

Inalalayan ko agad siya at isinandal sa dingding sa bandang ulunan ng higaan niya.

Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan na lang siya.

Kung titignan mo kaming dalawa, hindi mo maiisip na mag-ina kami. Halos buong features ko ay nakuha ko sa father ko. 'Yong kulay ng balat lang 'ata ang nakuha ko sa kanya.

"Ikaw ba, kumusta ka? Bakit parang pumayat ka?" tanong niya mayamaya.

"Maayos naman din po ako. Medyo busy lang sa trabaho, kaya po siguro medyo pumayat," sagot ko.

Tumango siya at hinaplos ang pisngi ko.

"Kumusta kayo ng nobyo mo?"

Napatitig ako sa kanya hahil sa tanong niya. Kahit kailan kasi, hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Liam.

"Alam ko ang tungkol sa inyo ng anak ng mga Ortega. Alam ko rin na alam mo kung anong kasalanan ang nagawa ko. Kahit kailan ay hindi ko ipinagmamalaki 'yon. Masyado lang akong nabulag dahil sa pagmamahal ko sa ama niya."

Hinawakan niya ang isang kamay ko kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

"Ilang beses ko rin siyang pinuntahan at kinausap para humingi ng tawad sa nagawa ko sa kanila. Nalaman niya ang lagay ko kaya naman nag-prisinta siyang tumulong. Nang huling beses ay hindi ko na 'yon tinanggap, wala na rin namang magagawa 'yon. Hindi na ako gagaling. Ang gusto ko na lang, mapatawad ako ng mga napagkasalaan ko."

"Masaya akong makita kung gaano ka kamahal ng nobyo mo. Ipinagdarasal ko lang na sana ay hindi makahadlang ang mga kasalanan ko sa kaligayahan mo. Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa'yo. At patawad din sa lahat ng pagkukulang ko, anak."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit kailan, hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanyang tawagin akong anak. Kahit na marami siyang pagkukulang, kahit na minumulto ako ng mga kasalanan niya, sa bandang huli, ina ko pa rin siya.

"Pinapatawad ko na po kayo sa lahat, Mama."

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon