Chapter Fifty-five

9.5K 290 28
                                    

Pinisil ko ang sintido ko dahil kumikirot 'yon. Sakay ng taxi ay papunta ako sa isang bar ng dis-oras ng gabi dahil tumawag na naman si Liam at lasing na lasing.

Pangalawang beses na 'to simula nang gabing mag-dinner kami sa isang branch ng restaurant niya.

Hindi ko makakalimutan ang hitsura niya ng gabing 'yon noong hinatid niya ako sa wakas sa apartment ko. Inabot din kami ng hating-gabi dahil kung saan-saan siya nag-drive. Hinayaan ko na lang siya noon at pinilit i-enjoy ang gabi.

Nang makarating sa apartment ay kinompronta ko siya at sinabihan na 'wag nang uulitin 'yon. Na pinagbigyan ko na siya kaya tigilan na ako.

He looked so broken na pinagsisihan ko rin agad ang mga sinabi ko.

Hindi na siya nagsalita noon at umalis na lang basta.

Ilang oras lang, tumawag siya nang madaling araw at tulad ng dati ay lasing na lasing. Hindi ko naman matiis na pabayaan na lang siya kaya tulad din nang araw na 'yon ay narito ako't susunduin na naman siya.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa ginagawa ko.

I must be out of my mind.

***

Nasilaw ako sa araw na tumatama sa mata ko nang magising ako. Masakit pa rin ang ulo ko pero hindi na katulad ng nagdaang gabi.

Napansin ko ang brasong nakayakap sa akin mula sa likod na ikinabangon ko bigla. Sandaling nag-reklamo ang nasa higaan pero hindi naman gumising at bumiling lang sa kabila.

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kagabi sa tabi ni Liam. Dahil na rin siguro sa sama ng pakiramdam ko. Mabilis na kumilos ako para umalis ng unit niya. Hindi niya ako pwedeng makitang narito.

***

Napasinghap ako nang saktong paglabas ko ng pinto ng unit ni Liam ay ang Mama niya ang sumalubong sa akin.

Hindi ako makapagsalita at nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa pinto ng unit.

"We have to talk," sabi ng ginang.

"It's not what you think, tita, I didn't mean to—"

"It's too early for lunch so let's have breakfast?" putol niya agad sa sinasabi ko.

Hindi na ako nakapag-react at sumang-ayon na lang sa kanya.

Sa isang restaurant kami nagpunta kung saan may mga pribadong kwarto para sa mga may gusto ng privacy.

Kabadong naupo ako sa harap ng ginang, hindi tumitingin sa kanya.

"Tita, about what you saw, wala po talaga 'yon, hinatid ko lang si Liam kagabi dahil lasing na lasing siya. Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ko namalayang nakatulog ako," mabilis na paliwanag ko.

"Let's eat first," sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

Kahit na walang gana ay pinilit kong kainin ang nasa harap ng mesa.

Matagal na tahimik kami at kumakain lang. Nang matapos ay humarap sa akin ang ginang.

Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay na magsalita siya.

Mayamaya ay huminga siya nang malalim bago kinuha ang dalawang kamay ko.

"Please take my son back," sabi niya na ikinagulat ko.

I was waiting for the worst kaya naman hindi ko inaasahan ang narinig ko mula sa kanya.

"Po?" maang na tanong ko.

"I—I can't bear to see my son like that anymore. So please, take him back. Hindi na ako hahadlang sa inyo. You have my blessing."

Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya.

"I'm so sorry, anak. I was so selfish. I know you're not that kind of girl, but I was so angry that I took it out on you. Please forgive me and be a part of our family again."

Umiling ako at magsasalita sana pero inunahan niya ako.

"I know what I did was wrong. I shouldn't have said all of that. I'm also sorry for your mother, I know that the last time she didn't meet my husband to take him from me, but I was so jealous that I just lost it. I even made a scene at her funeral. Please forgive me for that, too."

Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya saka tumungo.

"Pinapatawad ko na po kayo. Wala na po 'yon. Sorry rin po sa mga nasabi ko. I was disrespectful," sabi ko. Nag-angat ako ng tingin bago nagpatuloy. "Pero hindi ko na po babalikan ang anak niyo," sabi ko pa.

Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at malungkot na tumingin sa akin.

"Is it because of me?"

Mabilis na umiling ako.

"I know you still love him. I've been watching you, looking for a chance to talk to you. And I've seen how much you care for him. So, I must be the reason."

"No, Tita. It's not because of you. You were wonderful. Naramdaman ko kung paano niyo ako itinuring na anak. You just don't know how happy I was at that time. But... I don't think I deserve your son," sabi ko.

Kinuha niya muli ang mga kamay ko.

"No, Gen. It's not that you don't deserve Liam. It's the other way around. Our family doesn't deserve you."

Pagak na tumawa ako dahil doon. How can someone like me be worthy of their family? Ano bang ginawa ko para kay Liam at sa pamilya niya? Wala. I'm even the daughter of the woman who almost ruined their family.

"Thank you for thinking highly of me, Tita. But Liam is too kind, too considerate, and too caring for someone like me."

Tipid na ngumiti ang ginang at hinaplos ang mga kamay ko.

"My son became that kind, considerate, and caring man because of you, Gen. You're the one who brings out the best in him."

***

Napabalikwas ako ng bangon nang may kumatok sa pinto. Hindi ko napansin na naka-idlip pala ako habang nanonood ng drama sa cellphone ko.

"Sino 'yan?" tanong ko sa nasa labas pero hindi siya sumagot.

Binuksan ko na lang ang pinto at nakita roon si Liam.

Halos isang linggo na rin ang nakalipas mula nang kausapin ako ng Mama niya. Simula noon ay hindi ko na pinuntahan si Liam kahit na tumatawag siya nang madaling araw.

Mula rin noon ay hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi ng ginang.

"Gen! We have my mom's blessing!" excited na sabi niya.

Kahit na mukha pa ring hindi niya naaayos ang sarili niya ay nag-iba ang ngiti niya. Hindi tulad ng mga nakaraan na sobrang lungkot ng mga mata niya ay nagkabuhay 'yon.

"I talked to my mom earlier, she told me she won't hinder our relationship anymore," sabi niya pa at biglang yumakap sa akin.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at hindi siya tinignan.

"Yeah, I know. She talked to me last week," sabi ko.

Sandaling natahimik si Liam. Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya bago nagsalita.

"So, you knew already. But you still don't want to be with me. Is that it?"

Hindi ako makasagot sa sinabi niya nanatili lang akong nakatungo at hindi tumitingin sa kanya.

"Is it because you're seeing that guy again?" tanong niya. His voice cracked making me look-up to him. May isang luhang pumatak mula sa mata niya.

"Liam..."

Dahan-dahang lumapit ako sa kanya. Yumakap ako sa beywang niya at isinandal ang noo ko sa dibdib niya.

"I'm sorry, Liam... I'm so sorry."

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon